CHAPTER 22

3367 Words
Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ni Aly na prenteng nakahiga sa kama at nanonood ng movie sa smart tv niya. "Oh, babae, ba't ka andito?" tanong niya nang makalapit ako sa kaniya. "Bakit, bawal ba?" I snapped at him. Natawa naman siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Napakasungit mo naman, e wala ka pa namang regla ngayon. Ano ba'ng problema mo, ha?" Sumimangot lang ako sa kaniya at nahiga habang ang ulo ko ay nakaunan sa tiyan niya. "Napakalambot ng tiyan mo, walang ka abs-abs, e," I teased after laying my head there. Bigla kong na-miss 'yong ganitong moment naming dalawa, ‘yong kapag wala kaming ginagawa o walang pupuntahan, inuubos lang namin ang oras namin sa panonood ng kung anu-anong palabas sa Netflix. Medyo naging busy kasi kami nitong mga nakaraang buwan, e. "Ayaw mo no'n may malambot kang unan." Ramdam ko ang pagtaas-baba ng ulo ko dahil sa marahang pagtawa niya. "Bakit nga ang sungit mo kanina?" I felt his hand playing on my hair. "E, kasi 'yong kapatid mo bigla-bigla na lang akong sinusungitan, hindi ko alam kung bakit." "Bakit ako ‘yong sinusungitan mo? Hindi naman ako si kuya, a?" Sinilip niya ang mukha ko kaya inis kong inilayo ang mukha niya sa akin. "Huwag mo nga akong tingnan nang gan'yan." I crossed my arms over my chest. "Nasaan girlfriend mo?" I changed the topic because I don't want to talk about Zach. Baka mas mainis lang ako. "Ewan, nasa bahay ata nila." Kibit-balikat na sabi niya kaya napalingon ako sa kan’ya. "Wow, ang sweet mo naman maging boyfriend," sarkastikong sabi ko. "Why? I don't see any problem with that. Yeah, she's my girlfriend, but that doesn't mean we should always stick together all the time. I still want her to have time for herself." Pabiro ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran. "Naks, ang mature mo sa part na 'yon. Sana all may Aly," natatawang sabi ko at ibinaling ang tingin ko sa pinapanood niya. "Nasaan na ang yabang mo ngayon, ha? Akala ko ba ikaw ang mauunang magkaroon ng karelasyon sa atin? Bakit naunahan pa kita?" pagmamayabang niya kaya napairap ako sa kawalan. "Napakayabang mo! ‘Pag kayo nag-break tatawanan pa kita." He laughed as if I said something ridiculous. "‘Yon ay kung magbe-break kami. Hindi naman ako papayag, e." He wiggled his eyebrows at me while I made face at him. "Edi wow." "Maghanap ka na lang ng boyfriend kaysa maghintay sa breakup namin kasi hindi naman mangyayari 'yon." Hinampas ko ang tiyan niya. "Sure na sure, ha?" Natawa siya pero agad ring nagseryoso. "Matanda na tayo para makipaglokohan. Pang seryosohan na'to, Sariah." Napatitig ako sa kaniya ng ilang minuto dahil sa sinabi niyang iyon. "Hoy, ba't ka gan’yan makatingin sa akin?" Pinitik niya ang noo ko kaya napabalik ako sa ulirat. Imbes na singhalan siya ay ngumiti ako sa kan'ya. "Wala. Nagma-mature ka na kasi talaga. Medyo hindi lang ako sanay kasi parang kahapon lang sa akin lang at sa pamilya mo umiikot ang mundo mo. Tapos ngayon, may girlfriend ka na na gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Don't get me wrong, ha? I'm not jealous of her. Naninibago lang talaga ako pero masaya ako para sa inyo. Sana si Frea na talaga ang para sa’yo." Napaupo ako sa kama nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko. Ewan ko ba kung bakit naluluha ako ngayon kahit hindi naman dapat. Pinalis ko 'yon bago lumingon at ngumiti kay Aly na ngayon ay nakaupo na rin sa kama. "Uy, hindi siya sanay na may kahati sa akin," biro niya pero sinang-ayunan ko 'yon. "Syempre walong taon na tayong dalawa lang ang laging magkasama, e. Maninibago talaga ako. But I'm not a toxic kind of girl best friend, ‘no! I know naman my place and limitations." Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap. "Akala ko nawala na 'yang pagiging cry baby mo, e. Andiyan pa rin pala 'yan. You're still my Sariah na umiiyak kapag nawawala sa'yo ang atensyon ko. Naalala ko bigla noon noong inaway mo 'yong kapartner ko sa isang pageant noong highschool kasi lagi kong kasama dahil sa practice. Iniyakan mo si mommy noon kasi sabi mo hindi na tayo mag-best friend kasi ipinagpalit na kita doon sa ka-partner kong mukhang anemic dahil maputla ang pagkamaputi niya. Tapos mas naiyak ka kasi tinawanan ka ni Mommy dahil sa sinabi mo tungkol sa ka-partner ko." Huminto siya at natawa bago nagpatuloy. "Masyado kang possessive sa akin noon at naiintindihan ko naman 'yon dahil nag-iisang anak ka lang kaya mas ginusto ko ring hindi magka-girlfriend noon kasi napaka-iyakin mo. Akala ko nabago mo na iyon noong makilala mo ang mga kaibigan mo pero hindi pa pala." Humiwalay siya sa pagkakayakap at sinapo ang dalawa kong pisngi. "Look, umiiyak ka pa rin... pero alam kong hindi na kagaya ng dati na dahil nagseselos ka. Natutuwa ako na makitang nag-mature ka na rin... nang kaunti," natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya talaga kayang maging sweet ng isang diretso. Bwiset! "Don't worry, kahit naman may girlfriend na ako, hindi magbabago 'yong meron tayo. I will always be here for you to protect you and to take care of you if your future man failed to do so. You know you're not just a best friend to me. You're a little sister I always wished to have kahit ang sama ng ugali mo sa akin palagi. And I promised you na magse-settle down lang ako kapag alam kong masaya ka na, kapag sigurado na ako na may mag-aalaga na sa'yo. Ganoon ka kahalaga sa akin, Sariah. Alam kong hindi halata pero totoo 'yon. Kaya ‘wag ka nang umiyak. I love you, my one and only princess." He smiled genuinely at me and kissed my forehead. Napahagulhol naman ako dahil sa mga sinabi niya. "Sabi ko huwag ka nang umiyak 'di ba?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko pero dire-diretso lang ako sa pag-iyak. "Eh, bakit kasi gan’yan ka magsalita?" I said in between sobs. "Bakit, may problema ba sa mga sinabi ko?" Tumango ako. "Ano?" kunot-noong tanong niya. "Para kasing mamamatay ka na, e. May malalang sakit ka ba?" Binitawan niya ako at hindi makapaniwalang tiningnan ako. "G*go, akala ko na-touched ka sa mga sinabi ko kaya ka naiyak tapos 'yan pala iniisip mo?" "E, kasi naman ganoon 'yong mga napapanood ko sa mga movies, e. Pero seryoso, wala talaga? Healthy ka?" Hindi niya ako pinansin bagkus ay inis siyang tumayo sa kama at naglakad palabas. Bigla akong natigil sa pag-iyak at pinunasan ang mukha ko bago ko siya sinundan. "Hoy, Aly! Wait, sorry na!" sigaw ko nang makita siyang pababa ng hagdan pero hindi niya ako pinansin at dire-diretso siyang naglakad papuntang kusina. Kaya naman mas binilisan ko pa ang pagbaba sa hagdan at sinundan siya. Naratnan ko siyang umiinom ng tubig sa may counter habang si Zach ay nag-aayos ng hapag-kainan pero hindi ko siya pinansin. "Sorry na kasi, 'wag ka nang mainis, hindi na mauulit." Nakita ko ang paglingon sa akin ni Zach sa peripheral view ko pero na kay Aly ang atensyon ko. "Hindi na talaga dahil hindi ko na ulit 'yon sasabihin sa'yo," sabi niya pagkatapos uminom at pumwesto na sa hapag. "Maupo ka na, kumain na tayo." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Feeling ko tuloy ang sama-sama ko dahil natitiis ko siya ‘pag binubwesit niya ako pero ako hindi niya matiis. "Para kang timang diyan, umupo ka na nga!" Agad akong lumapit sa pwesto niya bago pa siya ma-badtrip ulit sa akin. "Sila tita at tito? Hindi ba natin hihintayin?" tanong ko matapos maupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Hindi sila uuwi ngayon, e," sagot niya kaya tumango na lang ako at nagsimula nang kumain. Tahimik lang kaming tatlo sa hapag at paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang pagsulyap sa akin ni Zach dahil nasa tapat ko lang siya pero hindi ko iyon ginagantihan. Ano'ng tini-tingin-tingin niya, e hindi niya nga ako pinapansin, ‘di ba? Nagpatuloy iyon hanggang sa matapos ang pagkain namin nang hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Agad umalis ng kusina si Aly nang makatanggap ng tawag mula kay Frea kaya kaming dalawa lang ang naiwan. "I'll do the dishes," sabi ko sa kaniya habang nagliligpit ng pinagkainan namin. "No, ako na." Nilingon ko siya bago mariing nagsalita. "Ako na, nakakahiya naman sa'yo. Ikaw na nga ang nagluto, e." Pilit ko. "Okay lang, ako na ang maghuhugas nito." "Sure ka? Ang sipag mo naman." He chuckled. Napabuntong hininga ako. "Okay, kung ‘yan ang gusto mo, e," sabi ko at dinala na sa lababo ang mga pinggan at isinunod niya naman 'yong naiwan. Nagsimula na siyang maghugas habang ako naman ay naglinis ng lamesa. Pagkatapos ay sumingit ako sa paghuhugas niya at naghugas ng kamay. Sumandal ako sa island counter at pinanood siya habang nagtutuyo ako ng kamay nang may tanong na pumasok sa isip ko. "Ano ba ang ideal wife mo? Gusto mo hanapan kita ng mapangangasawa? Yes, asawa agad. Napaka-husband material mo naman kasi. Feeling ko ang swer—" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya nang hindi tumitingin sa akin. "How do you want me to describe you?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. "Ano'ng sabi mo?" tanong ko baka kasi nagkamali lang ako ng rinig, e. I heard him chuckle and turned to look at me. "I said... how do you want me to describe you?" My heart started hammering inside my chest as I stared at him. Leche, bakit may gano’ng banat? Pero bigla kong naalala na inis nga pala ako sa kaniya dahil sa inakto niya kanina kaya kinalma ko ang nagwawala kong sistema at tinarayan siya. "Edi, wow! Wag mo nga akong landiin! Diyan ka na nga!" Mabilis akong naglakad palabas ng kusina at narinig ko ang paghalakhak niya kaya napapadyak ako sa inis. Leche, sana hindi na lang ako nagsalita! Hindi ako kinikilig, ha? Hindi talaga. Dumiretso ako sa kwarto ni Aly at nanood na lang ako ng movie tutal ayaw ko pang umuwi dahil hindi pa ako inaantok. Habang nanonood kami ni Aly ay katawagan niya ang girlfriend niya at napapangiwi na lang ako sa kalandian nila. Nang matapos ang movie, napagdesisyunan kong umuwi na para naman bigyan sila ng privacy. "Uuwi ka na?" tanong niya nang naglakad na ako palapit sa pintuan. Tumango ako bilang sagot. Nagtaka naman ako nang bigla siyang tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ko. "Ihahatid ka sa inyo. Tara." Lumapit siya sa akin pero pinigilan ko siya. "Huwag na, magkatapat lang ang bahay natin, ha. Masyado kang oa." Tinulak ko siya pabalik sa kama niya. "Sure ka?" Tumango ako. "Okay, goodnight." "Goodnight din. Landi well," natatawang sabi ko bago lumabas at isinarado ang pinto ng kwarto niya. Habang naglalakad sa hallway patungong hagdan, nadaanan ko ang kwarto ni Zach at bahagya iyong nakabukas. Rinig ko rin ang boses niya habang... kumakanta? Alam kong kumakanta siya dahil nabanggit iyon sa akin ni Aly dati pero never ko pang narinig na kumanta siya. Ngayon pa lang... Dahan-dahan akong lumapit sa kwarto niya at marahang itinulak ang nakabukas na pinto para sumilip sa loob. There, I saw Zach sitting on a couch on his balcony. He was singing while strumming a guitar, moonlight illuminating his gorgeous face. He was singing ‘I knew I loved you’ by Savage Garden. I was staring at his face... down to his hand, and I admire how sexy his hand strums the strings of his guitar. My eyes traveled back to his face when he started singing the chorus.  Napatalon ako sa gulat when I met his penetrating stare. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang kinakanta niya ang bawat linyang tumatatak sa akin. He was staring at me like he was saying that those lyrics are what exactly he wanted to say to me. My heart started to race again because of that thought. He stopped singing and smiled at me. He gestured to me to come towards him, so I entered his room and closed the door feeling hypnotized, and made my way to the balcony. I sat on the couch across from him. He put down the guitar on his side and gave me his full attention. "Sorry for suddenly being cold a while ago..." he apologized as he stared at my eyes. "I was just a bit upset because you really forgot that I'm already your boyfriend." My jaw dropped open because of what he said. "What?!" I asked, bewildered. He was already my boyfriend? "Kailan nangyari 'yon? Bakit wala akong matandaan?" "Last night, when you were drunk. Alam ko namang makakalimutan mo 'yon yet I dared to be upset with you. I'm really sorry, Kaiah." I fell silent for a moment before I spoke. "Tell me everything that happened when I was drunk." He nodded and did what I told. Kinuwento niya sa akin lahat simula roon sa pamimilit ko sa kan’yang mag-explain hanggang sa sabihin niya sa akin ang rason niya pati na rin 'yong pag-amin niya sa akin na naging dahilan kung bakit naging kami agad. Napatitig lang ako sa kan'ya pagkatapos dahil hindi ko pa ma-proseso 'yong mga impormasyong sinabi niya. Nangyari talaga lahat 'yon? I thought it was just a dream! "So... w-we’re already in a r-relationship?" I felt my face flushed when he nodded. Pa-simple kong kinagat ang loob ng pisngi ko para siguraduhing hindi ako nananaginip at nang maramdaman ang sakit ay doon pa lang ako naniwala na totoo ngang nangyayari lahat 'to. "But now that you're sober, I want to ask you again to be my girlfriend." He held his guitar again. He smiled and started serenading me with the song he sang a while ago. He was staring right into my eyes from the start until he finished the whole song as if he wanted me to listen to every line because that's him, confessing his feelings for me for eight years. I smiled at him, teary-eyed. "That smile is gonna be the end of me." He smiled softly as he walked towards me and pulled me to stand up. He cupped my face and wiped my tears using his thumb. "Now, I want to ask you again with the thousand stars and the mesmerizing moon looking down upon us as a witness... Will you be my girlfriend?" He asked, his forehead touching mine. I snaked my arms around his neck and closed my eyes as I nodded my head. "Yes, of course. I would love to be your girlfriend." I opened my eyes and stared at his beautiful hazel eyes. I caressed his face, our nose already touching. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago siya nagsalita. "You know, I had a written collection of dreams that I always wished to happen, and I'm glad that I can now cross you out. You're a dream come true, Kaiah. You are that beautiful dream which I dreamt with open eyes. Thank you for making me realize that all good things are really worth waiting for." I felt my tears stream down my face for the nth time already. I don't know what to say, so I just pressed my lips against his lips. It was a long passionate kiss. Mas naging malinaw na sa akin ngayon kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kan’ya. "I love you..." I breathed when our lips parted to get some air. I saw how his lips parted because of what I said. He wasn't expecting it. I smirked and didn't wait for his reply because I kissed him again. He groaned softly, low in his throat, and then his arms circled me, gathering me against him, and carried me inside his room. He slowly lay me down on his bed without breaking the kiss. He was now on top of me, still kissing me gently and carefully while my hands were busy raking his hair. His left hand went to hold my neck and the other was on my thigh, gently caressing it. That light touch sent shivers through my nerves, shivers that made my whole body tremble. I moaned as I felt evoking unfamiliar sensations I had never known I was capable of feeling. I never felt this before. It was new to me. Everything was new to me. I suddenly understand why people describe kissing as melting because every square inch of my body dissolves into his. I started to feel breathless in a new and fascinating way. I don't know what's gotten into me when my hands flew on the hem of his shirt pulling it off him. But that move seems like a trigger that got him back to his senses. He stopped kissing me and moved fast away from me. I heard him cursing while banging the wall using his palms. Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. Hinawakan ko siya sa braso para pigilan pero para siyang napaso sa haplos ko at agad na lumayo sa akin. "No, Kaiah, don't come near me... I'm trying so hard to hold the last string of my self-control, please, don't. I want to sleep next to you but let me calm myself first. I'll be back." Tumango ako sa kaniya at dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Nang maiwan akong mag-isa ay doon ko pa lang na-realize ang lahat. We almost do it and I f*cking initiated it! Sh*t, nakakahiya! Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa pagiging mapusok ko kanina. Oo, nasa tamang edad na ako pero hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Nadala lang talaga ako ng emosyon. Buti na lang at napigilan iyon ni Zach. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon at bumalik sa kama at nahiga. Sabi niya gusto niya akong makatabi kaya dito na ako matutulog. Unti-unti na ring kumalma ang sistema ko kaya ipinikit ko na ang mata ko para subukang matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi ko alam kung may isang oras na ba akong nakapikit lang at hindi makatulog nang maramdaman ko ang pag lubog sa kabilang parte ng kama. "Sariah, are you still awake?" I heard him gently asked but I didn't answer. I felt his arm snake on my waist and spoke again. "I'm sorry for what happened a while ago. Hindi dapat nangyari iyon. I won't tell you any more excuses because I know it's my fault...." He let out a heavy sigh. "I don't want you to think na iyon lang ang habol ko sa'yo dahil hindi. I respect you so much." Bakas sa boses niya ang pagsisisi kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong umikot paharap sa kan’ya. "I'm sorry too because I initiated it. I'm at fault too," nahihiyang sabi ko kaya isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya. Natawa naman siya sa ginawa ko pero agad ring nagseryoso. "Hinding-hindi ko iyon gagawin sa iyo hangga’t hindi pa kita naihaharap sa altar." Tumingala ako sa kan’ya at napangiti nang may pumasok na ideya sa isip ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. "What if I want to do it with you kahit hindi pa tayo kasal? Tatanggi ka ba?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para itanong ‘yon sa kan’ya. Bigla na lang siya lumabas sa bibig ko, e. "Hanggang kaya kong magpigil, gagawin ko. Pero sana ‘wag mo rin akong tuksuhin. Tao lang din ako, Kaiah." "Okay, I won't." I smiled at him and he pinched my cheeks before leaning in to kiss me on the top of my head. "Cuddles with you is enough," He said, pulling me closer to him and hugging me even tighter. "You love cuddles?" I asked him. "I have never done it before. But I’ll surely love it if it’s cuddles with you." Napayakap naman ako nang mahigpit sa kan’ya dahil sa sinabi niya. I could die right now. I'm just so happy. I'm just exactly where I want. I placed my ear to his chest and listened to his heart, beating. "So, this is what love sounds like..." "Yeah, and I want you to know that you're the best part of my every heartbeat."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD