KHEYIEN'S POV Nanlulumo ang mga mata ko habang nakatingin kay Minji na masayang naglalaro. Gaya ng ipinangako ko sa kanya sa airport, binili ko agad ang mga toys na ’to kinabukasan at halos hindi na siya mapakali sa tuwa. Hanggang ngayon, paborito niya pa ring paglaruan ang mga ito. Kakaalis lang nina Margaux at Migz para sa monthly checkup ni Margaux. Pinaiwan na nila sa akin si Minji dahil wala naman akong balak lumabas ngayong araw. Si Chewy, ang nanny ng pamangkin ko, ay nasa kusina para maghanda ng snack. Ang mga magulang ko naman ay nasa kwarto nila, malamang ay nanonood ng movie. "Auntie Khey, look! I made a dragon!" Nagising ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang excited na boses ni Minji. Napatingin ako sa nilalaro niya at mahinang natawa nang makitang nak

