FLASHBACK Napasigh ako habang nakatingin kay Zaijan. Naglalaro ang mga boys ng beach volleyball dito sa Villa Carmela, property ni Migz sa Australia. Bukas na ang kasal nina Margaux at Migz. Dumating na rin ang mga kaibigan ni Migz kaninang umaga. "Hey, bakit hindi mo lapitan?" pangaasar ni Jane. "I don't know what you're talking about," pagmamaang-maangan ko, pero tinawanan niya lang ako. "Kheyien, don't lie to me. Alam kong may crush ka kay Zaijan. Halata kaya sa paraan ng pagtingin mo sa kanya." Wala akong naisagot. "Kung gusto mong mapansin ka, gumawa ka ng paraan. Pero ’wag naman ’yung gagawa ka ng milagro sa kwarto niya sa gabi," biro niya na inirapan ko lang. Crush ko si Zaijan simula nung ipakilala siya ng mga pinsan ko sa akin. Siya ’yung seryoso, mysterious, pero guwapong t

