CHAPTER 12

2277 Words
Chapter 12: Swimming competition "GOOD luck, baby," I cheer him up and I kissed his cheek. Lumapad ang ngiti niya at yumakap pa sa akin bago siya naglakad palapit sa team niya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang hindi ko sinasadyang mapatingin sa side nina Rykiel. Prenteng nakahilig lang siya sa headrest ng chair niya at tutok na tutok talaga ang atensyon niya sa amin... Sinundan pa niya ng tingin si Khai, na nakipag-high five pa sa mga kasamahan nito at pangiti-ngiti. Nag-iwas din naman ako ng tingin sa kanya. Look at your son, Rykiel. Kilala ka na niya as his dad pero kung tingnan ka rin niya ay parang ibang tao rin siya sa `yo. Ni hindi niya sinubukan na lapitan ka at magpakilala. Pinilig ko na lamang ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa competition. Since tig-lima sa team sina Khai ay magiging third round ang labanan nila. Ayon din sa kuwento niya sa akin ay bubunot sila ng number kung sino ang mauuna, second and last na lalaban sa other team at iyong mananalo naman sa first, second and third round ay ang maglalaban-laban ulit. Marami rin naman kasing team ang participant. Iyong dalawa naman na sina Zue and Zules ay standby na muna sila. Hindi pa yata puwede dahil baka raw may dayaan ang magaganap dahil kapatid at pinsan nila ang isa sa judge nila, baka raw maging pabor ito sa kanila. Kaya ganoon ang rules nila sa kompetisyon. Nakita ko na nagsisimula na sila sa pagbunot ng numero at nang makuha na nila iyon ay humarap sa akin ang anak ko at tiningnan ako nito. Itinaas niya ang kamay niya para lamang ipakita sa akin ang tatlong daliri niya. Meaning pang-tatlo pa siya. Nag-thumps up ako sa kanya at ngumiti. I mouthed him 'Good luck.' Halos mag-iisang oras din ang labanan ng first and second round. Nakikita ko na lahat sila ay handang-handa at halos mag-draw silang lahat. Hindi pa raw naman ito final na competition dahil hinati sa dalawang labanan ang team at saka lang talaga maglalaban-laban ang mga mananalo, mamayang hapon naman sila. Kumalabog ng husto ang dibdib ko nang makita ko na si Khai na ang susunod. Nakapagpalit na siya ng swimsuit niya na color blue. Ito ang unang beses na makikita ko talaga siya na lalaban kaya kinakabahan ako. Ayos naman sa akin kung hindi siya mananalo, at least ay ginawa pa rin niya ang best niya. Alam ko namang mahusay sa paglangoy si Khai dahil palaging nagpa-practice iyon sa mansion namin. At may pool area naman sa condominium kaya kung minsan ay ro'n siya nagsu-swimming. Sumulyap pa sa side ko si Khai. Nakasiklop ang dalawang palad ko at nakatukod ang magkabilang siko ko sa tuhod ko. Lumapit pa siya sa coach nila at bahagyang sumulyap ulit sa akin. Napatayo ako nang maglakad siya palapit sa direksyon ko. Nagpaalam yata siya sa coach niya. Nararamdaman niya rin yata na sobrang kabado rin ako. "Mom... You looks worried... I'm fine..." sabi niya agad sa akin. Hinawakan pa niya ang kamay ko at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang panlalamig ng mga palad ko. "Ang lamig naman po nito, Mommy. I'll be fine... Why are you looks so worried?" namamanghang tanong pa niya. "Kinakabahan lang ako, just a little bit, baby..." pag-amin ko sa kanya. Hinila niya ako para bigyan ng mahigpit na yakap. Dahil sa ginawa niya ay alam kong nakukuha na namin ang lahat ng atensyon ng mga tao at nanonood na sa amin. Nag-init ang batok ko nang may naramdaman pa rin ako na dalawang pares na nakatingin sa amin. "Okay na ako, baby. Sige na, hinihintay ka na nila," malambing na sabi ko sa kanya at tinapik-tapik ko pa ang likuran niya. "Dad is watching... So, I'll do my best, Mom," sabi niya and I nodded my head. "Make him proud of you, baby... Kahit na..." "It's fine, Mommy..." he said before he turn his back on me. Nang magsimula na nga sila ay nawala na ang kaba ko nang makita ko na nangunguna na siya mula sa mga kalaban niya. He's good in swimming, eh. "Oh, my God!" naibulalas ko nang makita na panalo ang baby ko. Gusto ko pa ngang sumigaw na, 'that's my son!' pero baka pagtawanan lang ako ng mga manonood. Sa sobrang tuwa ko ay napatakbo ako sa kanya. Kaaahon pa lamang niya ay agad ko siyang sinalubong. Kahit basang-basa pa siya ng tubig ay binalewala ko iyon. Masyado akong naging masaya para sa kanya. Para sa pagkapanalo niya. "Mom, may laban pa kami later in the afternoon. Hindi pa ito ang final," natatawang sabi niya pero yumakap naman siya sa akin pabalik. "I'm just happy, son... I'm so proud of you, baby," sabi ko at hinalikan ang noo niya. Iginiya niya ulit ako sa may upuan nang humarang sa amin ang team nila. "You got it all, Ryx!" "Congrats!" "Ikaw talaga ang nagdala sa team natin!" Natawa ako nang pati sila ay yumakap din, basang-basa rin naman sila. Maliban sa dalawang magpinsan pero yumakap din naman sila. "Thanks. I'm inspired with my Mom," sabi niya sa mga ito at hindi siya nahiya na tawagin talaga akong Mom in public. Mukhang masasanay na rin naman ang mga kaibigan niya sa ganoong tawag sa akin. Hay naku, kung alam lang nila. "Ryx!" sigaw ng coach nila at lumapit na naman sila sa amin. Kasama nito si Rykiel, na una akong tiningnan. Uneasy talaga ako kapag nasa malapit lang siya. "Coach Ryle," my son called his coach's name. "Congratulations, ikaw ang nagdala ng blue team natin!" Parang inulit lang nito ang sinabi ng estudyante niya kanina. "Coach, wala naman pong favoritism, oh!" reklamo ng mga kasamahan nila at hindi ko napigilan ang matawa rin. Napahinto lang ako sa pagtawa nang magsalubong na naman ang tingin namin ni Rykiel. Para hindi masyadong nakakailang ay nginitian ko na lamang siya. Napakurap-kurap pa siya pero mabilis na ibinaling ang tingin nito sa iba. Parang may kung ano na naman sa dibdib ko ang tumusok dito. Ni hindi man lang siya ngumiti sa akin pabalik. Eh, bakit tingin siya nang tingin sa amin? "Group picture tayo, guys! Sure win na ito sa finals!" Hindi sana ako sasama sa group picture nila pero mabilis na hinila ni Khai ang kamay ko kaya wala rin akong nagawa kundi ang ngumiti sa camera. Ayoko namang makita ang picture ko na nakasimangot or what. Alam kong ipa-publish into journal of magazine ang pagkapanalo nila, lalo na private school ito. May rich parents din ang nagpapaaral sa kanilang mga anak at mahigpit din talaga ang school na ito lalo na sa mga outsider. "Kayo namang tatlo," sabi ni Coach Ryle sa amin, sabay kuha ng DSLR. Pareho kaming nag-alanganan ng anak ko, dahil kasama talaga si Rykiel. Bakit kami pang tatlo? "Congratulations," kaswal na bati niya kay Khai. Nararamdaman ko ang pagkabato ng anak namin pero mabilis din naman siyang natauhan. "Thank you, Sir," pormal na sabi lang niya. "Sige na, picture na, Eryx." "P-Puwede naman na kayong dalawa na lamang," sabi ko pero umiling ang coach. "Maganda iyong tatlo kayo, eh..." "It's okay, Mom." Pumuwesto si Rykiel sa tabi ni Khai at parehong nasa gitna namin ito. Niyakap ko ang braso ng aking anak. "Nabasa ka na dahil sa akin, Mommy," mahinang bulong nito sa akin. "It's fine, baby." Pagkasabi ko no'n ay ang mukha na naman ni Rykiel ang nakita ko. "Eryx, bakit ang layo-layo mo sa kanila? Lumapit ka naman. Huwag mong hayaan na sila pa talaga ang lalapit sa `yo. Dapat ikaw rin, galaw-galaw. Sayang ang chance na ito, brother," sabi ni Coach Ryle na hindi ko alam kung bakit iba ang pagkakaintindi ko sa kanyang sinabi. Sobrang lalim na tila may kahulugan. O baka nag-o-overthink lang talaga ako. "Akbayan mo na lang si Ryx, Kuya Eryx! Oh, pareho kayo ng nickname! Sige na po!" kantiyaw ni Zules sa nakatatanda nitong kapatid. Akala ko ay hindi niya susundin ang suggestion ng kapatid niya pero halos umabot na sa akin ang kamay niya dahil sa pagkaakbay niya kay Alkhairo. "Ganyan nga! Okay, one two three..." Matamis na ngumiti ako sa camera. Ito ang first picture naming tatlo and somehow, I feel happy for my son. "Para kayong isang pamilya!" Umiling na lang ako dahil sa sinabi nila. "Si Kuya Eryx and Ryx naman! Picture kayong dalawa," ani Zules. Ang huli ay silang dalawa naman. Ngayon, malaya ang mga mata ko at malinaw na nakikita ng mga ito kung gaano kalaki ang pagkakahawig nilang mag-ama. Same facial expression at parang lahat na lang yata ay magkatulad sila. "Para kayong magkapatid!" Mag-ama... *** "Wala na akong extra shirt, Mom. Hindi naman po iyon kasya sa `yo," ani ni Khai at napakamot pa siya sa batok niya. Nakapagpalit na siya ng damit niya at ako ay basa pa rin siya. Wala akong extract na pampalapit kasi hindi ko naman inaasahan na mababasa ako. Dahil kung alam ko na matutuwa pala ako ng sobra-sobra dahil nanalo siya ay nagdala na rin sana ako ng extra, `no? "We have an extra here. Don't worry hindi pa ito naisusuot. Dalawa talaga itong pinagawa namin for Eryx pero hindi naman niya sinuot ang isa," sabi ni Coach Ryle at ibinigay kay Khai ang shirt na same lang din ito sa blue shirt na pinatahi pa ni Khai. "Thanks, Coach. Here, Mom." "Baka dahil lang sa judge siya. Aba bawal talaga siyang magsuot ng shirt nating blue team dahil judge itong si Kuya Eryx," anu Zue. Sinang-ayunan naman ng lahat. Sinamahan pa niya ako sa women's comfort room para palitan ang shirt ko. Hindi naman masyadong nabasa iyong pants ko kaya ayos pa siya. Hindi ko na ibinalik sa pagka-tuck in ito at basta na lamang din akong lumabas. "Tapos na po?" Tumango ako at ngumiti. Binantayan niya talaga ang pintuan. Since lunch time na ay kailangan na rin naming kumain para makapaghanda ulit si Khai. Nakita ko sa may side ang mga bodyguard na may dala na silang paperbag para din sa lunch nila pero hindi pa sila kumakain. Kakain lang siya kapag makikita na rin nila kami na kumakain na rin. "Ate J! Ryx, sabay na kayong kumain sa amin!" masayang pag-aya sa amin ni Zules sabah akbay sa kaibigan, kay Khai. "Let's go, Ryx. Ate J, okay lang po ba sa inyo?" tanong naman ni Zue. Kasama na naman nila ang mga Kuya nila na mukhang naghihintay rin sa isasagot ko. Nasa likuran naman nila ang iilan nilang mga kasamahan. "My Mom cooked for our lunch. We have baon here," marahan na sambit ni Khai. Hindi talaga siya nahiya na may dala siyang baon. Na para pa rin siyang bata na nilulutuan pa ng sarili niyang ina. "Walang problema iyon, Ryx. Tara na," sabi ng coach niya. Lumingon sa akin si Khai. "It's fine," sabi ko sa kanya. Baka ng dahil sa akin ay nag-aalangan din siyang sumama kami sa team niya. "Ate J! Bagay na bagay po sa inyo ng shirt ni Kuya Eryx!" out of nowhere na sabi ni Zules. Napamaang naman ako. "What?" gulat na tanong ko sa kanya. "May Barjo kasi ang naka-print sa bandang likuran ng t-shirt," sagot sa akin ni Zue. "Barjo," bigkas ni Coach Ryle sa surname nila at tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Feeling ko nga rin Kuya Ryle ay isa na rin sa pamilya natin si Ate J," sabi pa ni Zules at nakipag-apir pa sa pinsan nitong si Zue. "I'm second demotion!" Zules shouted with his hand hanging in the air. "Kung single lang din si Eryx, ayos sana. Bagay naman silang dalawa. Hindi halata na malaki ang agwat nila sa isa't isa," sabi pa ni Coach Ryle. Nag-init ang magkabilang pisngi ko pero hindi na lamang ako umimik pa. Tanging pagngiti na lamang ang ginawa ko. Dahil ano naman ang sasabihin ko sa kanila? Nahihiya nga ako sa mga presensiya nila. At May alam ba kayong Coach na ito na mas matanda ako ng ilang taon kaysa sa kapatid niya? "But on second thought. We can have our lunch together with my Mom. Hindi po magandang tingnan na magkasama tayo with one of the judge. They thought we know each other, when the fact is we're not. Maliban po sa inyo," seryosong sabi ni Khai dahilan natahimik ang team niya at si Coach Ryle ay umawang pa ang labi dahil sa gulat. "I want my good reputation before I will finish my sixth grade here. Thank you for the invitation, Coach Ryle. Maybe next time, we can spend our time together with...Sir Rykiel," he added at tumingin pa siya sa paligid namin. He's right, my son is right. Nakukuha na namin ang buo nilang atensyon, lalo na iyong mga parents ng estudyante na kasama sa swimming competition. "That's...yes, absolutely right. But, Ryx. Hindi na magiging judge mamaya si Eryx. Kaya ayos na iyon," sabi ni Coach Ryle. Umiling ang anak ko. "I would love to have lunch with you, guys. But I will decline your invitation for now," magalang na wika pa niya. Sa huli ay kaming dalawa lang ang kumain ni Khai. Natutuwa pa ako sa kanya dahil naisip niya ang bagay na iyon, maski ako ay hindi rin pumasok sa isip ko iyon. I'm so proud of my son. He rejected their invitation in a good way. Iyong hindi naman madi-disappoint sa kanya ang team niya or iyong coach niya mismo. Si Rykiel nga ay wala rin siyang nasabi pero nakikita ko sa kanya ang pagkamangha? Or nagkakamali lamang ako sa pagkabasa ko ng emosyon niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD