"I'm so happy for you, Frea. Finally, kayo na ni Aly! Akala ko kailangan ko pang magpaka-cupid sa inyong dalawa, e!" tuwang-tuwang sabi ko kay Frea pagkatapos niyang ikwento sa akin 'yong nangyari sa dinner date nila kagabi.
I was actually waiting for her last night to come back here in our room because I've been dying to hear her story pero ang tagal niyang bumalik hanggang sa makatulog na lang ako kakahintay. Kakagising ko lang ngayon at kahit hindi ko pa nagagawa ang morning routine ko, pinagkuwento ko na agad siya. Sobrang excited kasi talaga akong malaman kung successful ba 'yong plano ng best friend ko.
And ayon, successful nga! Magjowa na ang dalawa kong kaibigan, sa wakas! I'm really happy for them.
"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon kasi akala ko sa'yo talaga siya may gusto noong una pero 'yon pala ako 'yong gusto niya. Gosh, ang tanga-tanga ko sa part na 'yon!" She then covered her face with her palms and shook her head few times. I laughed.
"At least ngayon alam mo na..." I said as I looked at her seriously. "Ngayong girlfriend ka na niya, you have to promise me na you will love and take care of him, ha? ‘Wag mo siyang sasaktan. You know how important Aly is to me. Kahit napaka-bastos ng bunganga no’n sa akin, mahal na mahal ko 'yong siraulong 'yon kasi siya 'yong palaging nandiyan at nag-aalaga sa akin 'pag wala 'yong parents ko. Para ko na siyang kuya and as a little sister, I just want what's best for him at alam kong ikaw ‘yon." Nakatitig lang siya sa akin habang nangingilid ang kan’yang luha at dahil hindi ako sanay na makita siyang gan’yan, parang gusto ko tuloy matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want to ruin this moment.
"Syempre bilang best friend mo rin, kampante ako na hindi ka no’n sasaktan. I know how caring and loving he is. Kung nakukulangan ka sa pagmamahal na nararamdaman mo galing sa magulang mo, alam kong kayang-kaya niya 'yong punan. Sa apat na taong magkaibigan tayo, you witnessed how he loved and took care of me at sigurado akong mas higit pa ro’n ang kaya niyang gawin at ibigay sa'yo." I gave her a genuine smile.
Why does it sound like I am an ex-girlfriend who is now giving Aly away to another girl?
"Yes, I witnessed all of that, and I even got jealous of you because of the way he treats you minus the asaran part." Natawa siya sa kaniyang sarili nang maalala iyon at maging ako rin.
Natahimik kaming dalawa saglit bago ako muling nagsalita.
"You know what... I can't see any guy as your boyfriend but Aly. Alam kong magiging masaya ka sa kaniya. Magiging masaya kayo sa isa't isa." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa katotohanang may girlfriend na talaga si Aly!
"Feeling ko tuloy ako na ang pinaka-maswerteng babae ngayon dahil sa sinabi mo." She wiped away her tears of joy and smiled at me too.
"Tama na, 'wag mong ipamukha sa akin na single pa ako!" Pabiro kong inerapan siya at natawa siya dahil do’n habang pinapahid pa rin ang luha niya sa pisngi.
"Malapit ka na rin kayang magkaroon ng jowa. Akala mo ba hindi ko nakita 'yong pagbulong sa'yo ni Zach kahapon, ha? Tsaka pansin kong may kakaiba sa tinginan niyo. Umamin ka nga sa akin, galit ka pa rin ba sa kaniya?" Tinaasan niya ako ng kilay habang naghihintay sa sagot ko. Alam kong alam niya na 'yong sagot sa tanong niya pero gusto niyang marinig 'yon mula sa akin.
"We're okay na," I answered casually.
"Wow, hindi ka marupok, Khy. Hindi talaga," iiling-iling na sabi niya.
"Glad you know," sarkastikong sagot ko rin bago pumihit palapit sa cabinet pero nagsalita ulit sya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Team Saimon sana ako pero kung si Zach ang gusto mo, okay lang din naman. Okay naman sila sa akin parehas, actually. Parehas naman silang gwapo, parehas ding mabait at kung may pagkakaiba man sila e, ‘yon 'yong si Zach ang gusto mo at kaibigan lang ang tingin mo sa pinsan ko. Kaya sige, susuportahan kita kung si Zach ang para sa’yo." Kinindatan niya ako kaya naman napataas ang gilid ng labi ko.
"Anong pinagsasasabi mo riyan?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Napaka-issue talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Magkaibigan lang naman talaga kami ni Saimon tsaka wala rin naman akong nararamdamang kakaiba sa pakikitungo niya sa akin. Sadyang malisyoso lang ang gagang nasa harap ko.
"Wala! Ang sabi ko maligo ka na at tara nang lumabas. Hindi na ako papayag na magkulong ka na naman dito sa kwarto 'no, lalo na ngayon at last day na natin kasi uuwi na tayo bukas. Sayang naman ang ganda ng lugar kung hindi mo ma-eenjoy. And don't forget to wear your best swimsuit. Magpo-photoshoot tayo sa beach!" She clapped her hands out of excitement.
"Frea, photography ang tinapos natin at hindi modeling, baka nakakalimutan mo," paalala ko sa kan’ya habang naglalakad papunta sa cabinet kung saan ko inilagay 'yong mga damit ko.
“Kahit na, turista pa rin tayo ngayon at hindi photographer.”
"Oo na! Hindi na ako makikipagtalo sayo, girl," natatawang sabi ko na lang dahil ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin about doon at nagsimula na akong maglakad papasok ng cr pagkatapos kong kuhanin 'yong mga gagamitin ko.
Nang matapos akong maligo, naabutan ko siya na naka-higa at nagce-cellphone habang ang susuotin niya ngayon ay nakahanda na sa kama. Agad naman siyang tumayo nang mapansing niyang nakalabas na ako ng banyo.
"Akala ko wala ka nang balak lumabas sa cr, eh." Halata ang inip sa boses niya dahil sa paghihintay sa akin at dali-daling pumasok sa cr.
Hindi na ako nag-abalang sagutin iyong sinabi niya at dumiretso na lang ako sa harap ng salamin para mag-ayos.
I blow dried my hair using Frea's blower na isa sa mga 'necessities' daw niya kaya dalawa ang dala niyang maleta.
After that, I pulled it into a messy bun and wear some lip tint before I put sunscreen on my face and body.
I was wearing a black strappy one-piece high-waisted swimsuit with a tie knot front and belly cut-out partnered with a white see-through cover-up.
I was checking how I looked when Frea came out from the bathroom.
"Sexy, miss." She playfully whistled after giving me a head-to-toe look. Hindi niya siguro ito napansin kanina no'ng lumabas ako ng banyo kaya ngayon lang siya nag-react.
"Manyak," I teased.
"Ul*l, di tayo talo, uy!" She gave me a disgusted look that earned a laugh from me. I also eyed her from head to toe before I spoke.
"Mas sexy ka pa rin."
She was wearing a red strappy cut-out one piece swimsuit also partnered a with white see-through cover up.
"I know, right!" mataray na sabi niya bago nagsimulang mag-ayos ng sarili.
Alas nuebe na nang makalabas kami ng kwarto namin at dumiretso na kami pababa ng beach. Habang papalapit sa cottage namin, tanaw ko ang magkapatid na abala sa paghahanda at pagluluto ng pagkain. Medyo binagalan ko ang lakad ko dahil kay Zach. I was so confident wearing swimsuits; I even wore something more revealing before, but I suddenly got conscious with how I look because of Zach.
"Bilisan mo ngang maglakad Khyrss." Frea pulled me on my wrist when I kept walking too slow. Binitawan niya lang ako nang makarating kami sa cottage. Agad naman siyang lumapit sa nakangiting Aly at hinalikan siya nito sa noo.
I playfully gave them a disgusted look and rolled my eyes.
"Sariah, 'pag inggit, matutong pumikit." They all laughed at me including Zach because of what Aly said. "Kuya, gusto rin ata ni Sari ng forehead kiss." I mentally cursed him while glaring at him.
Napalingon naman ako kay Zach nang maramdamang nakatingin siya sa akin. I arched my brow at him, but he just shook his head, half smile plastered on his face.
Leche ka talaga, Algid Quinzy!
Naupo na ako sa tapat nila at pinanood na lang 'yong mga karne na iniihaw ni Zach sa grilling machine.
"Gutom ka na ba?" I looked up at him to check if he was talking to me and I met his gaze. Ako nga 'yong tinatanong niya.
"Hindi pa naman." Tumango lang siya sa sagot ko kaya ibinalik ko ang tingin sa niluluto niya bago lumingon do’n sa dalawa na nasa gilid niya. Aly was typing something on his iPad but then he turned to me before I could look away.
"Dreiden was asking me if he could talk to you through video call, nami-miss ka na raw niya, e. Tsaka ‘wag ka raw tatanggi kasi nagtatampo raw siya sa'yo." He then handed me his iPad after saying that.
Agad ko namang kinuha 'yon at ako na mismo ang tumawag sa kaibigan niya. Alam ko na kung bakit siya nagtatampo. Nakalimutan ko kasi silang batiin ni Keighan no'ng graduation kasi masyado akong nagulat sa pagdating ni Zach kaya nawala na 'yon sa isip ko.
"Hi, Drei!" Masiglang bati ko kay Dreiden nang sagutin niya ang tawag ko. "Oh, good morning..." dagdag ko pa dahil mukhang kagigising lang niya kasi nakahiga pa siya sa kama niya.
Sinimangutan niya ako.
"‘Wag mo akong ngitian nang ganiyan, nagtatampo ako sa'yo. I hate you." He pouted. Natawa naman ako sa itsura niya kasi para siyang bata. Ang cute!
"Sorry na..." I uttered in the sincerest tone I could muster while smiling at him.
"Tss. Kung ganiyang kaganda ba naman 'yong magso-sorry, sino bang makakatiis? Sige na, pinapatawad na kita." I heard Zach chuckle kaya napa-tingin ako sa kan’ya pero nasa niluluto niya ang kaniyang tingin kaya hindi ko na lang siya pinansin.
"Pagbalik namin from vacation, promise babawi ako."
"Are you asking me out?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"Yes, I am asking you out pero hindi kagaya nang iniisip mo, ikaw talaga," natatawang sagot ko sa reaksyon niya.
"Alam mo palagi ka na lang natawa 'pag kausap mo ako. Aminin mo na kasi na crush mo ako, Khy. Ika-crushback naman kita, e," he jokingly said.
"Ewan ko sa'yo. Napakalandi mo talaga," iiling-iling na sabi ko at pabirong inerapan siya.
He laughed at my remarks. " E, bakit mo ako tinawagan? Miss mo na ako, 'no?" He wiggled his eyebrows at me.
"Ikaw kaya 'yong may gustong kausapin ako, duh."
"Ay ako ba?" he said, pretending to be confused. I nodded my head. Bigla naman siyang tumayo mula sa pagkakahiga nang may kumatok sa kwarto niya. Tahimik lang akong naghihintay at nanonood sa malikot niyang camera. Hanggang sa tumapat iyon sa ilalim ng baba niya habang may kinakausap na babae. Pinatay ko na muna 'yong tawag dahil ayaw ko namang marinig 'yong pag-uusapan nila. I messaged him that I will talk to him later before I handed the iPad back to Aly.
"Tatawagin lang namin parents natin," he said to me after getting his iPad back and pulling Frea with him. But before they could get away, Frea turned to me and gave me a meaningful look before glancing at Zach. Huh?
I tried to ask her with my eyes, but she just smiled at me and walked away leaving me puzzled. I followed them with my gaze and when they disappeared, I just shrugged it off before I turned to Zach.
No one talked. We just stayed quiet for the next few minutes. Nang makaramdam ng uhaw, tumayo ako at umikot sa pwesto ni Zach para kumuha ng mineral water sa cooler na nakalagay sa likuran niya.
I was about to open the mineral bottle, but he suddenly grabbed it from my hands and opened it for me.
"I can open it on my own..." I said in a low voice when he handed it back to me.
Nagkibit-balikat lang siya habang binabaligtad 'yong iniihaw niyang liempo. Lihim naman akong napangiti dahil sa ginawa niya. Pagkatapos kong uminom, pinagmasdan ko siya sa ginagawa niya.
"You seem close to him…" he muttered.
"Pardon?" My forehead creased when I didn't get what he said.
"That guy you were talking with a while ago..." Lumipad ang kamay niya sa batok niya at saglit na minasahe iyon.
"Oh, si Dreiden? What about him?" kunot-noong tanong ko pa rin.
"Just forget it." Huh?
"Bakit nga? Ano ngang meron sa kaniya?" I insisted.
"Wala, never mind," masungit na sabi niya. Wow, first time niyang magsungit sa akin, ha. Marunong pala siya no'n?
"You're weird." I shrugged my shoulder. "Bigla-bigla ka na lang diyan nagsusungit," nakangusong dagdag ko pa. Nanatili siyang tahimik at hindi pinansin ang sinabi ko.
Ano ba kasing meron kay Dreiden? Kilala niya ba 'yon? Tsaka bakit bigla-bigla siyang nagsusungit tapos ang tahimik pa niya? Oh! Hindi kaya nagseselos siya?
Pero bakit naman siya magseselos? Wala naman siyang sinasabi na may gusto rin siya sa akin or what kaya bakit ang kapal ng mukha ko para isipin 'yon?
Erase, erase, Khyrss! 'wag kang assuming baka ma-disappoint ka lang.
Pero paano kung nagseselos nga siya?
No!
Hanggang wala siyang sinasabi na may gusto rin siya sa'yo, hindi ka mag-iisip nang ganoon, Khyrss.
I sighed while watching him put all the cooked pork belly on the plate. Parang bigla naman akong naglaway dahil sa mamasa-masang itsura noon.
"Can I have some?" I pointed it out. Kumuha siya ng tinidor at tumusok ng maliit na karne bago iyon inilapit sa bibig ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang siyang subuan ako.
"Gusto mo na bang kumain?" He asked but I shook my head. See? Kanina lang nagsusungit tapos ngayon tatanungin ako kung gusto ko na bang kumain.
"Hintayin na natin sila... Titikman ko lang muna kasi mukhang masarap." I said while chewing. It tastes exactly how it looked like. He put the plate down the table and turned to me.
"How was it? is it salty or too sweet or what?" He stared at me as he waited for my response.
"Masarap…" ngumunguyang sabi ko at inilapag ang tinidor sa lamesa. Nang mag-angat ako ng tingin sa aking harapan ay nakita ko na sila Aly kasama sina mommy na naglalakad papunta rito sa kubo. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag-upo ni Zach kaya napagdesisyunan kong bumalik na sa pwesto ko kanina.
I was about to go back to where I was seated but he held my wrist.
"What?" takang tanong ko sa kaniya bago naglipat ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.
"Sit here beside me." Napabalik sa kan’ya ang mata ko at napatitig dahil hindi ko inaasahan 'yong sinabi niya. Nag-iwas naman siya ng tingin at unti-unting binitawan ang palapulsuhan ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya at kitang-kita ko ang pamumula ng tainga at leeg niya.
"Okay..." I answered after few seconds of staring at him. I bit my lower lip to stop myself from smiling and took the sit next to him. Leche, Zach, bakit kahit anong simpleng bagay ang gawin mo kinikilig pa rin ako? Ba't ka ganiyan?!
"Oh, honey, I was surprised to see you in a swimsuit today. I thought you're just going to stay in your room for the rest of our time here." Nakataas ang kilay na bungad ni mommy sa akin nang maupo ito sa tapat ko.
"Of course not, Mom. I want to enjoy this place too, before we leave." Ngayon lang kasi ako nakita ni Mommy at sumabay sa kanila sa pagkain. Kadalasan kasi e, sa kwarto lang ako nakain.
"You should. That was the reason why we went here in the first place, not for you to stay inside your room all day."
"Mommy, lumalabas kaya ako ng kwarto kaya lang hindi tayo nagkikita kasi malaki 'yong resort," I defended myself. Mom stared at me for few seconds.
"Okay, let us eat then." I nodded at her before I started putting foods in my plate. Kaunti pa lang ang nailalagay ko sa aking plato nang mapatigil ako dahil sa pagsiko ni Aly sa akin na nasa tabi ko pala. Inis ko siyang nilingon pero nginisihan niya lang ako bago lumapit at bumulong.
"Magkahiwalay kayo no'ng umalis kami, a. Tapos ngayon magkatabi na kayo. Am I missing something here?" malisyosong tanong niya.
Oh, yes, wala pa siyang alam. Nakay Frea na kasi 'yong atensyon niya mula no'ng makarating kami rito kaya hindi niya napapansin na noong isang araw pa kami okay ng kapatid niya.
"Wala, kumain ka na lang. Ang dami mong satsat, e," sagot ko pero wala na sa akin ang atensyon niya.
"Kuya, bakit ang dami mong nilalagay na pagkain sa plato ni Sariah? Hindi naman niya ‘yan mauubos." Napatingin ako sa plato ko dahil sa sinabi ni Aly at nakitang punong-puno nga iyon ng iba't ibang pagkain.
"She eats a lot, mauubos niya 'to," Zach answered confidently.
"Paano mo naman nasabi na marami siyang kumain?" Napalingon ulit ako kay Aly.
"I ate with her the other day." Napatungo ako at napahilot sa sentido ko nang sabihin iyon ni Zach na para bang normal lang iyon sa aming dalawa.
I heard Aly smirking. I glanced at him.
"Wala pala, ha?" I rolled my eyes and mouthed him 'shut up'. Tumango-tango lang siya habang nakangisi sa akin. Bwiset, nakakaasar!
After eating, we stayed in the cottage for almost an hour, and we just talked about our future works and other stuff related to our professions until we decided to take a dip in the ocean.
Naging photographer naman ako no'ng magjowa habang nasa dagat sila at halos hindi ko na mabilang kung ilang shot na 'yong meron sila dahil ang dami nilang request.
Nang mapansin ni Frea na nakabusangot na ako sa kanila, lumapit siya akin at kinuha 'yong camera.
"Picture-an ko kayo ni Zach..." She grinned at me.
"No, thanks," I said and was about to leave the water, but she held my wrist using her free hand.
"Zach, can I take photos of you with Khy?" Pinandilatan ko si Frea kahit na wala sa akin ang tingin niya.
"Sure, I would love to..." Awtomatikong napalingon naman ako kay Zach dahil sa sagot niya.
Ano raw?
Napatitig naman ako sa kan’ya habang naglalakad siya papalapit sa akin at kitang-kita ko kung paano tumulo ang tubig mula sa buhok niya pababa sa mukha niya hanggang sa dibdib niya.
"I told you, don't stare at me like that..." aniya pagkalapit sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"What’s wrong with my stare?" lakas-loob kong tanong sa kaniya at sinalubong ang mata niya.
"Your eyes were attracting me." Natikom ko ang aking bibig dahil sa sagot niya at ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.
"Perfect!" Sabay kaming napalingon ni Zach kay Frea at napangiti naman ito bago pinduting muli ang camera. "Another perfect shot!" nakangiting wika niya habang nakatingin sa litrato na nasa camera.
"I love the way you looked at each other's eye! Kinikilig ako, gosh! The intensity and the connection were very natural. Hindi pilit! Buti na lang nakuhanan ko 'yon." She giggled before averting her gaze to us, smiling.
"Okay, another shot. Pwedeng magdikit pa kayo? Medyo malayo kayo sa isa't isa, e."
Sinunod lang namin 'yong mga pose na ipinagawa niya. Kahit na 'yong iba ay pang magjowa na, ginawa pa rin namin. Mapilit si Frea, e.
Pero nag-enjoy rin naman ako sa naging mini pictorial namin ni Zach, nahihiya lang talaga ako noong una. Sa social media lang kasi talaga makapal ang mukha ko pagdating sa kaniya, e. Siguro dahil medyo naninibago pa ako sa presensya niya. Baka 'pag nasanay na ako sa kaniya, doon bumalik 'yong lakas ng loob ko.
Maaga akong ginising ni Frea kinabukasan dahil pauwi na kami. Ayaw ko pa sanang bumangon kaso baka maiwanan ako kaya kahit na masakit ang ulo ko, agad akong naligo at nagbihis.
After kasi namin sa dagat, kumain lang kami ng late lunch at doon naman kami pumunta sa bar area ng resort na may pool. Nagkwentuhan lang kami habang umiinom at nakababad sa tubig hanggang alas onse ng gabi. Kaunti lang naman ang ininom ko at hindi ako nalasing pero sumakit pa rin ang ulo ko. Ganoon ako kahina sa alak.
"Hey, are you okay?" tanong sa akin ni Zach nang maka-sakay na kami sa van. Bakit naman niya naitanong 'yon? Mukha ba akong hindi okay? Halata ba? Mygosh, baka ang panget ko?
Tamad ko siyang tinanguan at ipinikit ang mga mata ko para matulog.
"Are you sure?" Hindi na ako umimik kaya si Frea 'yong sumagot sa tanong niya.
"Masakit ang ulo niyan, ganiyan ‘yan palagi tuwing nakakainom."
Hindi ko na narinig pa ang naging sagot ni Zach dahil agad akong nakatulog.
In the middle of my sleep, someone tapped my shoulder lightly to wake me up. I met Zach's gaze when I opened my eyes. I roamed my eyes around to check if we were already home pero hindi pa pala at nakatigil lang kami sa tapat ng drug store.
"Inumin mo 'to para mawala ang sakit ng ulo mo." Napabalik ang tingin ko kay Zach at bumaba iyon sa kamay niyang may hawak na gamot at isang bote ng mineral water. Kinuha ko naman 'yon at agad na ininom.
"Thanks." I managed to give him a small smile. Kinuha niya 'yong bote mula sa kamay ko at inilagay sa gilid niya bago bumaling ulit sa akin.
He suddenly pulled my head to his chest while he put his left arm around me pulling me closer to him. I looked up at him, perplexed. I was about to open my mouth to talk, but he cut me off.
"Shh. Just stay still, close your eyes and sleep comfortably." Feeling his warmth embracing me, I nodded at him. After closing my eyes, I felt his hand on my temple, softly massaging that part of my head.
I smiled.
I can't help myself but think of possible reasons why Zach was acting like this. He was so sweet... and it felt good.
Does he like me too? Or he is just being nice?
Before, sure na ako na may gusto na rin siya sa akin pero after niya akong i-ghost, nagduda na ako. Ayaw ko nang mag-assume. Masakit ma-disappoint, e.
Ah basta, whatever it is, it wouldn't change the fact that I love what he was doing right now. It was making me sleepy.
But before I fell asleep completely, he kissed me on the top of my head.
"Sleep well, Kaiah..."