PROLOGUE
PARA.
Sa totoo lang nababaduyan ako sa mga taong masyadong naka focus sa pag hahanap nang makakasama nila habang buhay.
Sa panahon ngayon mas u-unahin mo na lang matupad ang mga pangarap mo kesa mag hanap nang makakasama sa pag tanda.
Ang pag ibig kusang darating yan. Wag hanapin para hindi laging sakit nang damdamin ang nararanasan.
Ganyan ang konsepto ko pag dating sa pag ibig. Pero nang makilala ko ang isang babae.
Madami syang binago sa akin mula sa pananaw ko pag dating sa pag ibig at pati na din sa buhay.
Sadyang mapag laro ang tadhana at tunay ngang totoo ang pag ibig pag hindi mo ito hinanap dahil kusa kayo nitong pag tatagpuin.
Sa maka bagong henerasyon ang teknolohiya ang isang paraan para makipag communicate ka sa ibang tao. Malayo man o malapit.
Isa rin itong paraan para maka kilala ka nang bagong mga kaibigan o kaya pag ibig .
Hindi ko akalain sa pag lipas nang panahon pag tatagpuin ulit kame nang tadhana gamit ang bagong teknolohiya.
Sadyang nakakabilib at napaka bilis nang pangyayare.
Paglipas nang 9 na taon nakausap ko ulit sya. Sa pag tingin ko nang kanyang litrato lalo syang gumanda.
Lalo tuloy ako na bighani sa kanya.
Sa mga mata nya
Sa labi nya
At sa pagka tao na meron sya.
Kaya lang hindi na tulad nang dati . Marami nang nag bago. Marami nang nangyare.
Pero handa pa din ako na maglandas ulit kame. Dahil isa sya sa mga taong minahal ko nang lubos.
Si PARA.