CHAPTER 1 - CARLO'S POV

1104 Words
YEAR 1997, MONTH OF SEPTEMBER Hindi ako makapaniwala na sa mura kong edad ay ipinagkasundo agad ako ng aking mga magulang sa anak ng matalik nilang kaibigan. Walang iba kung 'di kay Kristel Montemayor. Maganda naman si Kristel, pero kahit bata pa ako ay wala akong maramdaman na paghanga sa kanya. Pumayag lang naman akong ipagkasundo kay Kristel dahil wala akong choice at sa oras na tumutol ako'y wala akong mamanahin pagdating ng panahon. "John Carlo, ipangako mo sa akin na hindi ka titingin sa ibang babae," sabi sa akin ni Kristel na kasalukuyang inihahatid namin dito sa Airport. "Kristel, marami pang puwedeng mangyari. Isa pa...mga bata pa tayo," mabilis kong tugon. Ang mga magulang ko lang ang may gusto kay Kristel para sa akin at hindi rin nila sinabi sa akin na ipagkakasundo nila ako rito. "John Carlo, naipagkasundo na tayong dalawa," tugon ni Krystel sa akin sa malungkot niyang boses. Ngumiti ako nang pilit at tumango, "Sige, pangako," walang buhay kong tugon, pagkatapos ay niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi nagtagal ay nakapasok na sa airport ang pamilya ni Kristel at pagkatapos ay umalis na rin kami. Tahimik naming binabaybay ang kahabaan ng SLEX, pauwi ng Quezon. Sa bayan ng Tayabas kami nakatira. Ang pamilya ko ang isa sa pinakamayamang pamilya sa aming bayan, at may pinakamalawak na lupain sa buong Quezon. Mayroon din kaming ancestral house sa bayan ng Tiaong. Naisipan kong makinig sa aking discman. Habang nakikinig ako ng music ay nagsalita ang aking ama. Dahil hindi ko siya naririnig ay kinalabit niya ako. Tinanggal ko ang aking headset. "Yes, Dad?" tanong ko. "Anak, gusto ko lamang ipaalala sa 'yo, na— hindi porke't wala dito si Kristel ay magagawa mo na ang manligaw sa iba," seryosong wika niya. Tumango na lamang ako bilang tugon, dahil ayaw ko nang humaba pa ang usapan naming mag-ama. ANDITO ako ngayon sa Alexander Montesorri International School, na mas kilala bilang AMIS, at kasama ko ang aking mga kaibigan na sina, Nathan, Alex, Charles at Rigor. Habang naglalakad kami sa pathway papuntang canteen nakita namin ang grupo nina Francis na may binabastos na kababaihan. Nagkatinginan kaming lima at nagdesisyon na lapitan ang grupo nina Francis. Nang malapit na kami sa kanila ay narinig ko ang sabi ng isang babae. "Francis, puwede ba? Padaanin mo na kami? Male-late na kasi kami." "Huwag, Anjo," ani ng isa pang babae. Hindi na ako nagdalawang-isip na magsalita. "Mga pare, babae lang ba talaga ang kaya n'yo?" seryosong tanong ko. Ngumiti si Jake na parang aso. "Ano ba’ng pakialam mo?!" inis at mayabang na tugon niya sa akin. Nagsalita si Charles. "May pakialam kami. Kasi...hindi tama ang ginagawa n'yo," diretsong sagot ng aking kaibigan. "Wow! Akala mo kung sinong matino? Samantalang kaliwa't kanan ang mga pinaglalaruang babae!" galit na saad ni Anjo. "Pare, kasalanan ba ng kaibigan ko? Kung naging habulin siya ng babae," singit ni Rigor. Hindi pa rin nagpatalo ang grupo nina Francis. Biglang nagsalita si Vincent. "Anong gusto mong palabasin? Mga bastos kami? Masama bang magpakilala sa kanila?" maangas niyang tugon. Ngumisi si Alex. "Mga p're, isa sa pinakabawal dito sa AMIS ang mambastos ng babae. Kaya kung ako sa inyo, tigilan n'yo na sila," utos ni Alex. Nagtagis ang panga ni Francis at galit na nagsalita. "Huwag nga kayong pakialam! Gagawin ko kung anong gusto ko!" Si Francis Buencamino ay kilalang pinsan ng kaibigan kong si Nathan. Ngunit ang ama ni Francis ay ampon lamang ng mga lolo at lola ng aking kaibigan. Nagdilim ang paningin ni Nathan. "P'wede ba, Francis, itigil mo na ang pambabastos ninyo...sa mga babae. Huwag mong sirain ang magandang reputasyon ng isang Buencamino!" makapangyarihang sabi niya. Ngumisi si Francis. "Ikaw na ang matino!" Sabay talikod niya. "Mga pare, tara na, nasira na ang araw ko." Sabay aya niya sa kanyang mga kaibigan. Mabilis na sumunod kay Francis ang kanyang mga kaibigan, at naiwan naman ang mga babae na halatang takot na takot. "Huwag na kayong matakot. Hindi na kayo babastusin ng mga gagong 'yon," sabi ko. Ngumiti ang mga ito. "Salamat, sa inyo. Ang babait n'yo talaga. Sige pupunta na kami sa classroom namin," sabi ng isang babae. "Sige, pumasok na kayo," mabilis kong tugon sa kanila at mabilis nilang sinunod. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang canteen. "Pareng Nathan, kung hindi ka pa nagsalita malamang hindi umalis ang mga gagong 'yon," pahayag ni Rigor. "Oo nga, p're, malaki rin ang takot sa 'yo," segunda ko sa sinabi ni Rigor. Ngumiti si Nathan. "Hindi siya takot sa akin. Alam lang niya na kapag nakarating ito sa daddy ko. Mapuputol ang luho niya," katwiran ni Nathan.Tumango na lamang kaming lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Nathan. Nang malapit na kami sa canteen ay aksidenteng may nakabungguan akong first year student na babae. Napaupo siya dahil sa lakas nang pagkabangga ko sa kanya. "Miss, sorry, hindi ko sinasadya," sabi ko at tinulungan ko siyang makatayo. "Sa— salamat," nauutal na wika niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang hilahin ng kanyang kaibigan. "Halika na, mahuhuli na tayo sa klase natin," sabi ng isang babae na parang lalaki kung kumilos. Naiwan akong tulala dahil labis akong nagandahan sa babae. "Hoy! matuklaw ka ng ahas diyan," biro sa akin ni Rigor. "Trip mo, 'no?" paniniguro ni Charles sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Oo, p're, ang ganda niya. Para siyang anghel na bumaba mula sa langit," masayang wika ko. Nagsalita si Nathan. "P're, palagi ko siyang nakikita. Classmate siya ni Lorraine." Sabay akbay sa akin. "Ang mabuti pa, mag-meryenda muna tayo. Para may energy tayo mamaya pagpa-practice." Napailing si Alex. "Tinamaan ka talaga, p're? Paano na si Kristel?" seryosong tanong niya sa akin. Bigla kong naisip si Kristel at ang mga huling sinabi niya sa akin, bago siya umalis ng Pilipinas. Nangako ako kay Kristel na hindi ako titingin sa iba, pero ngayo'y nakalimutan ko agad siya. Huminga muna ako nang malalim. "Mga p're, siguro naman hindi masama na mag-enjoy muna ako. Besides, pinag-aaralan ko pa rin siyang mahalin," mabilis kong tugon. "P're, what if mahulog ka nang husto diyan sa isa? Anong gagawin mo?" tanong ni Rigor. Ngumiti ako. "Hindi ko pa nga kakilala 'yong tao mahuhulog agad ang tanong mo," sabi ko, habang napapailing. Umakbay sa akin si Charles. "P're, sundin mo na lamang kung anong gusto mo. Kaysamagpatali ka sa isang babae na magulang mo ang pumili para sa 'yo. Enjoy your teenage life, p're," masayang wika niya. Tumango na lamang ako at nag-isip. Tama ang kaibigan kong si Charles, pero kapag hindi ko sinunod ang mga magulang ko, tiyak ko na sa kangkungan ako pupulutin kapag sinuway ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD