Pangalawang araw ko ngayon sa school. Maaga pa rin akong pumasok. Walking distance lang naman ang layo ng boarding house ko sa University. Inayos ko ng mabuti ang sarili ko at sinigurado kong maganda ako sa araw na ito. Parang mas excited pa akong pumasok ngayon kaysa sa unang araw ko.
Bakit nga ba? Halos hindi ako nakatulog sa kaiisip sa lalaking iyon. Gusto kong hilahin ang orasan para mag-umaga na at makita ko siyang muli. Paulit-ulit lumalarawan sa aking isipan ang mga nangyari. Kung paano nagkalapit ang aming mga labi. Alam kong aksedente lang iyon pero hindi ko talaga makalimutan. Ganoon talaga siguro ang first kiss.
Nang makarating ako sa university ay kaagad lumibot ang aking paningin sa buong paligid. Umaasa ako na makita o makasalubong ko siyang muli.
Masyadong malawak ang University kaya hindi ko alam kong makikita ko ba siya. Sa kalalakad ko ay nakarating ako sa likod ng university at naroon ang basketball court. Pumasok ako sa loob nito at namangha ako sa laki nito. Ang sarap siguro dito manood kapag may laro.
“Naglalaro kaya siya ng basketball?” naitanong ko sa aking sarili habang nililibot ng paningin ko ang buong court. Matangkad siya at p’wede siyang basketball player. Gusto ko kasi ‘yong lalaki na magaling mag-basketball at mag-shoot. Nangiti ako.
Habang nililibot ko ang paningin ko sa loob ng court ay bigla kong siyang nakita na nagpapatalbog ng bola habang tumatakbo mula sa kung saan at isinuyot ang bola sa ring. OMyGOd! Napakaguwapo niya. Naka-basketball short lang siya at walang anumang pang itaas. Nakakatulo ng laway ang maganda niyang katawan. Kitang-kita ko ang pagtulo paibaba ng mga namuo niyang mga pawis. Maari ko kayang punasan ang mga pawis niya?
Tumingin siya sa akin na may napakagandang mga ngiti kaya nginitian ko rin siya. Malalaglag ata ang panty ko sa mga ngiti niya at titig na nakakatunaw. Bumilis ang t***k ng puso ko nang papalapit na siya sa akin at unti-unti na siyang nawala. Nawala?
Naipiling ko ang aking ulo at unti-unting ring nawala ang mga ngiti sa labi ko.
“Nangangarap lang pala ko. Inis!” anas ko sa aking sarili. Akala ko ay totoo na. Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong court at wala man lang tao kahit na isa. Baka nga hindi siya naglalaro ng basketball, e.
Pinili ko na lang ang lumabas doon.
Nagpalinga-linga ako ulit sa lahat ng madaraanan ko. Ang ganda din pala dito sa likod. Ang daming mga puno na p’weding tambayan ang ilalim dahil malilim. Masarap din siguro dito mag-aral ng mag-isa dahil mukhang tahimik.
Napagod na ako sa paglalakad ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tumingin ako sa orasan sa aking cell phone at nakita ko na eight fifty na pala ng umaga. Nine o’clock ng umaga ang unang klase ko. Sa aga kong pumasok ay mukhang male-late pa ata ako.
Kaagad na akong nagmadali sa paglalakad patungo sa unang klase ko at nasa fourt floor, building A naman iyon ngayon. Tumakbo ako upang hindi ako ma-late. Maging ang hagdan ay patakbo kong inakyat. Hindi ko na pinansin pa ang mga nadaraanan ko. Humahangos akong narating ang fourt floor. Kaagad kong hinanap ang room ng unang klase ko. Nang makita ko iyon ay naroroon na ang professor namin. Sh*t, late na ako.
Nahihiya akong pumasok sa loob ng room. Sumilip ako at mukhang nag-uumpisa na sila ng klase. Hindi p’wede na dito lang ako sa labas. Kailangan kong pumasok. Kaya kahit nahihiya ay nilakasan ko na ang loob ko.
Bumati muna ako sa professor. Mukhang mabait naman ang babae na professor dahil ngumiti ito sa akin at pinapasok ako. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kanila at tuluyan na akong pumasok sa loob.
Nakita ko na nag-iisa na lang ang bakanteng upuan kaya malamang ay ako lang ang late. Ang aga ko pa namang pumasok tapos na-late pa ako. Nakakahiya talaga. Hindi iyon gawain ng isang scholar.
Nasa gitna ngunit sa bandang dulo ang upuan na iyon. Kaagad ko rin naman iyong tinungo. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin ngayon sa akin. Sigurado naman na maganda pa rin ako kahit nagtatakbo ako kanina kaya ayos lang na tingnan nila ako.
Nang maka-upo ako, nagulat ako nang may pamilyar na boses ng lalaki na biglang nagsalita.
Iyong lalaking nakaupo sa unahan ko pala ang nagsalita. Nagulat ako nang makilala ko siya. Bahagya akong natigilan at nag-isip. Ano nga ulit ang name niya? Mark? Oo, tama. Siya nga si Mark, ‘yung sa canteen kahapon.
“Hi, Bea. Nice to see you again,” bati niya sa akin. Ang ganda ng mga ngiti niya. Talagang guwapo rin siya lalo na at palagi itong nakangiti.
Pero mas guwapo si Ken. Mula sa kulay abo nitong mga mata, matangos na ilong, makapal na kilay, mapupula at malambot na mga labi, malinis niyang haircut, maputi at makinis na balat at mabango niyang amoy.
“Oh, h-hi!” bati ko rin at ngumiti sa kanya.
“Akalain mo, magiging class mate ka pala namin,” wika pa niya. Ngumiti ako ngunit nagulat naman ako sa huli niyang sinabi. Namin? Ibig sabihin sila.
Kaagad napalibot ang mata ko sa buong klase. Hindi ko siya nakita sa mga nakaupo doon. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa aking tabi sa kaliwang bahagi. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang lalaking kanina pa gustong makita ng aking mga mata.
Halos malibot ko na ang buong university ay hindi ko siya nakita. Naririto lang pala siya at magiging kaklase ko pa sa subject na ito. Sana pala ay dumiretso na ako dito kanina pa. Kung alam ko lang sana.
Ilang sandali ko siyang tinitigan. Napakaseryoso ng kanyang anyo. Deretso lang ang kanyang tingin sa unahan. Hindi ko alam kung nakita ba niya ako o alam ba niya na katabi niya ako. Natatandaan niya naman siguro ako dahil dalawang beses kami nagkita kahapon. Hindi lang naman iyon basta pagkikita. Nag-kiss kami kaya siguro naman hindi niya iyon agad makakalimutan.
Hindi pa nga siya nagso-sorry sa akin dahil doon. Pero ayos lang, masarap naman ung mga labi niya. Iyon na ata ang aksidente na nakakatuwa. Nangiti ako at napakagat sa aking labi ng bumalik na naman ang imahinasyon ko sa naglapat naming mga labi.
Hindi ako mapakali buong klase. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tingnan siya pero hindi ko man lang siya nakita na tumingin sa akin o kahit man lang sa gawi ko. Si Mark naman ay panay ang lingon sa akin. Naaasar ako sa mga ngiti niya. Para bang alam niya ang nasa isip ko at gusto niya akong alaskahin. Halata ba ko masyado? Hindi naman siguro.
Mabuti na lang din at panimula pa lang ang mga dini-discuss ng professor sa klase. Hindi kasi talaga ako makapag-focus. Lalo na hindi lang ako ang napapatingin kay Ken. May mga kababaihan din kasi na panay ang sulyap sa kanya at akala mo’y mga sinisilihan ang p’wet. Kinikilig at panay ang bulungan. Para silang mga bubuyog. Mahina siguro ang pandinig ng professor dahil hindi sila sinasaway nito.
Natapos ang klase naming tahimik pa rin siya at seryosong nakatingin lang sa unahan. Nahihiya akong kausapin siya o tanungin kong natatandaan ba niya ako. Hindi ko kasi alam kong paano ko uumpisahan. Nahihiya rin ako sa mga kaibigan niya.
Nang magpaalam na ang professor ay nauna na siyang tumayo dala ang kanyang bag. Nauna na rin siyang naglakad palabas ng room. Nakasunod naman sa likod niya ang apat na mga kaibigan niya kasama na doon si Mark. Kasama din iyong lalaking medyo maangas sa kanila, iyong nagpapaalis sa akin sa mesa kahapon habang kumakain ako. Hindi ko naman kasi alam na p’westo pala nila iyon.
“Mauna na kami, Bea,” paalam ni Mark sa akin. Nakangiti na naman ito at kumindat pa sa akin. Naku, makahulog panty din ang isang to. Pero nahulog na ata ako kay Ken. Kahit pa sa palagay ko ay masungit at seryoso siyang tao. Hindi ko maintindihan pero kapag nariyan siya sa malapit ay bumibilis ang t***k ng puso ko. Hinahanap-hanap na siya ng mga mata ko. Pati ang mabangong pabango niya ay hinahanap-hanap na rin ng pang-amoy ko.
Tulala akong pinagmasdan na lang siya hangang makalabas siya ng room. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang kinikilig na mga babaeng nakatingin din sa kanila. Sino ba ang hindi kikiligin sa kanila. Ang guguwapo naman kasi nilang lima. Tapos panay pa ang ngiti ni Mark. Talagang smiling face ang isang iyon at sa palagay ko ay pilyo.
Malamang na hindi talaga ako mapansin ni Ken sa dami ba naman ang mga babaeng gustong lumapit sa kanya. Siguro nga ay may girlfriend na siya. Hindi rin imposible iyon. Maganda siguro ang girlfriend niya. Ano naman ang panama ko doon?
Tumayo na rin ako sa aking upuan. Saglit kong pinagmasdan ang upuang kinauupuan ni Ken kanina. Magkatabi lang kami pero parang ang layo niya. Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay tumalikod na at naglakad palabas. Pupunta na ako sa sunod na klase ko sa building C. Malungkot ako habang papunta ako roon.
Kahit pala gaano kalapit ang isang tao, kahit pa nga magkatabi lang kayo, kung wala naman ang atensyon niya sa iyo parang milya-milya din ang layo n’yo.