Brianna
"Wala ka yatang lipstick ngayon?" puna ni Sav sa akin. Narito na kami ngayon sa loob ng university at kasalukuyang naglalakad patungo sa klase namin. Napakabagal lang nang lakad ko na parang walang kabuhay-buhay. Maaga akong umalis sa boarding house ko pero mukhang male-late pa ako sa klase ko dahil sa sobrang bagal ko maglakad. Naabutan na lang din ako ni Sav malapit sa gate. Sinasabayan na niya ako ngayon kaya napakabagal na rin ngayon ng mga lakad niya. Tinatamad akong pumasok ngayong araw.
Hindi talaga ako nag-ayos ng sarili ko. Naglagay lang ako ng kaunting pulbos. Wala pa rin ako sa mood at isa pa wala naman si Ken kaya wala namang dahilan para magpaganda pa. Maganda naman na ako kahit walang lipstick, medyo maputla nga lang tingnan dahil maputi ako.
"Tinatamad ako, eh," walang buhay kong sagot sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Maganda ka naman kahit na hindi ka mag-ayos. Ang kaso nagmukha ka namang bangkay ngayon dahil sa sobrang putla mo."
"Bangkay talaga?" Napanganga ako sa sinabi niya. Ang dami namang puweding sabihin bakit naman bangkay pa? Ganoon na ba talaga ako kaputla?
"Oo, kaya mag-lipstick ka kahit kaunti lang."
"Ayoko."
"Bahala ka, kasing lamig mo 'yang mukha mo."
"Wala namang dahilan para magpaganda ako ngayon. Sayang lang ang lipstick. Ang mahal pa naman ng bili ko doon."
"Dahil ba wala si Ken? Paano kung bigla mo na lang siyang makasalubong, tapos ay ganyan ang mukha mo?"
"Imposible, hindi pa 'yon papasok. Malamang napuyat 'yon sa date niya."
"Sigurado ka ba? Mukhang ikaw yata ang napuyat. Hindi ba si Ken 'yang makakasalubong natin?"
"Ha?!" Gulat ang bumalatay sa akin dahil sa sinabi niya.
Akala ko ay binibiro niya lang ako pero kung maputla ako ay mas lalo pa yata akong namutla noong makita ko nga si Ken na papalapit na sa gawi namin at mukhang makakasalubong pa namin. Kasama niya si Mark at si Dave. Bumilis ang t***k ng puso ko at para na akong magpa-palpitate. Mas lalo pang kumabog ang dibdib ko noong makita ko na tumingin na siya sa akin. Dagli akong nagtago sa likurang bahagi ni Sav. Hinila ko ang suot niyang backpack at ipinangtabing sa aking mukha. Hindi niya ako puweding makita sa hitsura kong ito. Nakakahiya. Kung bakit kasi hindi ako nag-ayos ng sarili ko ngayon? Akala ko kasi ay hindi pa siya papasok. Ilang araw na akong nagpapaganda tapos ay wala naman siya. Kung kailan naman hindi ako nakapag-ayos at nakapaglagay man lang ng lipstick ay saka naman siya pumasok at talaganag makakasalubong pa namin ngayon.
"Hey! Bea. Anong ginagawa mo?" tanong ni Sav sa tabi ko habang nililingon ako. Hila-hila ko ang backpak niya.
"Wala. Huwag kang maingay at maglakad ka lang," mahina at halos pabulong ko lang na sabi sa kanya. Sigurado naman ako na naririnig niya.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, mag-ayos ka. Matigas 'yang ulo mo."
"Huwag mo na akong pagalitan. Maglakad ka na lang at huwag mo na silang pansinin. Huwag kang magpapahalata."
Sumunod naman siya sa sinabi ko. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at sinasabayan ko naman ang bawat paghakbang niya. Hindi ko na kasi nakikita ang lilalakaran namin dahil nakatakip ang bag ni Sav sa mukha ko. Sana lang ay hindi nila ako mapansin.
"Bea? Hey! Bea is that you?" Napangiwi ako nang marinig ko ang tinig na iyon ni Mark. Huminto din sa paglalakad si Sav kaya't napahinto rin ako. Nakakainis napansin niya pa kami. Hindi ko naman siya nilingon. Nanatili akong nakatago sa bag ni Sav.
"What's wrong?" Boses ni Ken na halos magpatayo ng balahibo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi niya puweding makita ang hitsura ko. Baka imbis na magustuhan niya ako ay ma-turn off pa siya sa mukha ko.
"Sav, halika na." Mahina ngunit may diin kung sabi kay Sav.
"Ha? Oo." Dagli ko nang hinila si Sav paalis ng hindi nililingon sila Mark. Ramdam kong nakatingin pa rin sila sa amin. Bahala sila d'yan, nakakahiya.
Halos patakbo na kaming naglalakad ni Sav. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba o dahil sa presensiya ni Ken. Nang masigurong nakalayo na kami ay hinarap ko si Sav at kinastigo.
"Bakit ka huminto? Muntik na tuloy nila tayong makita. Sabi ko huwag kang magpapahalata." Napansin ko naman na napanganga siya at tinaasan akong bigla ng kilay.
"Anong huwag magpahalata, eh, ikaw nga itong obvious na obvious. Nagtago ka pa sa bag ko. Malamang mapapansin nila tayo."
"Ha? You mean nakita talaga nila ako?"
"Oo naman. Takang-taka nga sila sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko.
"Pati si Ken?" Tumango-tango siya. Nag-init ng husto ang mukha ko. Napakagat ako sa daliri ko.
Tinawanan naman niya ako. Gusto kong magpapadyak sa inis. Muli na kaming nagpatuloy sa paglalakad. Dinala niya ako sa malapit na restroom at pinaharap sa salamin.
"Tingnan mo d'yan ang mukha mo." Pinipigilan pa niya ang muling pagtawa. Nakakatawa ba ang mukha ko?
Humarap na ako sa salamin at nagulat naman ako sa hitsura ko. Ako ba ito? Nagsalamin naman ako kanina pero parang hindi naman ganito. Nangingitim pala ang palibot ng mata ko, marahil ay dahil sa puyat. Tama si Sav, ako talaga ang napuyat. Mag-uumaga na kasi ako nakatulog. Iniisip ko pa rin kasi kung sino ang kasama ni Ken sa restaurant at kung ano ang mga dapat kong gawin para mapansin niya ako.
Napakaputla rin ng mukha ko at bahagyang gulo-gulo rin ang buhok ko. Dahil siguro sa pagtatago ko sa bag ni Sav. Nagmukha na akong zombie. Tama nga si Sav mukha akong bangkay. Nakakainis.
Inilabas ko mula sa bag ko ang dala kong face powder at lipstick. Sinimulan kong ayusin ang mukha ko. Tinakpan ko face powder ang nangingitim kong mga mata. Naglagay ako ng kaunting blush sa pisngi at ginamit ko ang pulang lipstick ko.
"Mauuna na ko sa iyo, ha. Maaga kasi ngayon ang prof. namin kaya kailangan ko nang pumasok sa klase ko," paalam ni Sav matapos niyang gumamit ng cubicle.
"Sige, salamat."
Natatawa pa rin siya sa akin tapos ay tumalikod na. Sumimangot naman ako.
"Mukha pa ba akong bangkay?" pahabol kong tanong sa kanya bago siya tuluyang makalabas ng restroom. Lumingon naman siya at ngumiti.
"Hindi na. Ayos na yan. Ang ganda mo. Sige na, bye! See you later." Hindi ko alam kung nagsasabi na siya ng totoo.
Kinuha ko naman ang suklay ko sa bag at inayos naman ang nagulo kong buhok. Nakalugay lang kasi ang buhok ko ngayon. Pati pagtali ng buhok ko ay tianamad din ako. Nang matapos akong magsuklay ay sinipat ko ang aking sarili. Ayos na siguro. Nagkabuhay naman na ang mukha ko ngayon. Hindi na kagaya kanina. Mukha na ako ngayong magandang zombie. Sana lang ay hindi ko na sila makasalubong ngayong araw. Kahit na nakapag-ayos na 'ko ay nahihiya pa rin ako. Bukas ko na lang ulit sisilayan ang guwapong mukha ni Ken.
Lalabas na sana ako ng restroom nang biglang pumasok ang apat na babae.
"Hey! Look who's here?" wika ng isang babae na naunang pumasok. Sila ang mga brats na palaging nakatingin at sumusunod sa akin. Natatandaan ko sila. Hindi ako puweding magkamali, sila iyon.
"Hey! Girl. Hindi ka naman pala maganda sa malapitan," wika ng isa. Iyong maigsi ang buhok. Lumapit siya sa akin ng sandali tapos ay bumalik sa likod malapit sa pinto. Tila ba binabantayan niya ang pinto. Akala mo naman maganda siya, eh, kahit nga malayo wala akong makitang ganda sa kanya.
"Ano 'ng kailangan n'yo?" tanong ko. Kalmado lang naman ako. Hindi naman ako takot sa kanila kahit pa apat sila. Dahil wala naman akong alam na atraso ko sa kanila. Sinalubong ko ang mga mata nila at hindi nagpatinag sa nanlilisik na nilang mga mata.
Ngumisi ang babaeng nasa harapan nila. Ito yata ang leader nila. Maganda siya, ang kaso napaka kapal ng make-up niya. Nagmukha na siyang bakla. Naka-faoundation day si ate mo girl. Nasobrahan pa sa pula ang nguso niya, akala naman niya ay bagay sa kanya. Sa akin lang bagay ang pula. Feeling-era nito. Mas lumapit pa siya sa akin. Ako naman ay napaatras hangang sa mapasandal na ako sa counter top.
"Stay away from my property!" mariing wika niya sa mukha ko. Nangunot naman ang noo ko. Ano bang tinutukoy niya?
"If you don't. You don't know what I can do to you," dagdag pa niya na nagpataas ng kilay ko.
"Is that a threat?" may pang-iinis ko namang tanong. Kita ko ang pagtiim bagang niya. Opps! nainis ko talaga yata siya.
"What do you think?"
Naglaban ang aming mga mata. Parehong mariin ang aming pagtitig sa isa't isa. Akala yata ng mga ito matatakot nila ako. Unti-unting lumapit na rin sa akin ang dalawa pa. Para bang gusto na nila akong kuyugin dito. Napalingon naman kaming lahat sa pinto ng may biglang kumatok ng malakas.
"Hey! May tao ba d'yan? Naiihi na ko. Buksan niyo to."
Agad naman silang naghiwa-hiwalay. Ang dalawa ay pumasok sa cubicle. Ang leader ay humarap naman sa salamin at ang isa ay binuksa na ang pinto. Ikinandado pala talaga nila iyon. Ako naman ay lihim na napahinga ng malalim.
"Bakit n'yo naman nila-lock ang pinto?" inis na wika ng babae. Medyo malakas ang boses niya.
"Hindi lang siguro napansin," paliwanag ng babaeng nagbukas. Mataray ang tinig niya. Yung maigsi ang buhok. Hindi ko kasi alam ang mga pangalan nila. Umismid ang babae na kanina ay kumakatok. Nakahawak na siya sa perlas niya na halatang ihing-ihi na talaga. Kaagad na rin nitong tinungo ang isa pang nakabukas na cubicle. Nagtamang muli ang mata namin ng leader ng brats sa salamin bago ako tumalikod na at lumabas.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Property? Alin? Itong school ba? Sa kanya ba ito? Iba talaga kapag mayaman, maraming property. Napailing na lang ako at gustong matawa. Bigla namang sumagi sa isip ko si Mark. Hindi kaya si Mark ang tinutukoy niya? Naisip ko na iyon noong nakaraan pa pero hindi naman ako ang lumalapit ah. Si Mark nga ang madalas na bumabati sa akin. Hindi ko naman sila nakikita na magkasama o nag-uusap man lang ni Mark. Si Mark nga kaya?
Umaga pa lang ang dami ko na agad struggle. Nagpakawala ako ng malalaim na hininga bago kinuha ko sa bulsa ng suot kong pants ang cellphone ko at tiningnan ang oras doon. s**t! Ganoon na lamang ang pagnganga ko nang makitang late na ako sa unang klase ko. Napatakbo na akong bigla. Sa building A pala ang klase ko ngayon. Bakit lumagpas ako? Nasa building B na ako ngayon.
Tinakbo ko ang hagdan paakyat sa forth floor ng building A. Hindi ko na inalintana ang taas nito. Mabuti at palagi lang akong naka-plot shoes. Hindi ko na din magawang pansinin ang mga nadadaanan at nakakasalubong ko. Paglabas ng hagdan sa forth floor ay natanaw ko sa hallway ang prof. namin at papasok pa lang din ito sa klase namin. Mabuti naman at late din siya. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Hingal akong tinungo ang pinto at pumasok sa loob. Lahat naman sila ay nakatingin sa akin. Pawis na pawis kasi ako. Mukhang nahulas pa ang face powder na nilagay ko sa mukha ko. Hindi ko naman na pinansin pa ang mga kaklase ko. Wala naman akong pakialam sa kanila dahil hindi ko naman sila close. Binati ko ang professor at dagli na ring tumuloy sa loob. Napabuga ako ng malakas na hangin dahil sa pagod mula sa pagtakbo.
Napatunghay ako at hinanap ang puwesto ko. Nakangising si Mark naman ang nabungaran ko. s**t! Kaklase ko nga pala sila ngayon? Bakit nakalimutan ko?