Chapter 13: Mistake & Riddle
"HOW come naisip mo iyon, son?" I asked him, while we were eating our lunch na.
Nasa isang room kami na hinanda ng principal nila dahil free naman pala ang lunch and snacks for them. Pero una talaga kinain ni Khai ang mga luto ko para sa amin, ni hindi niya ginalaw ang pagkain na naka-serve sa amin. He's being favoritism too. Nasa kabilang table naman sina Coach Ryle at kasama ang mga kapatid nito. Sila iyong pinakamaingay na kumakain dahil sa dalawang kaibigan ni Khai na sobrang hyper.
Paminsan-minsan ay nagtatagpo ang mga mata namin ng isa sa kanila kaya nginingitian ko na lamang sila. Hindi naman sana sumama ang loob nila, 'no? Kasi tumanggi si Khai sa offer nila na mag-lunch with them, but in a good way rejection naman ang ginawa ng baby ko.
"Hmm, wala lang po, Mom. Naisip ko lang po iyon. Kaya hindi niya po sinuot ang shirt para sa team namin. Dahil baka isipin nila na sa amin siya sa sumusuporta kaya kami nanalo," sabi niya at inisang subo lang ang kanin sa kutsara. Napangiti ako nang makita na may iilan na kanin pa sa gilid ng labi niya.
Naalala ko tuloy noong bata pa siya. Ako ang nagsusubo sa kanya at madungis talaga siya kumain noon. Tapos hindi talaga siya makapaghintay. Ituturo niya agad ang bibig niya, kahit kasusubo ko pa lamang sa kanya.
"Katulad ka pa rin ng dati, madungis kumain. Na-miss ko noong bata ka pa, Khai," natatawang sabi ko at pinunasan ko ang bibig niya. Natawa lang din siya sa akin.
"Ako pa rin naman ito, Mommy... Baby mo pa rin ako," wika niya. Pinisil ko ang pisngi niya.
"Saka, magaling ka kanina, 'no. Kitang-kita namin ang husay mo sa paglalangoy. Alam ko na kung saan ka nagmana," sabi ko na ikinangiti niya lang.
***
After a few minutes ay natapos na rin kami at nagpaalam naman ako sa kanya na magbabanyo lang. Sasamahan pa sana niya ako nang pinigilan ko na siya.
"Lapitan mo muna ang mga kaibigan mo, Khai. Sandali lamang ako sa CR," sabi ko sa kanya.
"Okay po." Patakbong nilapitan niya ang mga ito at ako naman ay dumiretso na sa comfort room. Nakikita ko rin sa paligid sina Fred. Tahimik lamang silang nagmamasid sa amin at pati sa paligid na rin.
Nasalubong ko na naman si Rykiel sa may hallway. Mukhang magbabanyo rin siya at may dala pang paperbag. Ang akala ko ay hindi na niya ako mapapansin pa dahil sa laki ba naman ang bawat paghakbang niya pero mabilis na humarang siya sa harapan ko. Napaatras ako sa gulat.
Ano na naman ba ito?
"W-Why?" nauutal kong sagot sa kanya at pinatigas ko ang ekspresyon ng mukha ko.
Nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng pants niya at hayan na naman ang mga titig niya sa akin.
"Ganoon ba kayong magkapatid? You're too sweet to your brother," bigla ay nasabi niya. Hindi ko alam na nag-o-obserba na pala siya sa amin. Alam ko naman na tahimik niya kaming pinagmamasdan pero bakit iyon agad ang naisip niya?
Ang pagiging sweet ko sa aking anak? Saka ako naman sa kanya?
"I'm just like that when it comes to Khai," seryosong sabi ko. Walang masama sa ginawa ko. Ganoon talaga ako sa anak ko.
"And I can't see anything, but a carrying mother," he said, my heart beat is pounding hard. May nalalaman na yata siya...
"What are... you talking about?" kunwaring tanong ko sa kanya.
"Your brother, kung ituring ka niya ay parang hindi rin na isang kapatid..."
"Na your first impression is pumapatol ako sa bata. Naisip mo pa nga na I'm a sugar mommy. Seriously?" sabi ko at umigting ang panga niya. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya dahil napakablangko no'n. Ang hirap basahin, sobra.
"Because you're too different from other. I can see it na hindi lang kapatid kung ituring mo si Khai," sabi niya na kaagad akong nag-react.
"It's Zairyx Alkhairo. You can call him, Zairyx or Alkhairo. Don't call him, Khai," usal ko.
"And why is that? It's his name too. I can call him Khai as long as I want." Napasinghap ako dahil do'n.
"Seriously? Bakit natin pinag-uusapan ang mga bagay na ito?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"Because I'm curious... I want to know you more, and the kid, Khai..."
"Alkhairo..."
"That's what I want to call him. Khai." I almost rolled my eyes.
"Ako lang ang tumatawag sa kanya no'n and you're not allowed, Rykiel!" sabi ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya.
"I won't mind kung sa first name basis mo rin akong tatawagin," he said at iniwan ako na laglag ang panga sa floor.
Seriously?! Bakit kami nag-uusap ngayon? At bakit namin pinag-aawayan ang pangalan ni Khai? At bakit naman Khai ang itatawag niya sa aking anak?! Ano naman ang pumasok sa kokote ng lalaking iyon? Puwede namang Alkhairo or Zairyx, ah? Puwede naman na Ryx lang katulad ng tinatawag ng mga kapatid niya!
Sa halip na magbabanyo ay bumalik na lamang ako sa loob kasi baka harangan na naman ako ng Rykiel na iyon at kung ano-ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Tungkol na naman sa relasyon namin ng kanyang anak. Grr.
"Are you done, Mom? Ang bilis naman po," salubong sa akin ni Khai. I just smiled at him.
"May ikukuwento ako sa `yo later, baby," sabi ko sa kanya. Ikukuwento ko lang naman sa kanya ang pinag-awayan namin ng daddy niya. Maliit na bagay lang naman iyon pero hindi ko alam kung bakit iyon din ang naging topic namin kanina. Tsk.
For the second time around, the blue team is the winner at naging all in all champion. Sina Zue and Zules ay nagpakitang gilas din sa finals.
My smiled widened when I saw him with his medal on his neck at nakipag-picture pa siya sa mga team niya. My little boy...
"I feel like... I'm a proud father..." Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang boses n'ya at ang hininga niya ay tumatama sa pisngi ko. Bahagya akong dumistansya sa kanya dahil tumabi talaga siya sa akin. Sa dami ng matatabihan niya ay ako pa?
"You mean to say, a brother and cousin... Nandoon sina Zue and Zules. That's normal to feel, you know," I told him.
"Yes and more than that... Just look at your brother's face... He's happy, my heart melted and--" hindi niya natapos ang sasabihin niya sana nang may tumawag sa kanya.
"Mr. Barjo."
"Yes?" baling niya rito. Nginitian ko ang babae dahil sa akin na naman siya nakatitig.
"Hi, you must be Mr. Barjo's fiancée," sabi nito ng nakangiti.
"Pardon?" naguguluhan na tanong ko. Pinagkamalan pa akong fiancé ni Rykiel at mayroon naman palang mga tao na hindi ako nakikilala. That's good.
"I'm the principal's assistant at may event po ang school natin para sa pagkapanalo ng bawat team. Invited po ang lahat ng parents, at kasama na po kayo, Mr. Barjo, you're one of the judge," paliwanag nito agad.
"Thanks," tipid na sabi lang ni Rykiel at ibinigay ng babae ang dalawang invitation card.
"See you tonight, Mr. Barjo, and your soon to be wife..." sabi pa niya.
Nakaalis na ang babae at parang hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya kanina. Ha, your soon to be wife? Baka kako sabihin niya na ex-wife.
And wait a minute, bakit hindi man lang sumabat ang isang ito at sabihin dito na hindi naman ako ang fiancée niya? At bakit suot-suot na niya ngayon ang shirt niya? Akala ko ba ay ayaw niyang suotin iyan? Dahil na rin sa naisip ni Khai kanina. Nagbago ba ang isip niya?
"What was that?" I asked him. Hindi siya sumagot at ibinigay sa akin ang invitation card.
Ayokong maging rude sa harapan niya pero nagawa kong tapikin ang kamay niya. Hindi naman siya nagulat sa ginawa ko.
"I will come for my Khai, hindi dahil pinagkamalan ako ng assistant ng principal na ako ang fiancée mo at dahil doon ay invited ako," masungit na sabi ko. May multo na sa labi niya na ikinagulat ko pa.
Humakbang siya palapit sa akin kaya mabilis akong umatras. Nagririgudon na naman ang puso ko sa kaba. Dahil na naman sa presensiya niya.
"What are you doing?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
Humakbang pa siya kaya umatras din ako hanggang sa may sumulpot sa gitna namin at humarang dito si Khai.
"What are you doing? What are you gonna do to my Mom?" seryosong tanong ni Khai sa daddy niya. Pareho kaming napahinto dahil sa lamig ng boses ng anak namin. Oh, gee... Anak namin.
"What's with Mom? Bakit Mommy ang tawag mo sa ate mo?" curious na tanong ni Rykiel sa bata.
"Because she's my Mom," kaswal na sagot lang ni Khai kaya mas naguguluhan na ang daddy niya. "You're so curious about us, Sir Barjo."
"Don't call me that," mahinang suway nito at naging malamlam ang tingin niya rito.
"What I gonna call you then?" tila nanghahamon pa na tanong ni Khai. Hinawakan ko na siya sa braso niya para sana hilahin na ng magsalita ulit siya. "You don't want me to call you, Sir Barjo? Then, it will be alright if I call you Dad, instead of Sir?"
"Khai..." I uttered his name.
Ngayon malinaw na malinaw ko nang nababasa ang emosyon niya. Sobrang naguguluhan na siya pero bakit kumikislap ang eyes niya? At kung titingnan siya ay para siyang hihimatayin or something.
"Just kidding. I call you na lang na Kuya Rykiel," bawi agad ni Khai at mariin na nakatiklop na lamang ang bibig nito.
Bumaba ang tingin nito sa kamay namin nang hawakan ako ni Khai sa siko ko. Kumurap-kurap pa siya at bumalik din ang tingin niya sa amin.
"It's fine to be curious, too. You know, mas marami po kayong malalaman about us kung ipagpapatuloy niyo`yan. Don't believe with the internet, kahit sa ibang tao, believe me. I'm telling the truth. You can ask me anything too," Khai said.
"Okay, one question for now," Rykiel muttered. Nanlaki pa ang mga mata ko.
"What is it?" namamanghang tanong pa ni Khai.
"Did you know who was your sister's husband?" he asked.
"Seriously?!" gulat na sambit ko.
"I will accept the word 'was' but mas better kung ex-husband na lang po," Khai commented.
"Just answer it," parang nauubusan na sabat nito pero sa mababang tono pa rin.
"Why did you asked me about you, Daddy Rykiel?" magulong tanong pa ni Khai.
"What?"
"Zairyx Alkhairo," seryosong tawag ko sa pangalan ng anak ko at naramdaman ko ang pagkabato niya, dahil sa pagtawag ko sa buong pangalan niya.
"Sorry, Mom, and Kuya Rykiel. It's for you to find out. Continue your curiosity, digging more information and you will know... Just look at my Mom's beautiful face."
"Khai!"
"We have to go. See you tonight," mabilis na sambit niya at hinila na ako palayo roon. Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon ni Rykiel dahil alam kong nagugulo na ang isip niya ngayon.
Kung ano-ano na naman kasi ang pinagsasabi ni Khai sa lalaking iyon. Hindi naman ako galit sa kanya pero ang sa akin lang.
Huwag na niyang ipilit pa ang tao kung sadyang kinalimutan na nga ako, kami...
***
"Galit ka po ba sa akin, Mommy?" parang batang tanong niya sa akin. Kahit bata naman na siya.
Naging tahimik na kasi kami sa biyahe habang pauwi na sa condo namin. Hindi ko na siya kinausap pa kanina dahil sa lalim na naman ng iniisip ko.
Hanggang sa nakauwi kami ay walang kaming kibuan. Ni hindi ko rin siya sinulyapan kaya hayan, nagtatanong siya sa akin kung galit ba ako sa kanya o hindi.
"Mommy?"
"I'm not galit, son," sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin sa side niya. Hindi naman ako mabilis na magalit sa kanya at never ko naman talaga siyang pinagalitan.
"Galit ka po sa akin, eh. Hindi ka nakatingin sa akin. Iniiwasan mo ako, Mommy," sabi pa niya at hinarap ko na siya. Para siyang maiiyak na ano.
Matamis na nginitian ko siya at lumiwanag ang bukas ng mukha niya. Lumapit ako sa kanya at ikinulong ng dalawang palad ko ang magkabilang pisngi niya.
"I'm not galit nga, baby. Hinding-hindi magagalit si Mommy sa `yo..."
"Pero bakit hindi niyo po ako pinapansin. Mula pa kanina, Mom?" tanong niya at bagsak pa rin ang balikat. Tinapik ko nang marahan ang pisngi niya.
"Naguguluhan din ako sa lahat ng nangyayari sa Daddy mo ng hindi natin alam. Kaya naging tahimik ako kanina. Napapaisip din ako kung ano ang nangyayari sa Daddy Rykiel mo. Kung bakit hindi niya ako naaalala? O ang makilala lang sana?" sabi ko at gumuhit ang kirot sa aking dibdib.
"I will find a way to know that, Mom. Don't worry..." he said and hugged me. "You know that I'm always here by your side, Mommy..."
"Thank you, baby... Maghanda ka na rin para sa party mamaya," sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Opo. Tatawagan ko lang si Daddy. Tumatawag siya, eh." Tinanguan ko na lamang siya saka ako pumanhik sa loob ng kuwarto ko.
Tatawagan ko rin si Sabel para sa susuotin naming mag-ina mamaya sa party. Hindi ko naman tatanggihan ang invitation ng babaeng iyon pero pinagkamalan niya talaga akong fiancé ni Rykiel. At ni hindi man lang tinatama ng isang iyon.
Puwede naman niyang sabihin na hindi ako ang future wife niya, ha. Pero hindi man lang nag-effort or sadyang tamad lang talaga siyang magsalita kanina? Anh makipag-usap din sa ibang tao?
Hinubad ko ang suot kong shirt at tumagal ang titig ko sa pangalan nito sa likod.
Barjo... Naging Barjo rin naman ako noon... Saglit na saglit lang.