Sumunod na araw ay maaga pa rin akong pumasok pero hindi na kasing aga ng sa kahapon. Iyong tamang oras lang na hindi ko kailangang magmadali. Siya pa rin ang gustong makita ng mga mata ko. Nagayuma ata niya ako. Kahit sabihin ko pa sa sarili ko na hindi naman ako mapapansin noon kaya mabuti pa na tigilan ko ang kahahanap sa kanya.
Para bang kating-kati ang mga mga mata ko na makita siya. Parang hindi na makukumpleto pa ang araw ko kapag hindi ko nakita ang guwapo niyang mukha. Nababaliw na ata ako.
Sinabi ko kanina na hindi ko kailangang magmadali. Pero ang totoo nagmamadali talaga ako dahil sa building A ang una kong klase ngayong araw at makakatabi ko naman siya. Sana iyon na lang lagi ang klase ko para makatabi ko siya.
Dumaan muna ako ng comport room na nasa fourth floor lang din. Syempre magpapaganda muna ako at magpapabango. Baka sakali na kausapin na niya ako. Pumasok muna ako sa isang cubicle dahil naiihi ako
Kauupo ko pa lang sa vowl nang makarinig ako ng ingay sa labas. Sa tingin ko ay nasa tatlo o apat silang babae base sa iba-ibang boses na naririnig ko. Nanatili lang akong tahimik at pinakinggan sila. Napangiwi ako dahil sa pinag-uusapan nila.
“Hey, sobrang guwapo talaga ni Ken. Bagay kami hindi ba?” sabi ng isang babae sa malanding tinig.
“Oo, naman at bagay naman kami ni Dave ko,” sagot naman ng isa na waring kinikilig habang nagsasalita. Ang landi.
“Basta akin si Mark.” May pagkamasungit ang isang iyon base sa tono niya
Kung maka-angkin ang mga ‘to. Parang si Mark nga lang ang may dila doon. Si Mark lang ang nagsasalita. Ang iba naman ay magsasalita nga napakasungit naman. Mabuti na lang at mga guwapo.
Tapos na akong umihi ngunit hindi muna ako lumabas. Pinakinggan ko muna sila. Nagtawanan sila at may pinag-uusapan pa sila na hindi ko naman maintindihan kung ano. Narinig ko ang pagbukas ng tubig mula sa isang gripo. At pagkatapos niyon ay wala na akong narinig pa na ingay. Marahil ay nakalabas na sila.
Sinimulan ko nang kumuha ng tissue at nagpunas. Tumayo ako at isinara ang botones at zipper ng suot kong pants saka ni-plush ang vowl.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip muna ako bago ako lumabas. Wala na ngang tao kaya lumabas na ako. Napailing na lang ako. Sobrang popular talaga ng magkakaibigan na iyon. Maraming mga babae ang nagpapantasiya sa kanila. Kaya swerte ka na lang kung mapapansin ka.
Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay ko. pagkatapos kong maghugas ay naglagay ako pace powder at kaunting lipstick. Nagpabango na rin ako. Siniguro ko munang maganda at mabango ako dahil makakatabi ko siya. Saglit ko pang sinipat ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng comport room.
Nagtungo na ako sa room 402. Doon ang unang klase ko. Naroroon na ang iba sa mga kaklase ko. Kaagad na dumiretso ang mga mata ko sa dulo kung saan ang p’westo ko. Pero hindi talaga sa p’westo ko ako unang tumingin kundi sa upuan niya. Nadismaya ako nang Makita ko na bakante pa iyon. Marahil ay wala pa siya. Wala pa rin kasi ang mga kaibigan niya.
Tuluyan na akong pumasok sa loob at nagtungo sa upuan ko. Masyado pa sigurong maaga kaya wala pa sila. Marami pa ring mga bakanteng upuan sa unahan. Ang iba sa mga narito ay abala sa pagkukwentuhan. Ang iba naman ay nagbabasa ng libro at ang iba ay nakatutok sa kanya-kanya nilang cell phone.
Pinili ko naman ang maupo lang at pagmasdan sila. Hindi nagtagal at nagdatingan na ang ibang mga kaklase ko. Naukupa na ang mga bakanteng upuan sa unahan. Wala pa rin si Ken at ang mga kaibigan niya. Kinuha ko mula sa aking bag ang aking cell phone at tumingin sa orasan. Tatlong minuto na lang pala ang natitira. Parating na rin marahil ang professor namin.
Papasok kaya sila? Baka naman ibang subject ang schedule nila ngayon. Excited pa naman ako. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Mag-kaiba ang couse namin at nagkakasama lang kami sa iilang subject na parehas kami ng schedule.
Pagkatapos nga ng tatlong minuto ay dumating na ang aming professor.
“Good morning, class.”
“Good morning, Ma’am,” bati ng lahat.
Mas lalo akong nalungkot nang mapagtanto ko na ako lang ang nag-iisang nakaupo sa likod at wala akong mga katabi. Pakiramdam ko tuloy mabaho ako at ayaw tumabi sa akin ng lahat.
Napatingin din sa akin ang aming Professor. Kapansinpasin naman kasi ako dito. Napangiti na lamang ako sa kanya. Magsisimula na ang klase nang biglang dumating ang limang magkakaibigan. May sayang biglang umahon sa dibdib ko. Nagsimulang magtilian at hindi magkaintindihan ang mga babae naming kaklase.
Magalang silang bumati sa aming professor bago magkakasunod na pumasok sa loob. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko nang masilayan ko ang mukha niya. Ang guwapo talaga niya. Simula pagpasok niya sa pinto ay nakatitig lang ako sa mukha niya. Nakita ko ang saglit na pagsulyap niya sa akin. Napaiwas akong bigla ng tingin.
Napakaganda na naman ng mga ngiti ni Mark.
“Hi, Bea. Good morning. You are more beautiful than the morning.”
Napangiti naman ako sa mga hirit nito. Sa kanilang lima siya lang ang bukod tanging kinakausap ako. Nagagawa pang humirit. Nginingitian naman ako ng iba pero parang wala silang mga dila. Napaka tahimik at isa na doon si Ken. Gusto ko sanang marinig din ang boses niya.
“Maupo ka na nga,” singhal ni Ken kay Mark. Nakatayo pa kasi ito sa harapan ko sa tabi ng upuan niya. Nasa likod pa sila Ken at nakaharang si Mark sa dadaanan nila. Biglang nag-init ang mukha ko ng marinig ko na nga ang boses ni Ken. Parang musika iyon sa aking pandinig.
Nilampasan na niya si Mark at bahagya pang binangga ang balikat ni Mark. Lalo namang nagpakangiti-ngiti si Mark at umiling-iling. Tapos ay umupo na rin. Naupo na rin ang tatlo pa nilang kaibigan na si Dave, Anton, at James.
Para namang magigiba ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito nang maupo siya sa tabi ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?
Maya-maya ay nawala na ang mga tilian ng mga kababaihan pero panay pa rin ang lingon nila sa magkakaibigan. Nagdi-discuss na din ang professor namin.
Pero ang dibdib ko hindi pa rin tumitigil sa mabilis na pagtibok. Paano ko ba sasawayin ang puso kong nahuhulog na ng tuluyan sa lalaking ito?
Hindi ako makapag-concentrate sa klase. Ni hindi ko na naririnig at naiintindiohan ang sinasabi ng professor namin. Hindi ko maiwasan na sulyapan siya sa tabi ko. Gusto kong patigilin ang oras para mas matagal pa kaming magkatabi. Hindi ko na namalayan na halos sa kanya na pala ako nakatingin.
Tumikhim siya. Dahil doon ay naibaling ko sa unahan ang paningin ko at napaayos ako ng upo. Nahiya akong bigla.
Natapos na ang klase namin. Muling nagpaalam sa akin si Mark. Hindi ko alam kong napapansin ba niya ang mga tingin ko kay Ken. Halata ba ‘ko? Sa tuwing bumabanat kasi siya ng mga hirit niya sa akin sinusulyapan niya si Ken.
Paglabas ko ng room namin ay hindi na nawala wala pa ang ngiti sa mga labi ko. Naiisip ko pa lang ang mukha niya at ang boses niyang nag-e-eco sa tainga ko at napapangiti na ako. Baliw na yata talaga ako.
Parang hindi ko na mahihintay ang sunod na klase ko sa room 402. Ang isipin na sa Friday pa ulit iyon ay kating-kati na ako. Tuwing Tuesday, Wednesday at Friday lang kasi ang subject kong iyon. At ngayon nga ay Wednesday. So, bukas ay hindi ko siya makakatabi. Makikita ko kaya siya?
Lunch break na. Puno ngayon ang canteen. Sabay-sabay atang kumain ang mga estudyante ngayon. Halos wala ng mapwestuhan. Isang lamesa lang ang nananatiling bakante. Ang pwesto nila Ken.
Talagang pag-aari nila ang pwestong iyon at walang nagtatangka na maupo doon. Ako pa lang ata. Hindi ko naman kasi alam. Sa tuwing naalala ko iyon ay kinikilig ako dahil hinayaan lang ako ni ken na kumain doon.
Hindi pa naman ako gutom kaya lumabas na lang ako. Nagtungo ako sa isang coffee shop na malapit lang.
Nag-order na lang ako ng isang slice ng cake at hot chocolate. Habang sumisimsim ako ng hot chocolate ay may babaeng lumapit.
“Hi! May kasama ka ba? Pwede ba akong maki-share ng table.” Napatitig ako sa kanya. Ang ganda naman niya. Simple lang siya pero maganda siya at mukhang mabait. Maamo kasi ang kanyang mukha. Nginitian ko siya.
“Wala, mag-isa lang ako. Sige, maupo ka,” malambing kong saad. Kaagad naman siyang umupo at inilapag ang bitbit niyang kape at slice cake din na kapareha ng sa akin.
“Favorite ko ang macapuno flabor na cake,” ani niya ng makaupo siya.
“Talaga? Parehas pala tayo.” Ngumiti kami ng malapad sa isat-isa.
“Puno sa canteen ngayon, nuh.”
“Oo nga, eh.”
“Ako nga pala si Savannah. But you can call me Sav.” Inilahad niya ang kanyang kamay. Kaagad ko naman iyong inabot at nakipag-shake hands.
“Nice to meet you. Ako naman si Bea.”
“Nice to meet you din.”
Nagkapalagayan kaagad kaming dalawa ng loob. Napakabait niya. Nagkuwentuhan kami habang kumakain ng cake na parehas pa naming paborito. Marami kaming nagpag-usapan at nagkakilala pa kami ng husto. Mabuti naman at may kakilala na ako kaagad sa university at magiging kaibigan ko. Wala rin daw siyang ibang kakilala dahil katulad ko ay first year college lang din siya. Magkaiba lang kami ng course.
Hindi niya raw feel ang mga kaklase niya kaya wala siyang gustong kausapin sa mga ito. Mabuti na nga lang daw at puno ang canteen ngayon at dahil doon ay nagkakilala kaming dalawa.