CHAPTER 12(This is it Saturday!!)

1656 Words
HAVEN'S POV: Two days after nakauwi na rin ako sa mansion. Huling pag uusap namin ay about sa date namin on Saturday. I don't want to feel pero na eexcite ako na kinakabahan. No one really ask me for a real date since  (@ Chen's mansion) I feel so hyper today kaya naisipan kong mag exercise. Luma na tong exercise vidoe na gina,,it ko pero gusto ko ito kaya I played this song and started to exercise sa loob ng kwarto ko. "Wooohoooo! I'm so excited and I just can't hide it" Pakanta kanta pa ko while exercising. "Mam Haven epekto po ba yan ng pagka kidnap sa'yo?" Hindi ko napansin na bukas pala yung pinto ng kwarto ko and napadaan si Kuya Tupe. "Tsk! Kainis nga Kuya Tupe" "Hehehe. Naninibago lang ako sa inyo Mam Haven. Maganda po yan sana tuloy tuloy na" Kahit ako naninibago sa sarili ko and I think may maganda naman palang maidudulot itong si Troy sa buhay ko kasi itong si Tristan hanggang ngayon wala pa din syang paramdam sa kin. "Sige. Mam. Push nyo po yan" I smiled back which I don't usually do sa kanila. After my 30 minutes workout ay pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Hi Mam, Good Morning po. Kain na tayo ng breakfast" Pag aalok ni Ate Yoli. "Tara! Kain na tayo" "Mam Haven, Mamaya na po kami. kayo  po muna"  "I insist. Sige na, minsan ko lang kayo makasabay kumain ih" Pilit ko sa kanila kaya nagtataka na naman sila bakit ako nakikihalubilo sa kanila which I don't do before. Dumating na rin si Yaya Luisa at nagulat din sya kung bakit ako kasabay kumain ni Ate Yoli. "Hi Yaya! Kain tayo" "Tapos na kong kumain. Kumain ka lang ng kumain at bawiin mo yung araw na wala ka dito" Sabi ni Yaya Luisa. "Anak,hindi kaya malapit na ang pag gunaw ng mundo o kaya naman nagbago ang panahon hindi na summer ngayon tag ulan na dahil sa climate change o hindi naman kaya naiba ang ihip ng hanging amihan hindi na northeast kundi south naman. Sarcastic na litanya ni Yaya Luisa na hindi pa din maka moved on sa mga kinikilos ko. "Yaya naman ih" "Masaya kami na masaya ka pero naninibago lang talaga na after ng k********g sa'yo ay parang masaya ka pa" "Madami lang po ako na realize like pwede pa lang yun na yung last ko. So, bakit pa ko magtatago if YOLO di ba. SO, spread happiness na lang" "Pero kilala kita Haven iba yang ngiting yan"  Napa seryoso naman ako agad at baka sabihin ni Yaya na may tinatago ako sa kanya. "Si Tristan ba ang dahilan ng kasiyahan mo?"  "Hindi po" Malakas na pagtanggi ko pero hindi maniwala si Yaya Luisa kaya sinabi ko na ang totoo. "Inlove nga yan Ate Luisa. Ganyang ganyan ako sa bf ko.As in inlababo, napana ni kupido ang puso ni mam, Valentines feeler sya ngayon tapos hart-hart eyes ang peg. Ganun yan" Singit ni Ate Yoli habang nagliligpit ng pinagkainan namin. Tumawa lang ako sa kanila. "Okay lang naman yan pero mag iingat ka huh baka nalilimutan mo" Pagpapa alala naman ni Yaya Luisa sa akin. "Don't worry hindi naman siguro. Sya po yung nagligtas sa kin sa mga kidnapper kaya I owe him a lot. Kaya in return, makikipag date po ako sa kanya. Saturday na ba?" Sumagot naman sila ng pag-iling ng "hindi pa" then bumalik na ko sa kwarto ko.  Ang akala ko tapos na ang usapan sa lovelife ko pero may kasunod pa. As in, literal na kasunod. Sinundan lang naman ako ni Yaya Luisa para mag usisa pa. "Kilala mo na ba ng husto yang lalaking yan? Katulad ni Tristan? Alam mo ba ang family background nya? Saka kilala mo na ba ang angkan nya? Hwag ka masyado magtiwala okay? Mahirap na. "Getting there. Don't worry pupunta sya dito mamaya para mameet nyo rin sya. Malaki na ko alam ko na ang tama sa mali at alam ko naman yung boundaries ko sa kanila and don't worry aalamin ko din yung family nya. Darating tayo sa point na yun" I smiled to her and tap his shoulder making sure that Yaya Luisa can trust me with this.  "Pupunta agad dito? Mag iingat ka huh" "Yaya, Please! Alam ko naman yun. I'll take care of myself saka I trust him but not fully okay? Ipaubaya ma na ito sa kin. Grabe! First talaga ito para sa kin kaya ayoko naman ma-ruin yung first date ko" "Nag-aalala lang ako sa'yo baka ma-kidnap ka ulit" Sagot nya sa kin with her pouty lips and puppy eyes suggesting that she is really worried about me. "Alam ko naman na hindi nyo ko pababayaan if mangyari ulit yun di ba"  "Lokong bata ito" Hwag mo ngang ipagdasal yun" I hugged her so tight to say thank you for everything. --------------------------------------------------------------------------- TRISTAN'S POV:  (@Mendoza's Residence) I woke up ng may bandage sa ulo at nakasemento ang legs then swero at mga gamot. Bumangon ako, hinila ang binti pababa ng kama ko then hinugot ko yung swero ko tinanggal sa pakakatusok. When I reach the floor nahulog ako, walang pakiramdam ang mga binti ko then I used my hands to crawl papunta sa pintuan pero they caught me. Pumasok yung 2 nurse with wheel chair. "Halaa! Sir, anong nangyari sa inyo?" They grab me at inupo sa wheel chair. Kinabit ulit yung swero pero pumilag ako. Maya maya pa ay dumating na rin si Mama, Kuya Prince at Ate Cath may dala dala silang maleta. "Discharge na ba ko Ma?" Excited kong pagtatanong kay Mama. Tumango sya then hinawakan nya ko sa pisngi then kiniss sa forehead. "Tara na Tristan!" Pag aaya ni Kuya Prince. Papalabas na kami ng hospital pero si Mama at Ate Cath kumakaway lang then I noticed na hawak ni Kuya Prince yung passport ko with visa kaya nagtaka ko. "Teka lang Kuya! Saan tayo papunta?" "Hindi ba nasabi ni Mama sa'yo?" "Ang alin?" Pagtataka kong tanong sa kanya then lumapit si Mama sa amin dahil nakita nyang nagtataka na ko. "Ma, Ano to?" hinablot ko yung passport ko at hinarap kay Mama.  "Anak, this is for your own good. Dadalhin ka namin sa Hawaii for a fresh start at kailangan mong magpa physical therapy and doon alam kong may mga kilala tayong magagaling ng therapist" Paluha na ko pero pinigilan ko lang. "Teka nga! Bakit ganun Mama, nag decide na agad kayo para sa'kin?" I really did show my dissapointment. "Hindi nyo man lang muna ako tinanong kung gusto ko to? tapos ganun ganun na lang itatapon nyo ko sa Hawaii?" "This is all for you. I love you anak and I want the best for you" After I saw my mom na parang nagmamaka awa na sumunod na lang ako ay tumahimik na lang ako at nag request bago umalis ayoko din naman nasasaktan si mama ko. "I wl do this for you Mom pero bago sana ko umalis may isa lang akong hihilingin" "Ano yun Bro?" "Gusto kong magpa alam ng pormal kay Haven at mag-sorry personally at hindi ako ang nakasagip sa kanya" "Sige. Walang problema dun basta mabilis lang na pag uusap at baka ma late tayo sa flight mo" "Hindi mo ko sa samahan sa Hawaii?" "As much as I wanted to. May mga responsibilidad pa ko as ama, asawa at sa F.O.L." "Sige na lumakad na kayo at baka ma-late si Tristan sa flight at  naiiyak na ko ngayon pa lang" I hugged them and bid goodbye for the meantime. My mom did a flying kiss to me then I smiled to my mother. I will surely miss them and it is my first time na napapa hiwalay sa kanila. Habang na biyahe kami sobrang excited akong makita sya at the same time malulungkot kasi nagkaka hiwalay na naman kami but hopeful ako ng mahihintay nya ko after ko maka-recover.  -------------------------------------------------------------------------------- (@Chen's mansion) HAVEN'S POV:   Narinig ko ng may nag doorbell nag ayos na ko ng sarili at ready na kong humarap kay Troy.   "Kuya, pa bukas po ng gate nandyan na yung bisita ko" "Sige po mam" As Kuya Tupe enter our house at kasunod na nga nya si Troy. Shoot!!! Napapa kanta yata ko ng "YUMMY! by: Justin Bieber. Pero kidding inside erase mo yun huh. Humarap na ko at pinaupo sya. "Are you happy to see me?" Bungad ni Troy sa kin. "Oo naman akala ko drawing ka" "Syempre hindi, nag-promise ako di ba." Then inabot nya sa kin yung bouquet of flowers. "Salamat naman dito" Hindi maalis ang ngiti sa pisgi ko then I hugged him.  --------------------------------------------------------- TRISTAN'S POV: Nang makarating kami sa bahay nila Haven excited naman akong sumilip silip sa looban nila. "Kuya,excited na kong makita si Haven" Nananabik na kong makita sya then nag doorbell na nga si Kuya medyo matagal din kaming napagbuksan then humarap sa min yung isa nilang kasambahay. Laki ng pagkaka ngiti ni ate sa min. "Hi!! My name is Yoli" "Miss, nagmamadali kasi kami nandyan ba si Haven?" "Sino po ba kayo mga pogi?" "Kaibigan po kami ni Haven. Nandyan po ba sya?" "Wala sya ih kaka alis lang may kasama ng gwapo g lalaki din pero nandito naman ako" Sabay pa kita ng legs sa amin. "Ganun ba? Sige alis na kami" Tumalikod na ko ng may panghihinayang. "Ate, Sino po kasama nya?" Pag uusisa pa ni Kuya Prince. "Hindi ko na tanong ang pangalan pero gwapo din sya, matangkad yung pang basketball ang tangkad, mabango, yayamanin, saka ang gwapo tapos matangkad tapos..." Kinausap ko si Kuya: "Hindi kaya si Troy yun?" Kibit balikat lang ang sagot nya then nagpaalam na kami kay ate na pa ulit ulit na. Inaya ko si Kuya na sundan namin sila Haven "Pero bro, Hindi natin alam kung saan sila nagpunta saka kailangan na nating pumunta sa airport baka maiwan ka ng eroplano" "Hays. Ayokong isipin nya na iniwan ko sya" "Nandito naman ako. Ako magpapaliwanag sa kanya at sigurado naman ako na makikinig yun at mabait si Haven" "Kung sa bagay saka pwede naman kami mag videocall na lang muna" "Oo naman! Tama yun" "Sige na Kuya. Tara na! Gusto ko kapag nagkita kami ulit ay magaling na ko ng tuluyan" Papunta na kami sa airport at ng paglingon ko para kong binangungot ng makita ko ang taong ayokong makita. Ano kayang nangyari?? Abangan readers!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD