PROLOGUE - CARLO'S POV

672 Words
"Tapatin mo nga ako, Carlo." Tumulo ang mga luha ni Joyce. "Minahal mo ba ako?!" galit na tanong nito sa akin. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Joyce, minahal kita. Mahal na mahal kita." Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Ang mali ko lang ay hindi ko ipinagtapat sa 'yong ipinagkasundo na ako ng aking mga magulang, bago pa lamang kitang nakilala," pagtatapat ko. "Pero, niloko mo pa rin ako, Carlo!" galit niyang sigaw habang umiiyak. "Joyce, hindi ko sinasadya. Nadala lamang ako," pagtatapat ko. Si Kristel ang nakiusap sa akin na mag-s*x kami bago niya ako palayain upang mapakasalan ko na si Joyce. Kaya hindi ako makapaniwala na malalaman ni Joyce na nakipag-one night stand ako kay Kristel at hindi ko pa sukat akalain na siya mismo ang nagsabi nito kay Joyce. Nagulat ako nang tanggalin ni Joyce ang singsing na ibinigay ko sa kanya noong nag-propose ako sa kanya. "Joyce, ano’ng ibig sabihin nito?" tanong ko sakanyakanya nang inabot niya sa akin angsingsing. Pinahid niya ang kanyang mga luha. "Sa tinagal ng naging relasyon natin, hindi ko sukat akalain na may nagmamay-ari na pala sa 'yo," walang buhay niyang pahayag. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Joyce, ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong iwan, Joyce," pagmamakaawa ko sa kanya. "Carlo, bitawan mo ako!" galit na sigaw niya sa akin. "Joyce, please give me another chance," sabi ko habang umiiyak. Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya, at isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. "Para 'yan sa mga pangloloko mo sa akin!" galit na sigaw ni Joyce sa akin. "Joyce, saktan mo na ako, hangga’t gusto mo. Huwag mo lang akong iwan, please," pagmamakaawa ko. Itinulak ako ni Joyce. "Tapos na tayo, Carlo!" walang buhay niyang sabi sa akin na punong-puno ng galit sa dibdib saka tinalikuran ako. Halos iuntog ko ang ulo ko sa pader dahil hindi ko matanggap na iniwan ako ni Joyce. Nagdesisyon akong habulin siya. "Joyce, huwag mo akong iwan," sigaw ko habang hinahabol ko siya. Nang maabutan ko siya'y agad ko itong niyakap. "Ano ba?! Carlo, bitawan mo ako!" galit na sigaw niya habang nagpupumiglas. "Joyce, nakikiusap ako sa 'yo. Pag-usapan natin ito," muling pagmamakaawa ko at lumuhod ako sa harapan niya. "Kahit lumuhod ka pa nang ilang beses sa harapan ko! Hindi mo maaalis sa puso ko, ang sugat na binigay mo sa akin, Carlo!" Nagpahid siya ng kanyang mga luha. "Carlo, labis kitang minahal. Wala akong itinira para sa sarili ko! Dahil itinuring kitang buhay ko! Pero niloko mo lang ako!" bulyaw niya sa akin. Kumirot ang puso ko. "Joyce, inaamin ko naging gago ako. Dahil hindi ako seryoso sa ating relasyon noong una. Pero minahal kita nang higit sa buhay ko.” "Carlo, kung minahal mo ako, hindi mo ililihim sa akin ang tungkol kay Kristel," untag niya habang umiiyak. "I'm sorry, Joyce," tanging nasabi ko. Hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sarili ko. "Carlo, please! Pabayaan mo na ako. Tapos na tayo," walang buhay niyang sabi sa akin at tuluyan na niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong iniwan na ako ng babaeng mahal ko. Lumipas ang isang buwan nang puntahan ako ni Kristel, kasama ang mga magulang niya. "Carlo, kailangan mong pakasalan ang aking anak," seryosong sabi ng ama ni Kristel. "Tito, I'm sorry. Hindi ko po kayang pakasalan ang anak n'yo," walang buhay kong tugon. Si Joyce lang ang mahal at siya lang ang tanging babaeng pakakasalan ko. "Ano?! Pagkatapos mong galawin at buntisin ang anak ko?! 'Yan lang ang sasabihin mo!" galit na sigaw ng ama ni Kristel sa akin. "Anak, kailangan mong panagutan si Kristel," makapangyarihang sabi ng ama ko. "Dad, magalit na kayong lahat sa akin, hindi ko papakasalan si Kristel. At hindi kayo nakakasiguro kung ako nga ang ama ng batang ipinagbubuntis niya," sabi ko at pagkatapos ay tinalikuran ko na silang lahat saka umalis ng mansyon. "Hahanapin kita, Joyce," bulong ko sa aking sarili habang nagmamaneho ng SUV.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD