"Omg, na-miss ko kayo mga panget!" Napaatras kami ni Frea nang biglang dumamba ng yakap si Stefan pagkabukas niya ng pintuan ng kaniyang unit.
"Girl, dalawang linggo lang tayong ‘di nagkita, ha?" natatawang sabi ko nang kalasin niya ang braso niya mula sa pagkakayakap. Nauna na akong pumasok sa unit niya at sumunod naman sila.
"‘Yon nga, e. Two weeks na tayong hindi nagkikita and I'm not used to it. Like, hello? Halos araw-araw kaya tayong magkasama for the past years tapos biglang ganito, kaya medyo naninibago lang ako ngayon." Dumiretso siya sa kusina pagkatapos niyang sabihin iyon at bumalik nang may dalang dalawang baso ng tubig at iniabot sa amin.
"Stef, we're not college students anymore. We're already in the next phase of our life at asahan mo nang magiging busy na tayo sa kaniya-kaniya nating career kaya bihira na lang talaga tayo magkakaroon ng time para sa isa't isa. Malawak na ang mundong gagalawan natin ngayon kaya masanay ka nang minsan na lang tayo magkikita-kita." Sabay kaming napatingin ni Stef kay Frea dahil sa naging litanya niya.
"Why are you guys looking at me like that?" Napatigil siya sa pag-inom ng tubig at taka kaming tiningnan.
"Frea, ikaw ba 'yan?" I gave her an unbelievable look. Hindi kasi ako makapaniwala na lumabas 'yon sa bibig niya. Parang ang mature niya bigla.
"Sus, ang sabihin mo, may jowa ka na kaya sa kan'ya na mafo-focus ang atensyon mo." Pabirong inerapan ni Stef si Frea. "Echosera ka, girl!"
Sisinghalan pa lang sana ni Frea si Stef ngunit naagaw ng pagtunog ng doorbell ang atensyon naming tatlo.
"Baka si Brends na'to," excited na sabi ni Stef at naglakad papunta sa pinto para buksan 'yon. Kagaya ng ginawa ni Stef sa amin kanina, agad niya ring niyakap si Brenda nang makitang siya nga 'yong dumating. Natawa naman ito at niyakap rin siya pabalik.
"Ano ba 'yan Stef, parang isang taong ‘di nagkita, ah?" aniya pagbitaw sa yakap at lumingon sa amin. "Hi, girls!" She waved her hands while smiling and started to walk towards us. Ibinaba niya naman sa table 'yong bitbit niyang paper bag bago lumapit sa amin at bumeso. Uupo pa lang sana siya nang biglang nagsalita si Stef.
"Ano, riyan na lang ba kayo? Tara na sa v-room, magsimula na tayo sa ating party! Madami-daming inumin 'yon, let's go!" Tumayo na kami at sumunod sa kaniya pero nang nasa tapat na kami ng kwartong tinutukoy niya, pinigilan niya kaming pumasok.
"Ako muna, guys. ‘Pag kumatok ako mula sa loob, tsaka lang kayo papasok, ha?" Kahit na nagtataka, tumango naman kami at hinayaan siyang pumasok mag-isa sa v-room.
"Ano na naman kayang pakulo ng baklang 'yon?" tanong ni Frea habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader.
"Hindi kaya may inimbita siyang mga boys?" ani Brenda. I looked at her with a grimace.
"Kung may inimbita siya, edi uuwi na lang ako. Baka magalit ang boyfriend ko." Bigla akong napalingon pabalik kay Frea dahil sa sinabi niya.
"Wow, loyal," I teased.
"Aba syempre, pang seryosohan na'to. Bakit ikaw, hindi ka ba loyal?" taas-kilay na tanong niya sa akin.
"Wala akong boyfriend, girl."
"Sus, ang sweet-sweet niyo nga ni Zach nitong mga nakaraang araw. Lalo na last week sa Batangas. Sarap nga ng tulog mo no'ng pauwi na tayo, e. Ni-ghost ka ba talaga no’n? Bakit ang sweet niya sa'yo?" Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang banggitin ni Frea 'yong nangyari sa van. Kahit isang linggo na ang nakalipas, hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin tuwing naaalala ko iyon. Hanggang isang taon ata ang kilig ko dahil lang do'n. First time ko kasing ma-experience 'yon at parang gusto ko ulit maulit.
Frea was also telling the truth about Zach being sweet to me these past few days. He was always tailing me around. Tuwing may pupuntahan akong magagandang lugar for my portfolio, he was always accompanying me. He was my driver whenever I go out. Kapag naman nasa bahay lang ako at nag e-edit, nandoon din siya and he was always complimenting my works. He was also preparing snacks for me. He was acting like a supportive boyfriend to me. I really don't have any idea why he was doing all of that... all I know was I'm enjoying it. Pero minsan napapaisip din naman ako kung bakit siya ganoon sa akin, he freaking ghosted me kaya! Tapos bigla siyang susulpot na parang walang nangyaring gano'n. Pagkatapos niya akong i-ghost, bigla siyang darating at magiging sweet sa'kin. Ang contradicting masyado. Masaya pero nakakatakot. Hindi pa rin kasi malinaw sa akin ang intensyon niya dahil wala naman siyang sinasabi sa akin.
Balak ko nga siyang komprontahin about do'n sa biglaan niyang hindi pagpansin sa akin pero tuwing magiging sweet siya, nakakalimutan kong gawin. Siguro one of these days tatanungin ko na talaga siya. Ayoko namang hindi pag-usapan iyon. Malay ko ba kung pinagti-trip-an lang ako niyan habang andito siya sa Pilipinas. Baka nabuburyo lang siya kasi hindi siya sanay dito kaya palagi siyang nakabuntot sa akin. Tapos ‘yon pala, girlfriend niya 'yong babaeng nakita ko noon. Aba, kahit may gusto ako sa kan'ya, e hindi ako papayag na maging third party. Hindi ko naman pinangarap ang maging kabit, 'no!
"Khyrss! Ano, narating mo na ba ang bottom ng Mariana Trench? Ang lalim ng iniisip mo, a?" Frea snapped at me that bring me back into my senses.
Sakto namang kumatok si Stef mula sa loob ng v-room kaya hindi ko na pinansin 'yong sinabi niya. Si Brenda ang nagbukas ng pinto at sabay-sabay naman kaming napatalon sa gulat nang biglang may sumabog na party popper.
"Congratulations to us!" energetic na sigaw ni Stef at iginiya kami papasok nang maestatwa kami sa may pintuan.
"Wow, pinaghandaan mo talaga 'tong late celebration natin, ha," manghang sabi ni Frea nang makita ang kabuuan ng v-room.
Ang bongga kasi ng ayos ng videoke room. May metallic balloons letter na nakadikit sa dingding saying 'congrats to us' at may dalawang wine balloon rin sa ilalim noon. Sa kisame naman ay may nakadikit na iba't ibang kulay ng mga lobo at may mga pictures na nakakabit sa dulo ng tali. Sa sahig naman ay may mababang lamesa at nakalagay doon 'yong mga pastries at sa gilid naman ng lamesa ay ang mga alak at chips. Mayroon ding mga lobong nakakalat sa sahig. Mas namangha kami nang mag-ilaw ang mga lobo nang patayin niya ang ilaw ng kwarto. Tanging ‘yon at ang pink and purple LED lights lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid.
"Sh*t, t*ngina, jowain mo na ako Stef! Ang ganda! Gusto ko 'yong mga ganitong surprise 'pag anniversary, e." Natawa kami ni Frea nang wala sa sariling banggitin 'yon ni Brenda.
"Yuck, kadiri ka girl. Hindi tayo talo 'no! F*ck, goosebumps." Nandidiring lumayo sa kaniya si Stef hawak ang magkabilang braso.
"Kung makapagsalita ka parang ako na ang pinakapanget na babae, sa mundo, ah?" mataray na sabi naman ni Brenda. Tahimik lang kaming nanonood ni Frea sa magiging sagutan nila.
"Totoo naman, e." I pursed my lip to suppress my laughter.
"Ul*l, sa ganda kong 'to? Kahit kaya bakla nagkakagusto sa 'kin." Hindi sa pagmamayabang pero totoo talaga ‘yong sinabi niya. Iba kasi 'yong ganda niya, e. I have witnessed how she turned down people with different s****l orientation. Yes, she has that kind of appeal to anyone, and I really don't have any idea why she's still single.
"Ul*l ka rin, hindi sila nagkakagusto sa'yo kasi maganda ka, nagkakagusto sila sa'yo kasi mukha kang tomboy, duh!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi matawa nang sugurin ni Brenda si Stef at hampasin ng lobo hanggang sa pumutok iyon sa kanya.
"Stop it, Brenda! Masakit kaya!"
"Napaka-bastos kasi ng bunganga mo!" She then grabbed another balloon again and popped it on his arm. I was enjoying the live rambulan when Frea spoke.
"Alam niyo ba guys, diyan nagsimula 'yong lolo at lola ko," natatawang sabi niya na nakapagpatigil sa dalawa.
"Yuck, no!" Sabay nilang sabi kaya napatingin sila sa isa't isa at sabay na umirap.
"What a great couple you'd make." Gatong ko pa na mas lalong nagpalukot ng mukha nila.
"Tigilan niyo nga kami!" singhal ni Brenda.
"Okay... basta always remember support kami palagi kahit ano man ang maging desisyon niyo." Frea shrugged her shoulder and started walking towards the table and settled herself on the floor. Sumunod naman ako sa kan’ya at kinindatan si Brenda. Inerapan niya lang ako bago umupo sa tapat ni Frea at gano’n din si Stef.
"Please do remind me not to invite you again in my house. Binabastos niyo ang pagkatao ko, my God!" Binatukan ko siya nang makaupo ako sa tapat niya.
"Arte mo, Stefan! Buksan mo na lang yang tv mo at magkantahan na tayo." I grabbed one cupcake and took a big bite while watching him doing what I just said.
"Sus, kakanta ka lang para madaya mo kami sa inuman, e!" sabi ni Frea habang nagbubukas ng beer at nakatingin sa akin.
"Tanga, ako nga ang lugi sa inuman palagi. Ang tataas kaya ng alcohol tolerance niyo samantalang ako kaunting inom pa lang lasing na!" Natawa naman siya dahil sa sinabi ko at inakbayan ako.
"Try mo kayang alak ang gawing tubig sa loob ng isang buwan, ewan ko na lang kapag hindi pa tumaas ‘yang alcohol tolerance mo." She grinned while wiggling her eyebrows at me.
"Ul*l, ikaw na lang. Ayaw ko pang mamatay 'no!" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin at lumayo ng kaunti sa kan'ya.
"Girl, easy..." Natatawang uminom siya sa hawak niyang beer at inabot iyon sa akin. "Oh, pampakalma."
"No thanks, may laway mo na 'yan. Magbubukas na lang ako ng akin." Inilayo ko sa akin 'yong inaabot niyang beer at nginisihan siya.
"T*ngina, ang arte mo!" inis na singhal niya sa akin kaya mas natawa ako.
"Wow, parang kanina lang kami 'yong nag-aaway tapos ngayon kayo naman? Dapat may putukan din ng lobo para fair, 'yan o madami sa likuran niyo," pang-uudlot ni Stef habang inginunguso ang likuran namin pero hindi ko siya pinansin at nagbukas na lang ako ng sarili kong beer at diretsahang nilagok iyon pero pinigilan ako ni Brenda.
"Hoy, wait lang Khyrss, hintayin mo naman kami." Napatigil ako sa pag-inom at tiningnan sila habang nagbubukas ng kaniya kaniyang alak, pagkatapos ay itinaas nila iyon sa gitna kaya ganoon din ang ginawa ko.
"Cheers!" sigaw namin at sabay-sabay na uminom.
"Let's get wasted tonight!" maarteng sigaw ni Stef pagkatapos ubusin 'yong isang lata ng beer ng isang inuman lang.
Nagsimula na siyang magpatugtog ng kung anu-anong kanta kaya naman tumayo na rin 'yong dalawa at nagsasayaw na silang tatlo. Natatawa na lang ako habang pinapanood sila dahil mukha silang uod na binudburan ng asin sa pinaggagagawa nila. Partida, hindi pa lasing ang mga 'yan, ha. Lalo na siguro mamaya pag may tama na sila.
Matapos ang halos isang oras nilang pagsayaw, nagsimula naman silang magpahidan ng icing ng cake.
"Mga walanghiya kayo, sana pala mumurahing cake na lang 'yong in-order ko kung alam ko lang na ganito ang gagawin niyo!" sigaw ni Stef matapos mapahidan ni Brenda sa mukha kaya dumakot na rin siya ng cake at ipinahid sa mukha ni Brenda at Frea. Napahagalpak naman ako ng tawa nang makita ang hitsura nila pero agad din akong natigilan nang lumingon silang tatlo sa akin nang sabay-sabay.
Shit, I'm freaking doomed!
Tatayo pa lang sana ako pero dinumog na nila ako at isa-isang pinahiran ng cake ang mukha ko. Nang matapos sila, dumakot na rin ako ng cake at nakisali sa kanila. Napuno ng sigawan at ng tawanan ang buong silid at natigil lang kami nang maubos na namin 'yong isang buong cake dahil lang sa pagbabatuhan at pagpapahiran. Hinihingal kaming bumalik sa aming puwesto at kumuha ng kaniya kaniyang beer.
"That was so fun!" nakangiting sambit ni Frea at inilapag ang lata ng naubos niyang beer sa lamesa.
"Yeah, and the funniest part is the fact na si Stef lang ang maglilinis nito bukas. Ang saya ‘di ba?!" Humalakhak si Brenda matapos niyang sabihin iyon.
"Okay lang, ang mahalaga ay nag-enjoy tayo! Kaya ano pa ang iniintay niyo? Inom pa guys! Madami akong biniling beer, look..." Gumapang siya palapit sa mini fridge niya at binuksan iyon. Napangiwi naman ako nang makitang punong-puno pa iyon ng beer!
Baka 'pag naubos namin 'yon lahat ngayong gabi, e sa hospital na kami pulutin bukas. Naglabas siya ng walo mula doon at inilapag sa lamesa.
Umatras ako para sumandal sa sofa na nasa likuran lang ng puwesto ko at bahagyang pumikit. Ramdam ko na kasi ang pagkahilo at ang pag-init ng buong mukha ko kaya sigurado akong namumula na ako ngayon.
"Hoy, Khyrss ang daya mo, ha! Nakakatatlo ka pa lang kaya, akala mo ba hindi ko binibilang, ha? Tapos kami nakaka anim na. Lumapit ka rito, girl. Walang matutulog, dapat ma-knock out tayo!"
Nahihilo man, wala akong choice kung hindi lumapit at inumin 'yong iniabot niya sa akin. Nang maubos ko 'yon, medyo umaalon na ang paningin ko. Wala sa isip ko ang magpakalasing dahil alam kong ako rin ang mahihirapan bukas kaya pa-simple kong kinuha ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay Aly na sunduin ako rito sa condo ni Stef. Agad naman siyang nag-reply sa akin kung ano raw ang pangalan ng condo, pang ilang palapag at kung ano ang room number. Ha? Ang alam ko nakapunta na siya rito dati, ah. Ba't niya pa tinatanong?
Nagtataka man, sinabi ko pa rin dahil nga nahihilo na talaga ako at gusto ko nang makatakas sa mga kaibigan ko.
"Khy, oh. Inom lang nang inom!" Inabutan na naman ako ni Stef ng beer at tinanggap ko naman 'yon at agad na ininom. Napahiyaw naman silang tatlo nang ubusin ko iyon ng isang inuman lang. Parang ginanahan ako dahil sa kantyaw nila kaya ako na mismo ang kumuha ng panibagong lata ng beer at binuksan iyon. Wala sa sariling tumayo ako at nilagok 'yon ng dire-diretso. Nang maubos ko iyon, basta ko na lang 'yon ibinagsak sa sahig.
"Give me the mic. I wanna sing my favorite song of Little Mix." Inilahad ko ang kamay ko sa kanila at agad naman nilang iniabot sa akin 'yong hinihingi ko.
"Ang tagal naman!" inip na sabi ko nang hindi pa nagpi-play 'yong kantang gusto ko.
"Attitude ka, girl! Kanina okay ka pa, ah. Nakadalawang sunod ka lang lasing ka na kaagad."
"Hindi ako lasing! Manahimik kayo, kakanta ako." Awtomatik naman na gumalaw ang katawan ko nang marinig ko na ang simula ng paborito kong kanta ng Little Mix.
"Go, Khy!" sabay-sabay na sigaw nila kaya mas lalo akong ginanahang sumayaw.
Nagsimula na ang kanta. I placed my left hand on my chest and closed my eyes.
"That's what I want," I heard my friends did the second voice. I opened my eyes and winked at them then I continued singing while moving my shoulders.
Napangiti ako matapos kong ibahin ang lyrics at nagkantyawan ang mga kaibigan ko. Agad naman akong humiga sa sofa para kantahin ang chorus.
Bumangon ako pagkatapos at hinablot ang hawak na beer ni Frea at ininom 'yon.
"Damn, live concert of Khyrss Sariah, the girl version of Post Malone! Guys, clap your hands!" Kinindatan ko si Stef matapos niyang sabihin iyon at dahan-dahang naglakad paikot sa kanila.
Nagpatuloy ako sa pag ikot sa kanila habang sumasayaw at kumakanta.
Itinapat ko sa kanila ang mic para ulit sa second voice. "That's what I want."
I drank my beer until the last drop before I threw the can away and raised my hand and danced just like how girls dance in the club.
"Guys, sing with me." Sinunod naman nila ang gusto ko at sinabayan ako sa pagkanta.
I move my shoulder up and down matching it to the beat of the song. Napatigil ako sa pagkanta nang biglang tumayo si Brenda.
"Oops, where are you going? I'm not yet finished with my concert." I pouted.
"I need to pee. Kanta ka lang d’yan. Babalik ako."
"Okay...." Binitawan ko na siya at bumaling kay Stef at Frea.
"Stand up guys and join me." Tumayo silang dalawa at ginawang mic 'yong lata ng beer. Nag-ikutan kaming tatlo habang kumakanta.
Nanlaki ang mata ko nang may biglang humarang na lobo sa dinadaanan ko at nadulas ako. Napapikit ako at inantay ang pagbagsak ko sa sahig pero hindi ‘yon nangyari dahil naramdam kong may brasong humapit sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat at tumama ang tingin ko sa isang pares ng matang may kakaibang ganda ng kulay.
"Can't love me like you..." Wala sa sariling tinapos ko ang huling linya ng kanta habang nakatitig sa lalaking laging dahilan ng pagwawala ng sistema ko.
"Hi." Ngumiti ako sa kaniya at ikinaway ang kanang kamay ko. Itinayo na niya ako pero nakaalalay pa rin sa braso ko ang kamay niya.
Nakatitig lang ako sa kan’ya... sa mata niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya para mas matitigan pa iyon pero napaatras siya.
Wala sa sariling lumipad ang kamay ko sa magkabilang gilid ng pisngi niya at hinila palapit sa akin ang mukha niya.
"What are you doing?"
"Ang ganda ng mata mo..." Itinagilid ko ang ulo ko para mas matitigan iyon. "Naka-contact lense ka ba? Gusto ko rin ng gan’yang kulay. Where did you buy it?" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya napanguso ako. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko para tanggalin ang pagkakahawak ko sa kan’ya.
"I never thought that you're this cute when you're drunk." He smiled at me, I frowned.
"Drunk who? I'm not drunk, duh. And oh, for your information, I'm cute all the time." Tinalikuran ko siya at lumapit ako sa mga kaibigan ko para kumuha ulit ng isang beer. Muntik pa akong matumba ulit dahil sa hilo pero nahawakan naman ako ni Frea. Naabutan ko namang nakatulala si Stef sa direksyon ng lalaking kausap ko.
"Omg! Siya ba 'yong Canadian guy mo? Sh*t! I knew it! Mas gwapo siya sa personal!"
"Yeah, he really is," I whispered at him before sipping on my beer.
"Who invited you here?" Namumungay ang matang tanong ko sa kan’ya paglapit ko ulit sa kaniya.
"You asked me to pick you up."
"I didn't." I shook my head.
"Yes, you did." I stared at him.
"Hold this for me." I handed him my beer then I placed my hands on each side of my head trying to remember if I did ask him to pick me up.
After a few minutes, I looked up at him and amusement was visible on his face.
"I remembered it now! I asked Aly to pick me up but... you're not Aly." I bit my lower lip.
"Are you sure?" He raised his brow. I nodded three times.
"Yes, I'm sure you're not Aly." I pointed my index finger. "You're his brother whom I'm crushing on since high school," I giggled.
He chuckled and lightly shook his head. I narrowed my eyes at him and pouted my lips. Why is he always laughing at me?
"You told me you didn't want to get drunk, that's why you wanted me to pick you up. Tapos madaratnan kita rito na lasing ka na, tss. Let's go, I'll take you home." He tried to hold me, but I jerked away.
"No, you're not Aly. I won't go with you." I gestured my pointing finger 'no' while shaking my head.
"I'm the one you texted, don't be so stubborn, Kaiah. Let's go home so you can sleep." He tried to hold me again and this time I let him.
"Sleep?" I said in excitement.
"Yes." He nodded. "Where are your things?" He looked behind me.
"Here." Stef handed him my things. "Please, take her home. Ayaw kong mag-alaga ng lasing."
"Yes, I will. Thank you." He smiled at him before turning to me again. "Let's go..." He wrapped his arms around me and guided me towards the door. Nang makalabas kami sa unit ay tumigil ako sa paglalakad.
"What's wrong?"
"I'm tired already and I'm so sleepy na... I don't want to walk anymore." I rubbed my eyes.
"I'll carry you, then." He kneeled in front of me, his back facing me.
"What are you doing?" I asked him.
"I'll give you a piggyback ride. Come on." He tapped his back. I smiled and snaked my arms around his neck.
"Does anyone tell you that you're acting like a baby when you're drunk?" he said when he finally stood up.
"Like a baby?" I don't know why but I laughed.
He nodded. "Adorable like a baby." I saw how he licked his lower lip making it wet. I averted my gaze.
"Am I your baby, then?" I asked while looking at his side profile, smiling.
"Yeah, you're my baby..."