"Seriously?!" Napatayo ako sa gulat dahil sa sinabi ni Aly.
He was planning to ask Frea to be his girlfriend kaya naman ganito ang naging reaksyon ko. Hindi ako makapaniwala kasi parang kailan lang ang torpe-torpe pa niya tapos ngayon...
Mukhang mauunahan pa niya ako, ah!
"Yes..." I can see how nervous he is by just looking at his eyes.
"Hoy, ‘wag ka ngang kabahan diyan! Ang panget mo, e. Tsaka sigurado naman ako na papayag 'yon si Frea. Baka nga ikaw na lang ang inaantay no'n, e. Ang tagal-tagal mo kasing kumilos, my God!" I rolled my eyes at him bago naupo ulit sa tabi niya.
"You think so?" He looked at me, asking for assurance. Natawa naman ako kasi para siyang bata na pinangakuan ng pasalubong na laruan.
"Oo nga! Teka, kailan mo naman gagawin ‘yang plano mo?" interesadong tanong ko. Gusto ko kasi siyang tulungan sa preparation niya. Alam niyo naman, I'm their number one supporter and I'm willing to do anything for them.
"This afternoon, malamang. Kaya nga dinner date, e. Alam mo Sariah ang tanga mo talaga minsan." Parang nag-usok naman ang ilong ko dahil sa sinabi niya. Binatukan ko siya ng malakas bago tumayo.
"Leche ka talagang lalaki ka, wala kang kwenta kausap!" inis na bulyaw ko sa kanya sabay walk out. Rinig ko naman ang malakas na halakhak niya bago pasigaw na nagsalita.
"Hey, where are you going? Bumalik ka rito, nagbibiro lang ako, Sari! Napakapikon mo talaga!" I made face at him kahit nakatalikod ako sa kan'ya. Bwiset siya, gustong-gusto ko pa naman siyang tulungan tapos gano'n lang ang sasabihin sa akin!
Agang-aga, hina-high blood ako!
"Sariah!"
Tumigil ako sa paglalakad at inis na nilingon siya.
"I'll tell Frea about your plan! You ungrateful monkey!" I yelled bago naglakad ng mabilis pabalik sa kwarto namin ni Frea.
"You're not serious, are you?" alarmang tanong niya habang hinahabol ako. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pero dahil mahahaba ang biyas niya kumpara sa akin, naabutan niya ako.
He held my wrist and pulled me back towards our cottage. I tried to get away from his grip, but his hands were firm.
I glared at him. "Bitawan mo ako, leche ka!"
"Bibitawan lang kita if you promised me that you're not gonna tell my plan to her."
"What plan?" Sabay kaming napalingon sa kararating lang na si Frea at takang nakatingin sa aming dalawa.
I gave Aly a watch-what-I-am-going-to-tell-her look before I shifted back my gaze to Frea.
"He was planning to ask y-" Aly suddenly covered my mouth using his palm and carried me towards the beach. My eyes widened when I realized what he's planning to do.
Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko magawa dahil sa malaki niyang palad na nakatakip sa bibig ko kaya naman nagpumiglas na lang ako pero masyado siyang malakas.
Mas nilakasan ko pa ang pagpiglas habang papalapit na kami sa dagat pero dire-diretso pa rin siya.
"Promise me now that you won't tell her kung ayaw mong mag-swimming nang maaga," bulong niya pero nagmatigas ako.
"Okay, madali naman akong kausap..." Pinandilatan ko siya ng mata pero ngumisi lang siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mapansin kong nakaapak na siya sa tubig, doon pa lamang ako tumango at pumayag sa gusto niya. T*ngina, alam kong ihahagis niya talaga ako sa dagat, e!
"Good girl…" He slowly put me down at ginulo ang buhok ko habang nakangisi sa akin. I was about to hit him, but he run away quickly. I chased after him, but he was so freaking fast! Hindi ko siya maabutan!
"May araw ka rin sa akin, Algid Quinzy!" Hinihingal na sabi ko nang tumigil na ako sa paghabol sa kan'ya. Tinawanan niya lang ako at tumigil na rin sa pagtakbo.
Napagdesisyunan kong bumalik na lang sa cottage kung saan nakaupo si Frea na pinapanood lang ang mga ginagawa namin.
"Don't look at me that way, sis. Wala kang dapat ikaselos sa amin," I joked soon as I reached her spot.
"Ul*l, hindi ako magseselos kasi mas maganda ako sa'yo." She smirked at me.
"Ah, talaga lang ha?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yes." Tumango siya. "Ano nga ulit 'yong sasabihin mo sa akin kanina?" She asked curiously.
"Wala...‘Wag mo nang isipin 'yon. Isa lang 'yon sa mga kalokohan namin ng jowa mo." I said instead, kahit na pwedeng-pwede kong sabihin 'yong plano ni Aly sa kaniya ngayon dahil malayo siya sa amin pero hindi ko ginawa. Ayaw ko namang maging kj kahit napakabastos ng bunganga ni Aly, 'no! Gusto ko rin kasing maging romantic ang pagiging official nila. Sana all.
"He's not my jowa!" I saw how her cheeks flushed when she looked away. Natawa naman ako kasi ngayon ko lang siya nakitang mamula nang ganiyan nang dahil sa lalaki.
"Ang landi niyo!" iiling-iling na sabi ko.
I stood up and decided to go back in our room to give them time together. Inaantok din kasi ako dahil ang aga kong nagising kanina because Aly called me. He said he wanted to talk about something kaya lumabas ako. Ngayong gising na rin si Frea, hindi na namin mapag-uusapan 'yong plano niya kaya tutulog na muna ulit ako saglit since alas syete pa lang naman ng umaga ngayon. Nagpaalam na ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad.
Nang makaakyat sa hagdan pabalik sa resort, dumiretso na ako sa hallway papunta sa room namin.
"Good morning,"
"Ay, kabayo!" Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Zach mula sa kung saan.
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. "I'm sorry, I didn't mean to startle you."
He was so close that I could feel his breath on my face. It smelled like peppermint.
"Bakit ka kasi bigla-biglang sumusulpot?" I looked up at his face only to see him half-smiling at me. I cleared my throat and did my best to look annoyed.
I froze when he took a step closer to me even more. "It's too early to crease your forehead like that." He then touched my forehead and tried to straighten it.
"W-what are you d-doing?" I stammered. I didn't dare to move, I'm frozen at the spot. I can feel my heart pounding in my chest... so hard that I could already hear it. I held my breath. Suddenly, I felt goosebumps rise on my arms and I shivered with the sudden contact.
"Tinutuwid ang nakakunot mong noo," he muttered in a breathy voice. I noticed that he has this accent whenever he speaks Tagalog. And it has the same effect on me as vodka. Something that could get me intoxicated.
"‘Yan, mas maganda ka kapag hindi nakakunot ang noo mo... You should avoid doing that." He looked at my face before he smiled at me as he took a step backward. I exhaled deeply when I realized that I have been holding my breath for a while now.
Zach, do you have any idea how you were making my system go wild because of your small gestures like that?
"Stop staring at me like that." He lightly tapped the tip of my nose that brought me back to my senses.
My brows furrowed upon seeing his flushed face down to his neck.
"Why are you blushing?" I pointed out his face, but he looked away. His face got red even more.
I smiled at him maliciously.
"Tell me," I said trying to catch his gaze. "Are you blushing because of me?" I don't know where those words came from. I mean, I used to pull punchline to him before but through social media only. Ngayon kasi medyo nawawala 'yong lakas ng loob ko 'pag magkaharap kami pero ewan, bigla ko na lang 'yon nasabi. Parang 'yong pamumula niya ngayon ang nagpakapal ulit ng mukha ko.
"Stop it..." I laughed. Zach being shy is so cute!
"You're blushing because of me, right?" I teased more. I tried to take a step towards him, but he took a step backward.
"Aminin mo na, may gusto ka na rin sa akin?" I mentally slapped myself for being so assuming but I just couldn't stop it. I'm enjoying this!
I put both of my hands behind my back while trying to catch Zach's eyes. I'm just smiling at him the whole time I'm trying to make him look at me.
"You like me too, right, Zachary?" I tried calling him by his name at napaatras naman ako nang biglang bumalik ang tingin niya sa akin dahil sa pagbanggit ko ng pangalan niya.
My eyes widened when I realized that…
That was the first time I called him using his first name! 'Yong buo talaga.
I saw something flash in his eyes. An expression I couldn't name.
Tila nagulat din siya nang banggitin ko ang pangalan niya at halata sa kaniyang mukha na hindi niya inaasahan 'yon.
Ramdam ko naman ang biglang pag-init ng pisngi ko dahil sa paninitig niya.
Shit, nag-backfire!
He took steps towards me while I'm doing the opposite. Patuloy lang siya sa paglapit habang ako naman ay umaatras.
Parang kanina lang ako ang gumagawa nito, ah!
Napatigil lang ako sa pag-atras nang maramdaman ko na ang malamig na dingding ng hallway sa likod ko.
He smirked at me.
F*ck! Kanina lang nahihiya pa siya sa akin tapos ngayon nginingisihan niya na lang ako? Ambilis naman magbago ng mood, ha!
I was planning to get away from him on my right, but it seems like he read my mind when he placed both of his hands on either side of my head, and he was unbearably close!
Napapanood ko lang 'to sa netflix tapos ngayon nangyayari na sa akin, my God!
He was just inches... inches away from my face that I could already feel his breath on my lips. I keep my eyes locked on his, afraid that he might do something if I look away. I'm trying my very best to look calm, but my heart was hammering so fast, trying to get off my chest. He moved his head closer and closer, his nose already touching mine. I held my breath again. Zach...
I felt like we've been standing here for ten minutes when in fact it was probably more like ten seconds. We're just looking at each other's eyes. He tilted his head a little before he spoke.
"So, you still like me, huh?" He was so near to my face that I could feel his lips touching the corner of my mouth. Bigla akong kinilabutan dahil doon.
Mas nag-init lalo ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Tama nga si Aly, ang tanga mo talaga, Khyrss! Parang umamin na rin ako sa kaniya kanina dahil sa sinabi ko!
I tried to look away because I couldn't stand the intensity of his stare anymore. But he held my chin making me look at him again.
"Don't look away, babe... I'm asking you." He just called me babe for the second time! ‘Yon ba ang gusto niyang endearment namin ‘pag naging kami? Char.
"Kaiah..." Kumunot ang noo ko dahil sa itinawag niya sa akin. Tila nabasa niya naman 'yon kaya nagsalita siyang muli.
"I don't want to call you Khyrss because a lot of people are calling you using that first name of yours. I don't want to call you Sariah as well because that's for Algid. I want to call you something unique. 'Yong ako lang ang gagamit para sa oras na marinig mo 'yon, alam mo agad na ako 'yon at wala nang iba pa. It was a short combination of your name, Kaiah..." I closed my eyes as his breath kept hitting my face. It really smelled like peppermint combined with a manly scent radiating from his body that keeps invading my nose.
"Open your eyes and answer my question," he breathed. I have no choice but to open my eyes.
"I thought you're good at reading people? So, what do you think is the answer to your question?" I uttered trying to control my heavy breathing.
A playful smile crept on his lips.
"I already know the answer, but I wanted to hear it from you." I gasped when his gaze traveled from my eyes to my lips.
T*ngina! Baka mahimatay na ako rito, ah!
"I asked you first! ‘Wag mo akong baligtarin. Tsaka pwede bang lumayo ka? You're so close..." Pinandilatan ko naman siya ng mata nang mas lumapit pa siya lalo!
He was now only a centimeter away from my face! And I've never been this close to any guy before. Siya lang ang nagtangka!
"That's what you get for teasing me..." He said in a low voice.
Is he seducing me?
No!
I need to teach him a lesson! I arched my brow when an idea suddenly popped into my head. I looked at his lips then back to him. After that, I did a countdown in my head.
3...
2...
1...
I moved my head towards him and kissed him while looking directly at his eyes.
Nagulat naman siya sa ginawa ko at natigilan kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumusot sa braso niya at kumawala.
Now it's my turn to smirk at him.
"That's what you get from teasing me after I teased you..." I said, mimicking his voice as I started walking away from him.
I was about to open the door of my room when I remembered something. I looked back at him; he was still frozen to that spot where I left him.
Gotcha!
"And you can take that as my answer to your question." Napalingon siya dahil sa sinabi ko. I gave him my sweetest smile before I opened the door and walked in.
Napasandal naman ako sa likod ng pinto pagkatapos kong isara 'yon. Huminga ako nang malalim at humawak sa dibdib ko na sobrang lakas ang kabog.
F*ck!
I. Freaking. Kissed. Him!
Ngayon pa lang nag-sink in sa akin 'yong ginawa ko. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa aking kagagahan!
Ang tanga mo talaga, Khyrss! Why did you do that?
Kahapon lang galit na galit ka pa sa kan’ya tapos ngayon hinalikan mo na?
And take note, ikaw ang humalik! My Goodness!
I was slapping both of my cheeks pero bigla akong napahawak sa labi ko nang maalala 'yong saglit na paglapat ng labi namin sa isa't isa.
Ang lambot ng labi niya!
Sh*t! Khyrss, stop it! Ano ba ‘yang iniisip mo?
Paano ko na lang siya haharapin mamaya? Baka wala na akong mukhang maiharap sa kan’ya sa kahihiyan!
Kinalma ko ang sistema ko bago ako umalis sa pagkakasandal ko sa pinto at dumiretso sa kama. Matutulog na lang muna ako baka sakaling mawala ang kahihiyang nararamdaman ko ngayon.
Alas onse ng tanghali nang gisingin ako ni Frea para sa pananghalian.
"Ano ba 'yan, Khyrss! Napaka-boring mo naman kasama sa mga ganitong outing, palagi ka na lang tulog! Ni hindi ka pa nga nakakapag-swimming simula kahapon, e! Wala pa rin tayong pictures!"
Tamad akong bumangon at umupo sa kama habang tinitingnan siyang nakapamaywang sa akin. I eyed her from head to toe. She was wearing a red one-piece bikini under her maong short.
"Tita Kharissah was looking for you. Gusto niya na sabay-sabay tayong kumain kaya magmadali ka na riyan."
Biglang bumalik sa akin 'yong ginawa ko kanina kay Zach kaya agad akong umiling kay Frea.
"No, I don't want to go out. Just tell mom na masama ang pakiramdam ko." She eyed me warily.
"Masama ba talaga ang pakiramdam mo? Or may iniiwasan ka lang? Hindi pa ba kayo okay ni Zach?"
Gaga! Sa sobrang okay nga namin nahalikan ko na siya, e!
Pero hindi ko 'yon sinabi sa kaniya dahil baka asar-asarin niya lang ako ‘pag nalaman niya 'yong ginawa ko! And that's the last thing I wanted to happen.
"Yes, I don't want to see him," I just said instead.
"Okay... Dahil team Saimon ako, ako na ang bahala sa'yo." She winked at me. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.
Kung alam mo lang...
"Paano ka kakain? Papadalhan na lang kita rito?" Umiling ako.
"Tatawag na lang ako sa room service." Tinuro ko 'yong telepono na nasa nightstand at tumango naman siya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nakahinga ako nang maluwag bago ibinagsak ulit ang katawan ko sa kama at napatitig sa kisame.
Alam kong hindi ko siya maiiwasan ng matagal, pero sa ngayon, 'yon muna ang gagawin ko.
Nang tumunog ang sikmura ko, tsaka ko pa lang naisipang tawagan 'yong room service. After a few minutes, I heard someone knock on the door.
Inayos ko muna ang nagulo kong buhok dahil sa pagkakahiga bago ako tumayo at naglakad papunta sa pinto.
Nakangiti kong binuksan iyon at pinapasok 'yong waitress. Pagkababa niya ng mga in-order ko, nagpasalamat ako at umalis na siya.
Pagkatapos kong kumain, napagdesisyunan kong i-try 'yong jacuzzi na nasa loob ng banyo ng kwarto namin ni Frea. Kahapon ko pa 'yong gustong subukan kaso ngayon lang ako nagkaroon ng time dahil nga ayaw ko lumabas.
I took my dress off me. I was only on my two-piece when I entered the tub. I closed my eyes for half an hour to keep myself relaxed. Buti na lang pala naisipan kong i-try 'to. Bukod sa masarap sa pakiramdam, nabawasan rin 'yong pag-iisip ko tungkol do'n sa ginawa ko kaninang kahihiyan.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko na nasa gilid ko lang kaya napamulat ako. I answered it when I saw Aly's name in the caller id.
"Istorbo ka, alam mo 'yon?" bungad ko sa kaniya.
"Chill, woman. May hihingin lang akong favor." My brows furrowed.
"Wow, pagkatapos mo akong-" He cut me off.
"Uso move on, Sariah. Tsaka simple lang naman ang gagawin mo, e. You just have to distract Franzyn so I can prepare for our dinner date. Make sure na hindi niya ako hahanapin." Tumaas naman ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi nya. Edi ikaw na ang sweet!
"Teka, bakit ba palagi kang nasa kwarto, ha? ‘Yan lang ba ang dinayo mo rito sa Batangas? Lumabas ka na nga riyan sa lungga mo. Sayang naman 'yong camera mo kung hindi mo gagamitin sa magagandang tanawin dito sa labas. Kung iniiwasan mong makita ang kapatid ko, don't worry, kanina pa siyang may kausap na babae sa ipad niya at mukhang hindi pa sila matatapos noong lumabas ako ng kwarto kaya pwedeng-pwede kang lumabas ngayon." The last sentence he said caught my attention.
"What did you just say?" Tumuwid ako sa pagkakaupo ko.
"He was talking with a girl when I left the room. Mukhang close na close sila kasi tawa siya nang tawa."
"T*ngina mo talaga, Algid Quinzy!" inis na sabi ko sa kan'ya. Hindi naman kasama 'yong huli niyang sinabi sa pinaulit ko, e!
"Inaano kita riyan? Sinagot ko lang naman 'yong tanong mo, a?" Napairap ako sa kawalan dahil halatang-halata ko na nagpipigil siya ng tawa sa kabilang linya.
"Ul*l, bakit may dagdag, ha? Are you trying to make me jealous?" Honestly, he doesn't need to tell that to me! Alam kong nang-aasar na naman siya!
"Nagseselos ka ba?"
"Of course not! Why would I?" Bakit naman ako magseselos? Kausap lang naman, a? ‘Di ba?
"Sus, ako lang 'to, Sari. Wag ka nang mahiya sa akin. Kilalang-kilala na kita. Alam kong nagseselos ka." Pesteng lalaki talaga 'to! Paki-sabi nga ulit sa akin bakit kami naging mag-best friend?
"Tumigil ka nga kung gusto mong tulungan kita sa plano mo!"
"Osige, titigil na po, 'wag ka nang mainis, master. Lumabas ka na riyan para makapagsimula na ako."
"Give me thirty minutes," I said before I ended the call.
Habang nag-aayos ako ng aking sarili, hindi mawala sa isip ko 'yong sinabi ni Aly sa akin. Was that the same girl I saw on his i********: story? Girlfriend niya kaya 'yon? Paano nga kung ganoon? Paano nga kung may girlfriend na siya? Naiisip ko pa lang parang nasasaktan na ako. Sana pala tinanong ko muna siya bago ko hinayaang mapalapit ulit ang loob ko sa kaniya.
Gosh, ang rupok ko naman kasi. Wala pang dalawang araw simula nang umuwi siya ng Pilipinas pero wala na agad ang galit ko sa kaniya.
Huminga ako nang malalim at sinubukang kalimutan muna iyon nang matapos ako sa pag-aayos ng aking sarili. Kinuha ko na ang mga gamit ko bago ako lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa beach cottage namin. Agad ko namang natanaw si Aly kasama si... Zach? Nakatalikod siya sa akin pero alam kong siya 'yon. Kumunot ang noo ko. Bakit siya andito?
Aly winked at me soon as he saw me walking in their direction and pointed his brother.
I glared at him. Ang sabi niya nasa kwarto si Zach at may kausap na babae pero bakit andito siya?
Mukhang nabasa naman niya kung ano 'yong tanong na nasa isip ko kaya siya na ang lumapit sa akin at bumulong.
"Wala talagang kausap si kuya sa kwarto dahil kanina pa siya nandito at mukhang iniintay na lumabas ka. Niloko lang kita kanina baka kasi hindi ka lumabas kapag nalaman mong nandito siya, e. Ayos ba?" I nudged him because of what he said. Lecheng Aly, naisahan na naman ako!
I mouthed him a curse when he laughed at me. I was about to go back to my room, but he held my wrist and pulled me back.
"Where do you think you're going?"
"Leche ka, Aly wag-" Natahimik ako nang makita si Zach paglingon ko at hindi ang peste kong best friend.
Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ko na naman 'yong kanina.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako. Tumigil lang siya sa may tainga ko bago nagsalita.
"Iniiwasan mo ba ako pagkatapos mo akong nakawan ng halik, Kaiah?" he whispered in my ears.
I shut my eyes tightly.
T*ngina mo talaga Algid Quinzy Villareal!