CHARI Nandito na ako ngayon sa building nang EJM bago ako bumaba nang kotse ang nagpakawala muna ako ang isang malalim na pag hinga. Hinahanda ko lang ang sarili ko sa posibleng paghaharap na naman namin ni Elijah. Pag pasok ko sa entrance ay agad akong binati ni manong guard. "Good morning po Ma'am, parang ang gnda niyo po today." puri niya sa akin. "Kuya wala pa po akong sweldo hindi ko po kayo malilibre." nakangiti ko ring biro sa kanya. "Ikaw naman Ma'am nag sasabi lang po ako nang totoo." nakangiti pa ring sabi niya. Nagbibiruan pa kami ni kuya guard nang bigla na lang may nagsalita sa likuran ko. "You're fired!" malakas na sigaw niya sa guwardiya na ikinagulat ko. Nakita kong nagmamakaawa si kuyang guard sa kanya na huwag siyang tanggalin pero ang lalaking ito ay nagmamatigas.

