"Katatapos ko lang maglinis ng bahay." Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama dahil sa pagod at inilipat ang cellphone sa kabilang tainga.
"Okay, take a rest," ani Zach sa kabilang linya.
"I’m resting na. Ikaw, anong ginagawa mo?" tanong ko naman habang nakatitig sa kisame ng kwarto at hinihingal pa rin.
"Babysitting my cousin. Her parents have some errands to do so they're not here." Napangiti naman ako nang marinig ko ang cute na boses ng kaniyang pinsan. Nasa Canada na nga pala ulit si Zach ngayon. Umalis siya noong isang araw para sa graduation nila next week. Tinanong ko siya kung paano siya nakapagbakasyon sa Pinas e graduating siya. Ang sabi niya sa akin, he finished all his requirements in advance at nagpaalam siya sa prof niya na uuwi siya ng pinas at pinayagan naman siya dahil last week na naman iyon. Tapos ‘yong isa pang linggo ay pangbakasyon talaga nila bago ang graduating ceremony nila kaya nakapag-stay siya ng two weeks dito.
"Ilang taon na nga ulit siya?"
"Turning 5 next month. Kuya, who are you talking to? Is that mom?" rinig kong tanong ng pinsan niya.
"No baby, I'm not talking to your mom, it’s Ate Khyrss." Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa.
"Oh, who is she?"
"She's my girlfriend." I bit my lower lip after hearing what he said. My girlfriend. Ang sarap pakinggan. Parang kailan lang nag-i-imagine lang ako, tapos ngayon totoo na. Mygod!
"I thought auntie Vesinica is your girlfriend?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng bata at nakuha noon ang buong atensyon ko.
"No, she's not. Vesinica is just my friend."
"But Auntie is a girl so that makes her your girlfriend, right? Oh, you have two girlfriends?" I heard him chuckle because of what her cousin just stated. Medyo natawa rin ako at nakahinga nang maluwag kasi akala ko...
"No, it's not like that, Sophie. A girl friend is different from girlfriend."
"Huh? You're confusing me, Kuya. What's the difference?"
"You're too young to talk about that stuff. For now, come to the bed and sleep."
"Can I sleep in your room? I don't want here. I'm all alone. Please?" I can imagine her giving him puppy eyes while pouting her lips.
"Okay. Let's go..." Tumayo ako mula sa pagkakahiga para kumuha ng damit sa closet dahil maliligo na ako.
"Stay here. I'll just get your milk."
"Hey, sorry to keep you waiting," he apologized to me. Ngumiti naman ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
"Okay lang, I understand. Tsaka nag-enjoy naman ako sa pakikinig sa usapan niyo. Ang cute kasi ng accent ng pinsan mo. Ang sarap niyang pakinggang magsalita. Gusto ko tuloy siyang makita sa personal."
"You can come here if you want. Maybe on her birthday? I also want to introduce you to my family here. What do you think?" I smiled from ear to ear because of what he said. Gusto niya na akong ipakilala sa pamilya niya roon! Ibig sabihin lang no'n sigurado na siya sa akin!
And for me, that was the sweetest gesture a man can do to his girlfriend. Introducing her to his family on his own decision, not by force or being commanded by the girl. That would really make every girl feel that they are special, that they are taken seriously.
And I'm in that freaking situation right now. Nae-excite tuloy ako! Parang gusto ko nang bumyahe papuntang Canada ngayon agad.
"Kaiah, are you still there?" Bigla naman akong napabalik sa ulirat nang tawagin niya ako.
"Yup, I was just thinking if I could come. You know I was looking for a job these past few days and if ever ma-hire ako in the next few weeks, baka hindi ako maka-punta riyan. Ang panget naman kung kasisimula ko pa lang sa trabaho, e, a-absent agad ako, 'di ba?" pagdadahilan ko. Pero totoo rin naman 'yong sinabi ko.
"Yeah, I understand." I can hear a slight sadness in his voice because of what I said.
"I miss you already." I just said instead to change the topic.
"I miss you too. Don't worry, I'll come visit you again soon." My heart skipped a beat.
"Really?" excited na tanong ko. I heard him chuckle.
"Yup, magugulat ka na lang nasa bahay niyo na ako," natatawang sabi niya kaya naman mas lalo akong naexcite. Dati, ako ang nagsasabi sa kaniya ng gan’yan. Ngayon siya na. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya.
"Yey, can't wait!" masayang sabi ko at isinarado na ang closet nang makakuha na ako ng damit na susuotin. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Aly. Tinaasan ko siya ng kilay para itanong kung anong ginagawa niya rito. Itinaas niya ang kamay niya na may hawak na dalawang papel.
"I already bought a ticket," he said in low voice. Agad naman akong nagpaalam kay Zach at pinutol ang tawag.
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang isa para tingnan iyon. It's a plane ticket because I was planning to surprise Zach, too, on his graduation day. Kasabay na niyang umalis sila tita noong isang araw at nagpaiwan lang si Aly para masabayan ako papunta sa Canada.
"Thank you!" I hug him quickly before I went towards my nightstand to keep the ticket there. Nagpaalam na rin naman si Aly dahil may date raw sila ni Frea. Pagkaalis niya ay naligo na ako dahil balak kong pumunta sa mall para mamili ng mga damit na susuotin ko sa Canada.
Mabilis lang na lumipas ang mga araw at ngayong araw na ang flight namin ni Aly papuntang Canada.
"Ano, wala ka na bang naiwan?" tanong niya pagkalagay niya ng mga gamit ko sa likod ng taxi. Umiling naman ako at pumasok na sa loob at sumunod na rin siya.
Alas otso ang flight namin ngayon kaya naman alas singko pa lang ay umalis na kami ng bahay para siguradong hindi kami ma-le-late at nang makarating kami sa airport, naghintay lang kami ng kalahating oras bago tuluyang nakasakay sa eroplano.
Halos natulog lang kaming dalawa buong byahe at nagising lang para kumain at mag-cr. Pero noong malapit nang mag-landing ay gising na kami at parehas na naghihintay sa paglapag ng eroplano.
Maghahating-gabi na nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin dahil kumain pa kami ng dinner sa isang restaurant malapit sa airport. Dito kami mag i-istay ngayong gabi dahil nga sa mismong graduation na niya ako magpapakita.
All we need to do right now is to take a rest because that fifteen-hour ride drained all my energy. After Aly opened the door of our room, I walked in immediately and slumped my body on the bed.
Ang sarap sa katawan ng malambot na kama. Pakiramdam ko isang taon akong hindi nakahiga dahil halos buong araw nga kaming nakaupo lang sa eroplano. Sobrang sakit sa katawan. Matagal na rin kasi noong huli akong bumyahe ng ganoong katagal. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod sa byahe.
"Sariah, wake up. We're gonna be late." Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko kaya unti-unti akong nagmulat ng mata. Bumungad naman sa akin ang nakatayong si Aly na bagong ligo at mukhang kalalabas lang ng cr. Napaigtad naman ako nang maalala kung ano ang meron ngayon.
"Sh*t, anong oras na?!" tarantang tanong ko kay Aly at dumiretso sa maleta ko para ihanda ang susuotin ko ngayong araw.
"Calm down, alas sais pa lang kaya mag-almusal ka muna bago ka maligo. Ginising lang kita for you to have enough time to prepare. At isa pa, malapit lang dito 'yong school ni kuya. Fifteen to twenty minutes ride lang so you don't need to hurry," natatawang aniya kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Akala ko naman tanghali na," sabi ko at inilapag sa kama ang mga damit na susuotin ko. Napatingin naman ako sa paa ko nang mapansing may suot akong medyas, e wala naman akong natatandaan na nagsuot ako kagabi.
"Where's my boots?" I asked Aly because I also don't remember removing it when I slept last night. At siya lang din naman ang kasama ko sa kwarto. He then pointed out the lower part of the closet.
"Sino'ng tanga ang matutulog nang naka-boots, ha?" nang-aasar na sabi niya kaya napairap ako.
"Hindi ko na kasi natanggal sa sobrang pagod, duh!" Sasagot pa lang sana siya nang mag-ring ang doorbell. Lumapit naman siya at pinagbuksan kung sino man 'yon at inabala ko naman ang sarili sa pag-aayos ng gamit ko.
"Thank you." I heard him say before the door shut.
"Here's our breakfast, kain na tayo," aniya habang naglalakad palabas ng balcony. Itinigil ko naman ang ginagawa ko at sumunod sa kan’ya roon. Saglit lang kami kumain at pagkatapos no’n, agad akong naligo at nag-ayos ng sarili.
"Are you done?" inip na tanong ni Aly na kanina pa ako pinapanood sa ginagawa ko. Tapos na kasi siya kanina pa at ako na lang ang inaantay niya.
"Yeah...," sagot ko habang inaayos ang suot kong turtleneck.
"Okay, let's go." Tumayo na siya at binitbit ang maleta naming dalawa palabas ng room. Pinagmasdan ko pa saglit ang itsura ko sa salamin bago lumabas at sumunod sa kaniya na nakatayo sa tapat ng elevator at naghihintay.
"Kahapon pa ako sinusubukang contact-in ng kuya mo," natatawang sabi ko kay Aly nang makapasok na kami sa elevator. "Siguro nag-aalala na 'yon dahil hindi ako nasagot." Dagdag ko pa habang pinagmamasdan ang mga mensahe niya sa akin.
"Yeah, he surely is. He asked me last night where you are, I just said that you were out to run some errands. Franzyn also told me that he asked her if you two were together. Alam niya 'yong plano natin kaya ang sabi niya hindi kayo magkasama dahil busy ka."
"I'm so excited to see his reaction."
Nakangiting umiling lang sa akin si Aly habang pinagmamasdan ako.
"What?" I creased my forehead at him.
"Nothing."
"Bakit nga?"
"Wala nga." Nag-iwas siya ng tingin at lumabas na ng elevator. Hindi ko na siya kinulit at sumakay na sa taxi na naghihintay sa amin.
Habang nasa sasakyan, inabala ko ang sarili ko sa pagbo-browse ng mga company na nagha-hire ng photographer baka sakaling may makita ako na pwede kong pag-apply-an pero wala pa rin akong nagugustuhan.
"Let's go, we're already here." Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa sinabi niya at bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang nasa parking lot na nga kami ng isang university.
Masyado pala akong naging abala sa pagtitingin at hindi ko na namalayan na nandito na kami.
Lumabas na siya ng sasakyan at ganoon din ako. Habang kinakausap niya 'yong driver, inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napansing kakaunti na lang ang tao sa labas. Nagsisimula na siguro ang ceremony.
"Tara." Hinawakan ako ni Aly sa braso at iginiya papasok sa main building. Tahimik lang ako habang tinatahak namin ang isang hallway. Tumigil kami sa tapat ng dalawang babaeng nagbabantay sa tapat ng dalawang pinto. They asked us few things before they opened the door for us.
Namangha ako nang makita kung gaano kalaki 'yong auditorium nila at kung gaano karami ang taong nasa loob nito. Imposibleng makita kami ni Zach kung hindi namin siya lalapitan.
"Where are we going to sit?" I asked Aly who's busy typing on his phone.
"Mom said they're on the middle sa right side. Let's go." He put his phone on his pocket and held my hand as we started walking towards the right side of the auditorium.
Iniisa-isa naming tiningnan 'yong hilera ng mga upuan habang unti-unti kaming bumababa sa hagdan at hindi rin nagtagal ay nakita na namin ang kinaroroonan nila tita.
Tumayo siya at niyakap ako nang makalapit kami sa pwesto nila. Tito gave me a hug as well and nodded to Aly before sitting again.
"I'm glad you're here." Tita smiled at me before turning to Aly to hug him too. "Sakto ang dating niyo dahil magsisimula pa lang. Maupo na kayo."
Makalipas ang ilang minuto, nagsimula na nga ang seremonya. Habang nagsasalita ang head ng university, nagsalita si tita.
"That's your boyfriend," she whispered while pointing her finger in front, so I followed it. I smiled even though his back is all I could see.
I suddenly remembered when we woke up the next day after we cuddled to sleep. Aly caught us because he went to his room to wake him up to help him look for me because he thought I was missing. Hindi niya kasi ako makita sa bahay namin, but then he got surprised after seeing me in his arms.
On that day, Zach told his family that we're officially together and tita was the happiest because she knew how I like her son so much.
"Sa wakas may girlfriend na rin kayong dalawa," tita said looking proud to her two sons while we are having our dinner in their house. "Matagal na akong naghihintay na may ipakilala kayo sa akin. Akala ko nga wala na kayong balak, eh. Ambagal niyo kasi," natatawang sabi niya habang pabalik-balik ang tingin sa dalawa niyang anak.
"What's with the rush, Mom?" Aly asked, on his side was Frea who was listening intently.
"Because I wasn't lucky enough to have a daughter so I thought that maybe you two could give me granddaughters."
Sabay na nasamid ang dalawa dahil sa sinabi ng kanilang ina. Natatawang nagkatinginan naman kami ni Frea bago ako lumingon kay Zach na medyo namumula ang mukha.
I handed him a glass of water.
"Mom!" ani Aly na para bang nahihibang na ang kanilang ina.
"Why? What's wrong with that? I'm not getting any younger, so you can't blame me if I ask grandchildren from you. And besides, you're already on the right age. Kahit nga siguro nagka-anak kayo noong menor de edad pa kayo hindi ako magagalit, e. I just want to have apo, especially girl." She shrugged.
"Too bad, you won't get one this year," Zach said.
"Oh, you'll give me two?" she giggled in excitement.
"No, I won't give you any," he answered seriously.
"Next year, then?"
"Mom, stop it. We're not even married yet. And we just started dating, for God’s sake."
"Okay, sabi ko nga daughter-in-law muna." She sighed.
Aly was about to say something, but she stopped him with her hand. "But you have to promise me that these girls will be the mothers of my future grandchildren, ha?"
I bit my lower lip when Zach turned to me and held my hand on his lap.
"Of course, I didn't wait for eight years to let her slip away from me."
"Yeah, me too. I don't want anyone but Franzyn." He then kissed her on her forehead. I saw how her face flushed and I smiled because I find it cute.
"I'm glad you both pick a woman not because they are pretty, but because you want to spend the rest of your lives with them. You were indeed a man now," proud na sabi naman ni tito.
"Okay, let's seal that with a toast," giit ni tita at itinaas ang wine niya.
Napabalik ako sa ulirat nang kalabitin ako ni tita palapit sa kan'ya.
"If you could only see how worried Shein was yesterday because you weren't answering his calls," she giggled. "I almost told him your plan, buti na lang at na-kontrol ko pa ang sarili ko," natatawang dagdag niya. "By the way, how long do you plan to stay here?"
"I'll stay here for a week po to spend more time with him before I go back to pursue my dream job." I answered while staring at Zach.
"Oh, so no apo talaga this year? I'm hoping pa naman that maybe you two would change your mind." Napabalik ang tingin ko kay tita dahil sa sinabi niya. Seryoso talaga siya roon?
"Merelle, huwag mo silang madaliin. Let them pursue their chosen career first. They didn't study hard just to build their own family after. Darating din sila doon. For now, hayaan mo muna silang mag-enjoy sa isa't isa," singit ni tito na nasa kabilang gilid lang ni tita.
"I know. I'm just kidding, okay? Masyado kang seryoso."
"Shh, quiet. Look, si kuya na ang aakyat sa stage, hindi kayo nakikinig."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Aly kaya agad kong inihanda ang camera ko para kuhanan si Zach ng litrato. Habang paakyat siya sa hagdan ay sinimulan ko na siyang kuhanan hanggang sa maiabot sa kan’ya 'yong diploma. Tumigil lang ako nang pababa na siya sa hagdan at bumilis ang t***k ng puso ko nang bigla siyang nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko kung paano gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako.
I smiled as I waved my hands at him. He smiled back at me after a few seconds. I don't know if I'm hallucinating but I think I just heard giggles from my front and back. Is that because of him?
Oh, girls, sorry, he's mine.
Hindi nagtagal ay natapos na ang seremonya pero hindi pa kami umaalis sa pwesto namin. Andami kasing taong nagsisipaglabasan at ayaw naming makipagsabayan.
Nang unti-unti nang naubos ang tao sa loob ay saka lang kami tumayo at naglakad pababa ng exit. Nang makalabas sa field ay kusang hinanap ng mga mata ko si Zach nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Nagulat naman ako kaya napaharap ako at nakita ang nakangiting si Zach.
"Hey, congratulations." I kissed him on his right cheek.
"So, this is the reason why you were not answering my calls since yesterday, huh?" I smiled as I nodded my head.
"I thought you wanted to break up with me." He pouted.
"No, of course not. I just don't want you to have any idea about my pla—" Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin.
"Thank you for coming. You don't have any idea how happy I am right now." Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya lalo na noong humiwalay siya para halikan ako sa noo. Hindi ako nakapagsalita kaya nginitian niya lang ako pagkatapos no'n at bumaling sa pamilya niya.
We took photos then after that, nag-aya na si tita na umuwi dahil hinihintay na raw si Zach sa bahay nila. Bigla naman akong kinabahan habang nasa sasakyan kami at nilalakbay ang daan papunta sa bahay nila rito sa Canada.
"Hey, are you okay?" Zach asked me.
"Just a bit nervous, but yeah, I'm okay." I gave him a small smile.
"And why are you nervous?"
"Because I'm about to meet your family here. Kinakabahan ako kasi baka hindi nila ako magustuhan," I admitted and looked away, but my gaze went back at him immediately when I heard him chuckle.
"At bakit naman hindi ka nila magugustuhan?" taas-kilay na tanong niya. Natahimik ako ng ilang segundo.
"Ewan..."
"See? They have nothing to dislike about you, so don't think too much. I know they will like you," he said as he held my hand to assure me. I nodded my head to convince myself that he's right.
Hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nang makababa sa sasakyan, nauna nang maglakad si Zach na hawak pa rin ang kamay ko.
Halos mapatalon kami sa gulat pagkabukas niya ng pinto dahil sa sabay-sabay na pagputok ng mga confetti kasabay nang malakas na sigawan. Nang makabawi ay pumasok na kami sa loob.
Napabitaw naman siya sa kamay ko nang may babaeng biglang yumakap sa kan'ya.
"Congratulations, Aki! You made it, I'm so proud of you!" masayang sabi nito bago kumalas sa pagkakayakap at bumaling sa akin.
Vesinica...
"Khyrss?" gulat na tanong niya sa akin na para bang namumukhaan niya ako. Tumango naman ako sa kaniya kahit nagtataka ako dahil kilala niya ako.
"Hi," simpleng bati ko sa kaniya.
"I'm glad to finally meet you. I'm Vesinica, by the way." Lumapit siya sa akin at bumeso. Nginitian ko lang siya dahil medyo naiilang ako.
Magkasunod naman na lumapit 'yong lola at tita ni Zach para i-congratulate siya at ang panghuling lumapit sa kan’ya ay ang nag-iisang magandang batang babae. Binuhat siya ni Zach at hinalikan sa pisngi.
"Yes, Sophie? Do you have something to say to kuya?"
"Congratulations po, Kuya," sabi nito at hinalikan rin siya sa pisngi.
They looked so cute, lalo na si Sophie. Kahit na lumaki siya rito, naturuan pa rin siya ng pinakaimportanteng kultura ng Pilipinas. Mabait na bata.
"Thank you, sweet little girl."
I smiled at her when her gaze went to me. She smiled back, making deep dimples on both sides of her cheeks visible.
"Okay, let me introduce them to you first," Zach said to me.
"Kaiah, this is my grandma, my auntie, Vesinica, and my cute little cousin, Sophie," Zach said, pointing them to me one by one. Isa-isa ko naman silang nilapitan at nakipagbeso bago bumalik sa tabi ni Zach.
Napalingon ako sa kan’ya nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko at bahagya akong hinapit palapit sa kan'ya.
"Grandma, Auntie, Vica, Sophie, this is Khyrss... my girlfriend."