KHEYIEN's POV Para akong naging estatwa nang ilang segundo at hindi agad nakapagsalita. Pero nang marinig kong tumikhim si Raze, doon lang parang nabasag ang invisible spell at nahimasmasan ako mula sa aking trance-like state. Agad kong pinaglaruan ng masasamang tingin si Derrick na mukhang tuwang-tuwa pa sa ginawa niya. Seryoso naman ang mukha niya, pero kitang-kita ko pa rin ang mapaglarong kislap sa mga grey eyes niya—at badtrip na badtrip ako doon. Alam kong sinadya niya ’yon para lang i-flex ang teritoryo niya at ilagay si Raze sa lugar niya. Nagtagis ang bagang ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Inasahan kong magugulat siya sa sampal na ’yon, pero lalo lang umangat ang sulok ng labi niya. Napakuyom ang mga palad ko. He

