Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan, rehearsal na pala namin ngayong linggo and next week na 'yong graduation day.
"Sure ka talaga na pantay na 'yong kilay ko, baka hindi?" Inirepan ako ni Frea dahil sa paulit-ulit kong paninigurado kung pantay na ba talaga ang kilay ko.
I just want to make sure that I look pretty in our grad pic, ‘no!
Magkakaroon kasi kami ng pictorial kaya abalang-abala kami ngayon sa pagpapaganda. Nag-makeup na ako sa bahay bago pumasok kaya nagre-retouch na lang ako ngayon. Girls na kasi ang susunod dahil patapos na 'yong boys then after that, pwede na ang groupie with friends.
"Gusto mo bang hindi na 'yan magpantay? Kanina ka pa tanong nang tanong, e!" inis na bulyaw niya sa akin.
"Edi hindi na! highblood ka agad, e!" natatawang sabi ko bago nilapatan ng panibagong patong ng matte lipstick ang labi ko. Naglagay ulit ako ng blush on at pagkatapos no’n, inayos ko naman ang buhok kong napagdesisyunan kong i-curl. I looked at my mirror side by side and when I’m already contented with my look, lumapit na ako kila Brenda.
"Khyrss, my God! sobrang ganda mo ngayon para hindi pansinin! Come here, I’ll take photos of you." She took out her polaroid camera then she started saying a lot of different poses and I did all of that as if I’m a professional model and she's the photographer and we are doing a photoshoot!
Hindi ako nagreklamo dahil sanay na ako. Madalas niya kasi akong pagpractice-an dahil gusto niyang maging fashion photographer.
"Brends, tama na 'yan, ako naman! ‘Wag mo naman ubusin 'yong film mo kay Khy, maganda rin naman ako." Biglang singit ni Frea at hinila si Brenda palayo sa akin. Natawa naman kami dahil sa sinabi niya.
Kinuha ko naman kay Stefan 'yong mga pictures ko dahil siya 'yong pinaghawak ni Brenda, e. Kanina pa siya tapos picture-an dahil una naman siya sa boys namin kaya andito na siya agad.
"Tama na ang tingin, baka mamaya maging lalaki ka niyan dahil sa akin," I joked.
He gave me a disgusting face. "Ew, kilabutan ka nga sa sinabi mo! Kadiri ka!" I just laughed at him at nalipat na 'yong atensyon ko sa mga polaroid pictures ko.
Isa-isa ko 'yong tiningnan at napakahusay ng pagkakakuha! Bukod sa maganda na ako, maganda pa ang angles, my God, perfect!
"Khyrss, come here! let's take a photo together!" Lumapit ako kay Frea nang tawagin niya ako at nagpa-picture kami kay Brenda. After few shots, I offered to take photos of her too and after that nagpa-picture naman kaming apat. Surely, I will miss them. They have been my friends since our freshmen year at kung may mami-miss man ako sa college days ko ay 'yon 'yong mga kalokohan namin together kasi I’m sure mababawasan na 'yon pagka-graduate namin. Naiisip ko pa lang, nalulungkot na agad ako.
Pinilit ko lang na tanggalin 'yon sa isip ko dahil ayaw kong magdrama today. Tsaka pinatawag na rin naman kami para sa pictorial namin.
Wala kaming ginawa sa buong linggong 'yon kun'di ang mag-practice kaya naman pagdating ng weekends doon lang ako nagkaroon ng time para bumili ng pang regalo sa mga kaibigan ko.
"Mommy, alis muna ako saglit. Bibili lang ako ng pang-gift sa mall." Lumapit ako sa kaniya na nakaupo sa living room at nanonood ng movie. Nagtataka ako kung bakit nakapang-alis siya.
"Oh, great! I was actually waiting for you to wake up kasi aayain sana kita sa mall pero pupunta ka pala." Pinatay niya na 'yong tv at kinuha ang bag niya bago tumayo.
"Ano'ng gagawin mo sa mall?" takang tanong ko sa kan'ya habang naglalakad kami palabas.
"Salon. I want to have facial massage, hair treatment and I also want my nails done. I want to look beautiful on your graduation day."
"Ikaw lang?"
"Of course, you too! We will have that together." I smiled at her sweetly. Yes, my parents may not always around pero kapag umuuwi sila, bumabawi sila sa akin. ‘Pag nasa bahay sila iniiwasan nila na gumawa ng kahit na anong related sa trabaho dahil 'yon na lang 'yong time na makakasama nila ako kaya never akong nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Ramdam ko rin naman na mahal nila ako kahit palagi silang wala sa bahay e, kaya wala akong rason para magalit sa kanila.
Nang makarating sa mall, dumiretso na kami sa loob ng salon. Nagkukwentuhan lang kami about sa mga lugar na narating nila habang kung anu-ano ang ginagawa sa katawan namin nung mga salon staff.
Feeling ko nga iniinggit lang ako ni mommy, e. Ewan ko ba sa kanila, hindi naman dapat sila ang nagche-check ng mga potential resorts, places, sceneries na pwedeng i-include sa tour packages ng company namin kasi sila 'yong may-ari, at gawain 'yon ng employee nila, pero hindi, e. Mas gusto nila 'yong gano’ng set up, 'yong pagala-gala sa iba't ibang lugar! Sana all 'di ba? Samantalang 'yong kaisa-isa nilang anak nasa bahay lang.
Feeling newlywed couple lang ang peg!
Pagkatapos namin sa salon, kumain muna kami dahil alas dos na ng hapon at hindi pa kami nagla-lunch. After eating, I started to look for things na pwede kong ipangregalo sa mga kaibigan ko. I bought Aly a corporate attire, tutal business student naman siya at siguradong magagamit niya 'yon ‘pag nagsimula na siyang magtrabaho sa company nila. Wala naman akong maisip na pang-gift pagdating doon sa tatlo kasi pare-parehas naman kaming photography students, e.
Regaluhan ko na lang kaya sila ng tig-i-tig-isang camera? I'm sure gamit na gamit nila 'yon, pero syempre joke lang. Parents ko lang 'yong mayaman at hindi ako. Tsaka na 'yong mga ganoong ka extravagant na regalo ‘pag kaya ko na.
Bigla kaming napadaan sa jewelry store kaya naman hinila ko papasok doon si Mommy. Nagtingin-tingin ako ng mga designs at parang naghugis puso ang mata ko nang may nakita akong kwintas na camera ang pendant. Ang ganda!
Dahil sobrang nagandahan ako, I decided na 'yon na lang ang bilhin para sa kanila at sa akin para matchy-matchy kami.
"Miss, I want four of this." Ang cute siguro ‘pag suot naming apat 'yon at hindi na ako makapaghintay na ibigay sa kanila iyon!
Pagkatapos magbayad, nag-ikot lang kami saglit dahil gusto raw ni mommy mag-shopping at syempre pumayag naman ako. 'Pag nag-shopping kasi siya, damay din ako. Tanda ko pa dati noong bata pa ako, we used to wear same outfit kasi everytime na bibili siya ng gamit niya, binibilhan niya rin ako at ang cute-cute raw naming tingnan. Well, totoo naman kasi nakita ko ‘yon sa mga photo albums namin. Gusto ko ganoon din kami ng future baby girl ko!
When we already have a lot of paper bags in our hand, doon pa lang namin napagdesisyunan na umuwi na.
Kinabukasan, nagsimba kaming family kasama ang pamilya nila Aly. After mass, dumiretso kami sa bahay ng mga Villareal. Napag-usapan kasi nila na sa kanila na kami mananghalian dahil ngayon lang daw ulit magkakaroon ng ganitong pagkakataon na magkakasama kami kaya sulitin na raw.
We are now in their patio. Tapos nang magluto si tita ng ibang putahe habang kami naman ni Aly ay nag-iihaw ng barbeque at mga isda. Nang matapos kaming mag-ihaw, binitbit ko na 'yong barbeque papunta sa kinaroroonan ng parents namin habang nasa likod ko naman si Aly at bitbit ang inihaw na isda. Ibinaba ko 'yon sa lamesa bago inabot 'yong dala ni Aly para ipatong din sa lamesa. Umupo na ako at ganoon din siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Inabot ko 'yong isang baso ng tubig at uminom doon.
"Bagay talaga kayong dalawa anak, bakit ba ayaw niyong i-try?" Napabuga naman ako sa tubig na iniinom ko dahil sa sinabi ni Mommy. Agad namang hinimas ni Aly ang likod ko at inabutan ako ng panyo dahil siya 'yong malapit sa akin.
"Mom, how many times do I have to tell you na we're just friends?" I tried to explain.
"I know, I just can't help but to think how you two would make a great couple. Ang tagal ko na rin kasing naghihintay na may ipakilala kang boyfriend sa akin pero wala pa rin hanggang ngayon kaya hindi ko talaga mapigilan. Tsaka single naman si Algid, a? Anong masama roon?" I frowned.
"Nako, Kharissah 'wag mo nang ipagpilitan 'yang si Khyrss sa bunso ko at ang panganay kong nasa Canada ang gusto niyan." Nasamid naman ako ngayon dahil sa sinabi ni Tita Merelle.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Mommy, waiting for my explanation. I faked a cough.
"Hindi na, Tita, ayaw ko na sa panganay niyo. Bigla na lang akong hindi pinansin. Pero okay na po sa akin. Parang hindi ko na siya crush."
Simula noong tinigilan ko nang kulitin si Zach, parang nag-fade 'yong attraction na meron ako sa kan’ya tapos hindi ko na siya masyadong naiisip. Simula kasi no’n, minsan ko na lang hawakan ang phone ko. Saulo ko rin kasi 'yong number ni Zach, e, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kulitin ko na naman siya.
"Sayang naman," makahulugang sabi ni tita sa akin.
"Ano'ng sayang, Tita?" kunot-noong tanong ko.
"Ah, wala, wala. Akala ko kasi magiging daughter-in-law kita e." Napangiti naman ako sa sinabi niya. She really wanted me to be part of their family ever since at nakakataba 'yon ng puso.
"Ano ka ba Merelle, andiyan pa naman ang bunso mo," pilit ni mommy.
"Si Mommy ang kulit! Tsaka huli na kayo sa balita, may girlfriend na si Aly." Nagulat siya sa sinabi ko pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit pati rin sila tita ay mukhang walang alam?
"What? You have a girlfriend already, Algid Quinzy?" Napatingin ako kay Aly gamit ang nagtatanong na mata. Akala ko naman nasabi na niya sa magulang niya.
"She's still not my girlfriend." Sinamaan niya ako ng tingin. I bit my lower lip to stop myself from laughing.
"Kahit na. Dapat sinabi mo sa akin na may nililigawan ka na. Alam mong matagal na rin akong naghihintay na may maipakilala ka sa'kin pero ga-graduate ka na at lahat, wala pa rin kahit isa." Bakas ang pagtatampo sa boses ni Tita kaya naman ako na ang nagsalita.
"Torpe po kasi 'yong anak niyo, Tita. Kailan lang 'yan sinapian ng lakas ng loob. Tsaka don't worry po, kasama po sa trip natin sa Batangas 'yong nililigawan niya. She's my friend, Tita. I'm sure magugustuhan niyo siya." I winked at her.
Natapos ang maghapong iyon na punong-puno ng pagkukwentuhan at pagtatawanan at higit sa lahat, sobrang excited na sila sa graduation day namin ni Aly.
Monday morning, I woke up early because today is the day of our graduation! Agad akong naligo at pagkatapos ay bumaba na ako. I saw mom talking with her handler at nang mapansin niya ako, she waved her hands at me. Napataas ang kilay ko nang makitang ayos na siya samantalang ako ay katatapos lang maligo.
The handler started to do my makeup and after almost 3 hours, we are now good to go.
My dad started the car and pulled out of the driveway. When we reached the venue, I saw a lot of people scattered everywhere. Kabila-kabilaan din ang pagkislap ng ilaw ng mga camera galing sa ibang mga estudyanteng nagpapakuha ng litrato. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa designated area namin. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tuluyang nagsimula ang seremonya.
"Congratulation to all of us! I still can't believe that we made it," madramang sabi ni Stefan bago kami hinila para sa group hug pagkatapos ng seremonya namin.
"My gosh, andito na talaga tayo, magsisimula na ng panibagong journey!" sabi naman ni Brenda na medyo teary-eyed na.
"Hindi dapat mawawala 'yong friendship natin ha? Kayo lang 'yong mga kaibigan ko mga panget!" Natawa naman kami dahil sa sinabi ni Stefan at dahil na rin sa mukha niyang naiiyak na.
"Ang drama niyo guys, tigilan niyo na 'yan at nakakapanget 'yan. Magkikita-kita pa rin tayo, ‘no!" giit ko kahit deep inside gusto ko na rin silang sabayan. "Bigay ko na lang sa inyo 'yong gift ko para hindi na kayo malungkot," dagdag ko nang matanaw ko si daddy na palapit sa akin dala 'yong mga cute na paperbags na binili ko kahapon.
"Oo nga pala 'no! Hala, sorry nakalimutan ko kayong bilhan." Sabay-sabay naming sinamaan ng tingin si Stefan dahil sa sinabi niya.
"Oh, guys rinig niyo 'yon? Huwag nang bigyan ang baklang 'to. Isa siyang pekeng kaibigan," ani Brenda kaya naman nasabunutan siya ni Stef.
"Nagjo-joke lang ako, girl. Ang OA mo!" Natawa lang ako sa kabaliwan nilang dalawa. Sigurado akong mami-miss ko 'yong bangayan nilang dalawa, palagi kasing ganiyan ‘yang dalawang ‘yan tuwing magkakasama kami, e.
"Thank you, Dad," pasalamat ko nang makalapit na siya sa akin dala 'yong pangregalo ko. Kinuha ko na ang mga paper bags at isa-isa iyong ibinigay sa mga kaibigan ko. Sabay-sabay nila iyong binuksan at kagaya rin ng reaksyon ko ang naging reaksyon nila nang makita iyon.
"s**t, ang cute!" natutuwang sabi ni Brenda at gano’n din 'yong dalawa.
"Suotin niyo na 'yan," excited na sabi ko sabay pakita sa kwintas ko na suot ko ngayon sa ilalim ng aking toga.
Dali-dali nilang sinuot ‘yon at nagpa-picture kami kay daddy. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa matapos 'yong second ceremony which is 'yong Faculty nila Aly. Nagpaalam na sila Brenda at Stefan dahil may family dinner pa raw sila habang kaming dalawa naman ni Frea ay naiwan habang inaabangan sila Aly palabas ng gym.
Pinauna na ako ni Frea na lumapit kina Aly dahil tinawag siya ng mommy niya para kausapin. Dali-dali naman akong tumakbo palapit sa best friend ko at dinambahan siya ng yakap. Natawa naman sila tita dahil sa ginawa ko.
"Congratulations to the both of us, Aly! Finally, tapos na tayong mag-aral!" tuwang tuwang sabi ko nang kumalas ako sa pagkakayakap at hinalikan siya sa pisngi.
"Congratulations din sa'yo, Sariah. Sa wakas, magkakaroon ka na ng trabaho at hindi na ako ang kukulitin mo para samahan kang gumala para mag-practice," natatawang tugon niya naman sa akin. Sinimangutan ko siya dahil doon. 'Yon pa talaga 'yong naisip niya, ha.
"Just kidding." He then kissed me on my forehead. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. Ang sweet-sweet talaga niya minsan. Hay nako Frea, sobrang swerte mo ‘pag naging boyfriend mo 'tong best friend ko!
"Guys, picture-an ko kayo, ha." Pag-agaw ni tita Merelle sa atensyon namin kaya naman umayos kaming dalawa ni Aly. Kung anu-ano'ng pose ang ginawa namin, merong naka-ngiti, naka-tingin sa isa't isa, naka-nguso, nakapatong 'yong baba niya sa ulo ko, naka-piggyback ride ako, naka-wacky at madami pang iba. Tuwang-tuwa naman sa amin si mommy habang pinagmamasdan kami. Sinimangutan ko siya dahil alam na alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.
Nag-offer siya na picture-an ang mga Villareal kasama ako. Pumwesto sa magkabilang-gilid namin si tita at tito at ngumiti sa camera. After ilang shots, kami namang family ang kinuhaan ni tita ng litrato. Pagkatapos, natanaw ko na si Frea na papalapit sa amin habang kasama si Saimon.
Oh, andito pala siya?
He waved his hand at me at ganoon din ako sa kan'ya. Nang makalapit siya sa akin, iniabot niya 'yong hawak niyang bouquet bago nagsalita.
"Congratulations, Khyrss." Sinuklian ko naman ang ngiti niya bago nagpasalamat. Napalingon ako kay mommy nang narinig kong tumikhim ito. Tinaasan niya ako ng kilay bago hinagod ng tingin si Saimon mula ulo hanggang paa.
Napailing na lang ako at ipinakilala si Saimon sa kaniya.
"Mommy, meet Saimon, one of my friends, cousin ni Frea." Binigyan niya naman ako ng isang malisyosong tingin. Hay nako, mommy. Ba't ka ganiyan? Napa-facefalm ako sa utak ko dahil sa aking ina na isa pang ma-issue.
My mom started asking him some questions pero nabaling ang atensyon ko nang may narinig akong sinabi ni tita Merelle na halos nasa gilid ko lang.
"Shein, ba't ang tagal mo naman bago bumalik? Kanina ka pa nagpaalam papuntang cr, a?"
I stiffened. Tama ba 'yong narinig ko? Did Tita really mentioned his name?
"I got lost, Mom. You know it was just my first time here." Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko after hearing his slightly hoarse voice in a Canadian accent. He's really here!
Unti-unti akong lumingon at napaawang ang labi ko nang makita ko sa unang pagkakataon sa personal 'yong lalaking hindi ko inaasahang makikita ko ngayon... at sa mga susunod pang taon.
His eyes immediately found mine. We looked at each other’s eyes for a few seconds before he lowered down his gaze on the bouquet I was holding. Ibinalik niya ulit sa akin ang mga mata pero umiwas na ako ng tingin.
My eyes went back at him when I heard him chuckle.
I raised my right brow at him when I saw him still looking at me while he took a few steps towards me.
"Congratulations, Khyrss Sariah…" He uttered as he stopped right in front of me. "It was nice to finally meet you."
He then smiled at me.