KHEYIEN's POV Pag-uwi ko ng bahay, pumasok ako na parang lumulutang ang kaluluwa—lutang na lutang. Isa lang talaga ang gusto ko ngayon: ang makalayas dito sa Cebu. I felt like if I didn't get out of this place, sasabog ang utak ko at tuluyan akong masisiraan ng bait. Sobrang nakakasuffocate. Palagi akong kinukulit ng pamilya ko na mag-undergo ng therapy para naman daw makapag-move on na ako, pero ewan ko ba, hindi ko talaga kaya. Feeling ko kasi, the moment na kalimutan ko ang sakit, parang kinalimutan ko na rin ang lahat ng alaala ng anak kong si Calvin. At siguro... deep inside, nararamdaman kong deserve ko naman talagang masaktan. Parang wala akong karapatang sumaya habang wala na siya. Yes, aside sa katotohanang isinisisi ko kay Derrick ang lahat ng nangyari sa anak namin, grabe r

