Pag-uwi ko sa bahay, akala ko mawawala na ang matinding bigat sa dibdib ko, pero hindi pala. I couldn’t even sleep that night dahil pabalik-balik sa isip ko ang nakaraan. I felt so empty and sad. Ang tahimik pa ng paligid, making me feel so cold and lonelier than I already was. Napatingin ako sa picture frame na nasa ibabaw ng bedside table ko at kinuha ito. I touched it emotionally, dahan-dahang hinaplos ng hintuturo ko ang litrato habang nakatitig doon na puno ng pangungulila at pagmamahal. "I love you, sweetheart. Mommy will always love you. You will remain in my heart forever," pabulong kong sabi sabay halik sa picture ng anak kong si Calvin bago ko ito niyakap nang mahigpit sa dibdib ko. At dun, parang magic na kumalma ako bigla, iniisip na si Calvin talaga ang kayakap ko hangg

