CHAPTER 2 - JOYCE'S POV

1213 Words
Halos manigas ako nang mabunggo ako ng isang lalaki. Sa lakas ng pagkakabunggo niya sa akin ay napaupo ako. Ngunit hindi ko magawang magalit nang makita ko si John Carlo Cabana, na siyang nakabunggo sa akin. Isa si Carlo, sa mga tinitilian ng mga kababaihan dito sa AMIS. Dahil sa kaguwapuhan niyang taglay at sa galing niya sa paglalaro ng basketball. Isa siya sa sikat na varsity players dito sa AMIS at kaibigan niya sina Rigor, Alex, Charles at si Nathan na pinakatitilian ng lahat. "Miss, sorry, hindi ko sinasadya," sabi niya at tinulungan akong makatayo. "Sa— salamat," nauutal kong sabi habang nakatitig sa kanya. Nakangiti sa akin si Carlo at magsasalita pa sana siya, nang hilahin ako ni Clarice. "Halika na, mahuhuli na tayo sa klase natin." Wala na akong nagawa kung 'di ang lumakad palayo mula kay Carlo. Nang makarating na kami sa classroom namin ay nagsalita ako. "Kainis ka naman, sis! Magpapakilala na sana sa akin si Carlo. Bigla mo naman akong hinila!" reklamo ko. Ngumiti nang pilit si Clarice bago magsalita."Bakit hindi kita hihilahin? Late na tayo sa klase natin. Gusto mo bang mapatawag na naman si Tita Joanna dahil sa pagiging late mo?" Nagkibit-balikat na lamang ako bilang pagtahimik. Sa aming apat na magkakaibigan, si Clarice ang pinaka-bestfriend ko. Siya rin ang nakakaalam kung bakit ako palaging nale-late sa aming subject. Alam niyang malimit kong abangan ang grupo nina Carlo. Nang sumapit ako ng highschool ay nakilala ko sina Laya, Clarice at Abby. Sa aming apat malimit kaming mapagkamalan na magkapatid ni Abby dahil may pagkakahawig kaming dalawa. Si Abby ay ang nag-iisang anak ni Mayor Enrico Castillo na lubos na kinaiinisan ng aking ina. "Alam mo, Joyce, kung may special award ang pagiging late. For sure ikaw ang makakakuha noon," biro sa akin ni Laya nang makaupo ako sa aking upuan. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil alam kong aasarin lamang niya ako. Sa aming apat na magkakaibigan si Laya ang pinakamadaldal at mahilig mang-asar sa akin. Habang si Abby naman ang pinakatahimik at pinakamasipag mag-aral. Kumuha ako ng aking notebook at mabilis na kinopya ang nakasulat sa blackboard. "Joyce, mamaya nga pala mag-audition tayo sa cheering squad," bulong sa akin ni Laya. Naalala kong bigla si Carlo, dahil mas malimit ko siyang makikita sa oras maging cheering squad ako. Ngumiti ako kay Laya. "Sige, audition tayo," pagsang-ayon ko. Tumango si Laya sa akin pagkatapos ay kinalabit ang isa naming kaibigan. "Abby, payag na si Joyce mag-audition tayo mamaya para sa cheering squad," bulong niya kay Abby. "Talaga? Eh, si Clarice, pumayag na rin ba?" tanong ni Abby. "Oo, papayag din 'yon. Wala na siyang magagawa mamaya," mabilis na tugon ni Laya na tinawanan ko. Tumingin sa akin si Laya at pasimpleng pinalo ako. "Ikaw? Anong tinatawa-tawa mo diyan?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Eh, kasi— sinigurado mo agad na sasali rin sa audition si Clarice. What if, ayaw niya? Anong gagawin mo?" maarte kong tanong. Sa aming apat ako ang pinaka-maarte sa lahat. Ang sabi nga nila ang layo ng ugali ko sa tatlo kong kaibigan. Ngunit sa aming apat, ako rin ang pinakapalaban. Handa kong ipagtanggol ang mga kaibigan ko sa lahat ng oras. "Basta sasali 'yan, akong bahala." Sabay tayo niya at lumapit sa bag ni Clarice at pasimpleng kinuha ang paborito nitong keychain at diary. Napailing na lamang ako nang dahil sa ginawa ni Laya. Alam na alam talaga niya ang kahinaan ng kaibigan namin. Dahil si Laya ang pinakapilya sa aming lahat, wala kaming ibang tinutukoy oras may mawala sa mga bag namin. Mahilig siyang magtago ng mga key chain namin sa bag o 'di kaya ay mga mamahaling sign pen namin. Sa amin lamang niya ginagawa ang bagay na ito dahil natutuwa siyang pagtripan kaming lahat. "Ikaw talaga, Laya, aasarin mo na naman 'yong isa," sita ko sa kanya ng ilagay niya sa kanyang bag ang kinuha niya sa bag ni Clarice. "Ibabalik ko rin naman sa kanya, ah! Basta sumama siya sa atin na mag-audition. Para lahat tayo ay maging isang cheering squad," paliwanag ni Laya sa akin. Tumango na lamang ako at hindi na kumontra pa. Lumipas ang ilang oras ay breaktime na namin. Naisipan naming tumambay sa bench malapit sa canteen. Habang masaya kaming nagmemeryenda nang biglang tumayo si Clarice na tila may hinahanap. Hindi siya mapakali kaiikot. Samantalang si Laya ay deadma lamang niya si Clarice. "Mga sis, nakita n'yo ba 'yung keychain ko? 'Yong galing pa sa kaibigan ko sa states," paiyak na tanong ni Clarice. Gusto ko nang sabihin ang totoo kay Clarice, ngunit ayaw kong magtampo sa akin si Laya kapag pinakialamanan ko ang diskarte niya. "Baka naman nasa bag mo," patay malisyang sagot ni Laya. Umupo si Claric at binuksan niya ang kanyang bag na lalong ikinataranta niya. "Mga sis, wala, eh! Pagkatapos 'yong diary ko nawawala rin," paiyak niyang saad. Habang paiyak na si Clarice sa paghahanap ay pasimple kong itinuro si Laya upang sabihin na nasa kaibigan namin ang hinahawak niya. Lumapit si Clarice kay Laya at nagsalita "Laya, ikaw ang kumuha noon 'di ba?" Umiling si Laya. "Clarice, huwag mo nga akong pagbibintangan na kinukuha ang gamit mo," pagtanggi ni Laya. "Laya, alam ko na sa 'yo ang keychain at diary ko. Kasi ikaw lang ang mahilig na magtago ng mga gamit namin," seryosong pahayag ni Clarice. Napatawa na si Laya nang dahil sa sinabi ni Clarice at pagkatapos ay ipinakita ang hinahanap ni Clarice. "Sabi na nga ba, eh! Pinagtitripan mo na naman ako," sabi ni Clarice. "Sis, ibabalik ko rin ito sa 'yo. Basta pumayag kang mag-audition sa cheering squad mamaya," pilyang sabi ni Laya. Napamulat ang mga mata ni Clarice nang dahil sa sinabi ng aming kaibigan. Hindi hilig ni Clarice ang magsuot ng maikling palda at ilantad ang kanyang hita sa harap ng maraming tao. "Laya, hilingin mo na sa akin ang lahat. Huwag lang maging isang member ng cheering squad," pagtutol ni Clarice sa kagusthan ni Laya. Umiling si Laya. "Basta, 'yon ang gusto ko. Para sama-sama tayong apat," diretsong pahayag ni Laya. Wala nang nagawa si Clarice kung 'di ang sumunod sa kagustuhan ni Laya, para mabawi niya ang kanyang paboritong keychain at diary. Hindi nagtagal ay oras na upang mag-audition kami sa cheering squad. Nakita rin namin ang classmate namin na si Lorraine Monteverde kasama ang mga kaibigan niya na kilalang mga maldita dito sa school. Walang iba kung 'di sina, Lavinia, Cathy, Yvette, Lexy, at Claire. Sa kanilang lahat si Lorraine ang mabait at nakakausap namin. Lumapit sa akin si Clarice. "Mag-o-audition din pala ang grupo ng mga ulupong," pabirong bulong ni Clarice sa akin. Tumawa ako nang maarte. "Hayaan mo na, for sure naman na hindi sila matatanggap," sabi ko. Hindi pa nagsisimula ang audition nang lumapit sa amin si Lorraine. "Abby, mabuti naman at mag-audition din kayo," masayang bati ni Lorraine kay Abby. Tumango si Abby at ngumiti. "Oo, gusto kasi ng mommy ko, maging isang cheering squad din ako. Katulad niya," pagtatapat ni Abby. "Eh, 'di mas masaya. Kasi mag-audition din ako. Ang sabi pa nila, pipili rin ngayon ng magiging cheer leader para sa first year," pahayag ni Lorraine. "Sana mapili ako. Pangarap kasi ni mommy na maging cheer leader ako," ani ni Abby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD