[FLASHBACK] KHEYIEN'S POV Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang PT na kabibili ko lang. Hindi ako makahinga habang hinihintay ang resulta... and then I saw it. Two lines. Positive. Napaiyak na lang ako. I had mixed emotions, pero isa lang ang sigurado; I was happy. Yes, hindi pa namin napag-uusapan ni Derrick ang pagbuo ng pamilya, pero just thinking na may buhay na lumalaki sa loob ko, it gave me an unexplainable emotion. Kaya nung nasa daan na ako papuntang ospital kaninang umaga para i-confirm, nandoon pa rin ang takot. Pero now, it’s the opposite. Kahit may uncertainties, balewala 'yun kumpara sa saya na nararamdaman ko. I caressed my tummy. Mahal na mahal ko na agad ang baby ko. While on my way out of the hospital, tinititigan ko 'yung test results at bigla kong naisip

