Pag uwi ko ng bahay, agad akong pumasok sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga dapat gawin, kung susundin ko ba ang utak ko o ang puso ko.. Sabi ng puso ko. "Itext mo na, makipagbati ka na. May feelings ka na rin lang, ituloy mo na." Sabi ng utak ko. "Wag mo itext, mag iinvite ka nanaman ng taong sasaktan ka, ikaw na naman ang kawawa sa huli." Hindi ko alam ano ang susundin ko, utak ba o puso? Ano ba ang mas nananaig? Puso ko ba? Bahala na. Itetext ko na lang siya, kung ano man sabihin niya, tatanggapin ko yun ng buong buo, gusto man niya makipagbati o hindi, kasalanan ko naman after all. "Simon, can we talk?" Message sent! Ang tanga tanga ng text ko.. Kinakabahan ako eh, paano kung magreply siya na busy siya at ayaw niya ako kausapin? Tapos paano kung nasaktan ko na siya n

