DERRICK’S POV
Inis na inis kong nilagok ang hawak kong alak habang hindi maalis ang tingin ko sa direksyon ni Kheyien. Konti na lang talaga.
Alam kong anytime soon, may magagawa ako na siguradong ikagagalit niya. I’ve been trying my absolute best to stay calm and patient all this time, pero pakiramdam ko, mabilis nang nauubos ang katiting na kontrol na mayroon ako.
"Hey. You look like a lion that's about to pounce on its prey."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pag-angat ng tingin ko, bumungad sa akin si Honey Ordoñez. She was snickering, halatang aliw na aliw sa hitsura ko bago siya sumulyap sa pwesto ni Kheyien.
Honey is the younger sister of my good friend in The Elite Vanguard, si Ola Ordoñez. And as usual, she’s dressed sexily. Mahilig talaga siyang mag-flaunt ng body niya—isang bagay na siguradong ikinababanas na naman ni Ola. Paborito siya ng media dahil palagi siyang nasasangkot sa gulo. In short, she’s a certified troublemaker.
Pero hindi naman siya sadyang masama; sadyang maiksi lang ang pasensya niya at madaling ma-provoke. She doesn't tolerate people who get on her nerves.
"What are you doing here?" tanong ko habang nakakunot pa rin ang noo. She just chuckled bago umupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.
"I am here because I was invited, of course. Anyway, I couldn’t help but notice you here drowning yourself in alcohol habang nakatitig sa ex mo," pang-aasar niya. Halos mapairap ako. Nandito na naman siya para bwisitin ako. Knowing her, she’s probably having the time of her life seeing me like this.
"Anyway—Oh, uh. Look who's here."
Curious kong sinundan ang tingin niya, and in an instant, nag-init ang dugo ko sa nakita ko.
My hands balled into tight fists nang makita kong niyakap ni Kheyien ang lalakeng lumapit sa kanya. Agad akong napatayo, dahilan para gumawa ng ingay ang upuan ko. What the heck is he doing here?! Kailan pa siya bumalik?!
Jealousy ate away my insides. Sobrang saya ni Kheyien nang makita siya. Ever since she came back from Cebu, hindi ko na siya nakitang ngumiti o tumawa nang ganoon, lalo na kapag kaming dalawa ang magkasama. She really changed a lot.
Naging malamig siya at madaling magalit.
I felt like the monster inside of me was slowly coming to life habang pinapanood ko siyang makipag-usap kay James.
James Hidalgo is one of my good friends in The Elite Vanguard. He’d been staying in his home country, Finland, for quite some time, but now, he’s finally back in the USA.
"Calm down, Derrick. Si James lang ’yan. You don't have to be jealous like that. Para kang papatay, eh. Relax, will you?" sabi ni Honey. Nagtagis ang bagang ko. Yes, I shouldn't be this jealous, pero alam ko kung gaano ka-womanizer ang isang ’to.
"I don't care who he is. If he does something I don't like, he will taste my wrath."
"Tsk tsk. Kaibigan mo ’yan. Siguradong hindi ka niyan tataluhin, so stop killing him in your mind."
Hindi ko siya pinansin. Akma na sana akong maglalakad palapit sa kanila pero mabilis na hinila ni Honey ang kamay ko para pigilan ako.
"Will you sit down?! Don't make a scene here!"
Wala akong nagawa kundi bumalik sa upuan ko. I huffed in frustration at ginulo ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. I chugged down another glass of margarita para kumalma, pero wala ring silbi. Konting-konti na lang talaga at sasabog na ang kontrol ko.
"You know what? Why don't you join us later? I'll be going out with my friends, probably go bar hopping," alok ni Honey habang umiiling. Sasagot na sana ako nang biglang i-announce ang pagbubukas ng dance floor.
The sweet music blared in every corner of the venue. May mga couples na pumunta sa gitna para magsayaw nang malambing.
"Hey, why don't we dance?" aya ni Honey. Napadaing ako sa inis. Hindi talaga siya titigil sa pangungulit. I gave her a deadpan look, pero nginitian lang niya ako. Biglang nagbago ang expression niya at tumingin sa likod ko.
"Oh, sh*t!" she cursed. Para siyang nakakita ng horror scene. My forehead crinkled at agad akong lumingon sa tinitingnan niya.
And that was it. Nakita ko si Kheyien at James na naglalakad patungo sa dance floor at nagsimulang mag-slow dance sa gitna.
I slowly stood up as the incomparable jealousy in my chest doubled. Lalo na nang tumingin si James sa direksyon ko at ngumisi. He’s doing this on purpose!
I saw red.
"Calm down, Derrick," paalala ni Honey, pero ang buong atensyon ko ay nasa dalawang tao lang sa gitna. Then, my control finally snapped nang makita kong niyakap ni Kheyien si James. That was the last straw.
My gaze darkened. Bago ko pa man mapag-isipan ang gagawin ko, mabilis na ang mga hakbang ko palapit sa kanila. I was breathing hard like a raging bull. Out of pure rage, binuweltahan ko ng suntok sa pisngi si James. Kheyien screamed in horror nang mabuwal si James sa sahig, may dugo na sa gilid ng labi nito.
Pero alam kong hindi pa sapat ’yon. I wanted to hurt him more. Pero hinarangan ako ni Kheyien at agad siyang lumapit kay James para tingnan ang kalagayan nito.
My heart ached seeing how worried she was for James. I couldn't take it anymore. Binuhat ko siya nang patiwarik at isinakay sa balikat ko. She kept on thrashing and hitting my back, sumisigaw na ibaba ko siya pero hindi ko siya pinakinggan.
I didn't care if I created a scene. All I knew was, Kheyien was my wife and all I wanted was to take her away from there. Away from James.
Dinala ko siya sa kotse at isinakay sa loob. I quickly got in and maneuvered the vehicle out of there, kahit pa sigaw siya nang sigaw na pakawalan ko siya. I locked the doors so she couldn't escape.
"Damn you! Anong karapatan mong gawin ’to sa akin?! This is kidnapping!"
I smirked and threw her a glance. "You're still my wife, mahal. Remember that!"
Dahil sa sobrang galit, hinampas niya ako sa balikat. She was breathing hard, looking like she was about to spit fire any moment now.