KHEYIEN’s POV
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Derrick sa venue, feeling ko tumigil ang mundo.
As in, yung party hall na kanina ay maingay, biglang naging parang sementeryo sa katahimikan. Everyone was undeniably shookt. Nakita ko pa sina Margaux at Migz na halos malaglag ang panga habang nakatingin sa amin bago sila nagkatinginan. Kahit yung mga tropa ni Derrick, nagbubulungan na habang may mga nakakalokong ngiti.
My cheeks heated up. Grabe, hindi ko na take!
"Can you get away from me?! Sobrang lapit mo na!" hiningal kong bulong sa kanya.
Akala ko mag-o-oblige na siya nung lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko, pero laking gulat ko nang mas lalo niya pa itong hiningpitan. Possessive much?
Sinamaan ko siya ng tingin. Alam kong sinasadya niya ‘to para asarin ako.
"I said, get your arm off of me! Pinagtitinginan na tayo ng lahat at hinding-hindi ko gusto ang ganitong atensyon!" I whisper-yelled, pero ang lolo niyo, deadma lang. Mukhang hindi man lang tinatablan ng galit ko.
"You're right, mahal. Nakatingin na silang lahat kaya umasta ka nang natural. Para kang tigre na manganganak sa itsura mo," kaswal niyang sagot.
"Damn you! Don't call me that! At hindi ako tigre, ‘no!" Inirapan ko siya pero binalewala niya lang ako at ginuide sa isang table.
Kahit bumalik na sa dati ang ingay ng party, ramdam ko pa rin ang mga pasimpleng sulyap nila. I hate being the center of attention, lalo na’t alam ng lahat dito na kami ni Derrick ay kasal pero separated.
Hinila niya ang upuan para sa akin. I closed my eyes shut. Feeling ko nakaka-burn na yung mga titig nila sa likod ko. Halos lahat ng bisita ay friends nina Derrick at Migz, kasama ang mga pamilya nila. In short, kilala namin ang bawat kaluluwa rito sa Cebu.
The party hasn’t officially started yet pero may background music na. I sighed and just sat there. Si Derrick naman, umupo sa tapat ko at parang ayaw matanggal ng mga tingin niya sa akin. Ang liit lang ng table—good for two—kaya feeling ko kinakapos ako ng hininga sa sobrang lapit niya.
I couldn’t believe we’re here together. Never in my wildest dreams na iisiping darating ang araw na magsasama uli kami sa isang lugar. Gusto ko na siyang layasan at lumipat kina Margaux, pero kailangan kong tapusin ‘tong divorce issue na ‘to as soon as possible.
Sabi ni Derrick, pipirma lang siya kung gagawin ko ang mga gusto niya. Alam kong dangerous waters na naman ‘to, pero at least, kapag nakapirma na siya, everything will be finished. Freedom. ‘Yun na lang ang iniisip ko para hindi ako sumabog sa galit.
"Why are you doing this? Ano bang plano mo? Three years na tayong separated, so let go of me already. Bakit ba kailangang maging ganito kahirap?" sunod-sunod kong tanong.
Akala ko sasagot siya ng pabalang, pero bigla siyang bumuntong-hininga. He looked tired.
"Kailangan mo ba talagang itanong ‘yan, mahal? You already know my answer. Akala mo ba ganoon kadaling gawing null and void ang kasal natin? You vowed, Kheyien. Ako lang ba ang nagpahalaga sa sinumpaan natin sa harap ng altar? I am doing this to fight for our marriage. You know very well that I will never give you that damn divorce!"
Ramdam ko ang distaste sa boses niya. Sa wakas, lumabas din ang true intentions niya.
"I thought you were going to sign the papers after I do everything you want?!" hiyaw ko sa sobrang frustration.
His grey eyes bored into mine. "You seem so determined. Fine. Let’s put it this way: Pipirma ako kung magagawa mong baguhin ang isip ko. Show me that our marriage is not worth fighting for anymore. Kapag napatunayan mong ito talaga ang makakapagpasaya sa’yo, then I won’t hesitate. I will give you your freedom."
Nanggigil ako. Ang kapal ng mukha niyang umasta nang ganito pagkatapos ng lahat ng nangyari sa past! Siya naman ang dahilan kung bakit kami nasira, ‘di ba?
Pero kilala ko si Derrick. He has a word of honor. Kapag sinabi niya, gagawin niya.
"Is that all? Madali lang ‘yan. I can give you hundreds of reasons right now."
Umiling siya. "Ayokong marinig. Your words won't penetrate me. I want you to show me. Hindi naman siguro mahirap ‘yun, right?"
Sasagot pa sana ako nang biglang may boses na sumingit.
"Who are you?"
Napatawa ako bigla nang makita ko ang pamangkin kong si Minji na masama ang tingin kay Derrick. Ang cute niya sa suot niyang black suit—mini Migz version talaga! Nakita ko sa malayo sina Migz at Margaux na busy makipag-usap sa mga bisita.
"Hi, buddy. Don't you remember me? I'm your daddy's friend," nakangiting sabi ni Derrick. Pero si Minji, nakataas pa rin ang kilay bago tumingin sa akin.
"I thought you were my date tonight, Aunt Kheyien?" reklamo ng bagets.
"Yes, baby. You're my date tonight," sagot ko habang hinahaplos ang buhok niya. Biglang nag-brighten ang mukha niya, pero bago pa kami makapag-react, bigla niyang sinipa ang paa ni Derrick!
"Ouch!" ungol ni Derrick. Sapol ang ankle! Akala ko magagalit siya, pero bigla siyang humagalpak ng tawa. "Man. Like father, like son, huh?"
Susawayin ko na sana si Minji nang lumapit na si Margaux. Mukhang nakita niya ang ginawa ng anak niya.
"Sweetheart, why did you do that to Uncle Derrick? Say sorry."
"But, mommy—"
"Minji..." Isang warning look lang ni Margaux, sumunod agad ang bata. "I'm sorry. I won't do it again."
Natawa na lang si Derrick. "You're forgiven, buddy."
Kinuha ko ang kamay ni Minji at pinalapit sa akin. "You're Aunt Kheyien's hero, so don't be sad," bulong ko, at agad namang sumaya ang mood niya. "Really, Auntie?"
"Yes, baby." He hugged me tightly. Pinaupo ko siya sa lap ko. Hay, Minji really gives me happiness.
Nag-apologize si Margaux kay Derrick pero parang ang friendly niya masyado. Nakalimutan na ba niya ang ginawa ng lalaking ‘to sa past?
Maya-maya, nag-start na ang program.
"Let's go to our table, sweetheart," yaya ni Margaux kay Minji.
"Let's go, Auntie." Hinila ni Minji ang kamay ko. Tumingin sa akin si Derrick, yung mga mata niya parang nagmamakaawa na mag-stay ako, pero nginitian ko lang siya nang nakakaloko.
"You heard Minji, my dear husband. I'm his date tonight so I need to go." I left him there alone. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Serves him right!
Pagdating sa table, tinukso agad ako ni Margaux. "Anong eksena ‘yun, sis? How sweet, nakayakap pa sa bewang mo. Start na ba ‘to ng—"
"—No, it's not and you know it," putol ko sa kanya.
"Well, let's see. The way he stares at you... parang hindi ka niya pakakawalan," hirit pa niya. Maging si Migz, tumawa lang. "Good luck, Kheyien. Sana mapapirma mo nga."
Maya-maya, dumating na ang mga pinsan ko. Nakaka-excite nung makita ko sina Jane at Clyde na galing pa sa France! Dumating din sina Xander, Paolo, at Mikha kasama si Gino.
Pero naging awkward nung nagkatitigan kami ni Paolo. Galit pa rin ako sa ginawa niya kay Carmelle. Hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik ang best friend ko at sobrang sakit nun para sa akin.
"I'm surprised na umuwi ka rito sa Cebu, Kheyien. Sabi mo ayaw mo nang bumalik dito sa atin," sabi ni Clyde.
"Well, pagkatapos ng nangyari kay Papa, kailangan kong isantabi ang issues ko. I have to be here for him,” sagot ko.
Nag-usap kami ni Paolo sa isang tabi.
Humingi siya ng tawad at halata namang nagsisisi siya habang hinahanap pa rin niya si Carmelle hanggang ngayon. Pinatawad ko na rin siya dahil kitang-kita ko ang longing sa mga mata niya.
Habang nagtatawanan kami, napalingon ako sa pwesto ni Derrick. Ayun, mag-isa pa rin, uminom ng alak habang nakatitig sa akin. His stare was so intense, feeling ko nag-aapoy ang balat ko sa talim ng tingin niya.
Biglang may lumapit na babae sa kanya. Kilala ko ang babaeng ‘yun. Grrr!
Nakaramdam ako ng inis pero binalewala ko na lang. Akala niya hahabulin ko siya? No way.
"Hey, baka mamatay na si Derrick sa sama ng tingin sa akin kung hindi ka hihinto sa pag-glare sa kanya."
Napatingala ako at biglang nagliwanag ang mukha ko. "Oh, my gosh! James?!”
Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Close na close kami nitong si James Hidalgo. Brother figure ko siya simula nung magkakilala kami.
"Hey, bud. Kung ayaw mong mamatay ngayon, lumayo ka sa pinsan ko," biro ni Xander habang nakatingin sa direksyon ni Derrick. Natawa lang si James. Ramdam ko ang tensyon mula sa kabilang table; parang sasabog na si Derrick habang pinapanood kaming magkayakap.
Nagsimula na ang sayawan. Inaya ako ni James. “Kheyien, let's dance?"
"You're playing on dangerous grounds, bud," babala ni Migz. Pero nag-smirk lang si James.
“Don't worry, gusto ko lang makita kung hanggang saan ang selos niya."
Dinala ako ni James sa dance floor. Habang sumasayaw kami sa ilalim ng sweet music, masaya kaming nagkukuwentuhan. Pinapatamaan ko talaga si Derrick sa mga tawa ko.
"Bakit ka pala bumalik dito for good?" tanong ko.
"I finally found someone special,
Kheyien. She's the reason bakit ako mag-stay dito sa Cebu."
Sa sobrang tuwa ko para sa kanya, hindi ko napigilan at niyakap ko siya uli.
"Congratulations, James!”
Pero bago pa ako makabitaw, naramdaman ko ang isang malakas na pwersa. May biglang humablot sa kamay ko, palayo kay James.
Sa isang iglap, nakita ko na lang si James na nasa sahig na at may dugo ang labi! Sinuntok siya ni Derrick sa harap ng lahat!
"Damn you, Derrick! Hindi ka na nagbago! Napaka-bayolente mo!" sigaw ko, nanginginig sa galit. Akmang tutulungan ko si James na tumayo pero mas mabilis si Derrick.
Wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin. His eyes were dark, full of possessiveness and rage. Sa isang iglap, binuhat niya ako na parang kaban ng bigas at isinakay sa balikat niya.
"Bitawan mo ako! Derrick, nakakahiya ka!” hiyaw ko habang hinahampas ang likod niya, pero parang bakal ang katawan niya.
Dire-diretso siyang naglakad palabas ng venue habang ang lahat ay nakatulala sa amin.