[FLASHBACK] KHEYIEN’S POV Paulit-ulit na tumatawag si Derrick, siguro dahil nakauwi na siya, pero pinatayan ko siya ng cellphone. I just couldn't believe it—niloko niya ako. Sabi niya nasa Manila siya, pero kitang-kita ng dalawang mata ko na hindi naman siya umalis. Hindi ko man lang magawang umiyak dahil sa sobrang galit at selos. All I knew was, kailangan kong lumayo para makalimutan ang lahat ng negativity na nararamdaman ko. Kasama ko sina Margaux at Gino sa birthday party ni Luna, pero siniguro kong hindi ako iinom. Masyadong busy si Margaux sa pakikipag-party kaya hindi niya napansin na orange juice lang ang tinitira ko. Ngayon lang ulit kami nagka-reunion ni Gino after more than a decade dahil galing siyang Greece, at sobrang saya namin na makasama siyang muli. Halos lahat

