KABANATA 1
CHARI
Mag aalas singko na nang hapon at nagmamadali nang lumabas si Chari sa kanilang classroom.
"Cha, san ka na naman pupunta at tila nagmamadali ka naman?" tanong sa kanya ni Wena.
"Wag muna itanong dahil alam mo naman kung saan ako pupunta, kung gusto mo samahan mo na lang ako para makakita ka din nang gwapo kagaya nang lalaking hinahangaan ko doon sa pang mayamang University." masayang sigaw ni chari.
"Naku chari sinasabi ko sayo, isusumbong na talaga kita kay tita Lourdes. Napaka kiri mo imbes na doon ka sa palengke dumiretso para samahan si tita sa pagtitinda ay yang lalaking yan ang inaatupag mo." sigaw sa kanya ni Wena.
"Inggit ka lang, pwede ba Wena kung gusto mong mag sumbong sa mama ko e di gow, hindi kita pipigilan basta wag mo din akong papakialaman sa gusto ko." naiinis na sabi ni Chari sa kanyang kaibigan na pinsan niya.
Tatlo silang magkakaibigan na magpipinsan si Rachel, Wena at Chari sa kanilang tatlo si Chari ang pinaka may katigasan nang ulo. Hindi nakikinig kahit na anong sermon nang kanyang mama na huwag niyang ituon ang atensyon sa lalaking hinahangaan niya bagkus ituon niya ito sa kanyang pag aaral. Araw araw siyang naka abang sa labas nang University na pinapasukan nang gwapong lalaking hinahangaan niya. Kahit hindi niya pa ito kilala ay masaya siyang nakikita ito kahit sa malayo lang. Ang alam niya ay anak ito nang isa sa mayayamang pamilya dito sa lugar nila. Madami ding mga babae ang naririnig niya na may gusto sa binata.
Hindi niya na pinansin si Wena at patakbo na siyang lumabas nang paaralang pinapasukan niya, dahil medyo late na siya ay lakd takbo na ang kanyang ginawa makarating lang nang University na pinapasukan nang binata. Agad siyang nag kubli sa may puno sa di kalayuan at matyagang hinintay ang paglabas nang binata. Nakarinig siya nang malakas na tilian nang mga kababaihan kay agad siyang pumuwesto malapit sa kalsada para masilayan niya nang husto ang muka nang binatang hinahangaan niya. May nakita siyang papalabas na kotseng kulay itim sa gate kaya hindi na niya ikinurap ang kanyang mga mata. Sinigurado niyang dilat siya pag dadaan ito sa harap niya para makita niya ang gwapong gwapo nitong muka.
Hindi niya namamalayan na nasa likod niya na pala ang pinsan niya at bigla siya nitong ginulat nang eksaktong dadaan na sa harap niya ang kotseng sinasakyan nang binata.
"Hoy Chari!" pang gugulat sa kanya ni Rachel. Dahil sa ginawa nang kanyang pinsan aynabaling dito ang kanyang atensyon, ang lumingon sya para tignan kung dumaan na ang kotseng inaabangan niya ay nakita niya itong nakalampas na sa kanya. Inis na inis siyang humarap sa pinsan niya na tawa naman nang tawa.
"Grrrrrrrrrrrr.......... Nakakainis ka talaga Rachel, nakakasora ka bakit ba ang hilig mong mang gulat alam mong may inaabangan ako dito. Tignan mo nga nakalampas na siya, hindi ko na tuloy nakita ang gwapo niyang muka. Ano masaya kana? Happy! Happy!" inis na sabi niya kay Rachel.
"Tigilan muna kasi yang kahibangan mo, kahit pa abangan mo yang maghapon dito tingin mo ba papansinin ka niya. Hoy! Chari gising mukang binabangungot kana. Hindi sa kagaya mo magkakagusto ang lalaking yon, alalahanin mo anak siya nang isa sa mayamang pamilya dito sa lugar natin baka nga kahit mabungo ka niya ay hindi ka niyan makilala kinabuksan." mahabang lintanya ni Rachel sa kanyang pinsan.
"Kontrabida ka teh! Sinabi ko ba na magkakagusto siya sa akin, bakit ba napaka epal niyo ni Wena? Hindi na lang kayo maging masaya sa akin F.Y.I ipapaalala ko lang sayo just incase nakakalimutan niyong dalawa ni Wena pinsan niyo ako hindi kaaway kaya sana isupport niyo ako." inis kong sabi kay Rachel kasabay nang pagtalikod ko sa kanya at naglakad na ako palayo sa lugar na iyon.
Tinatahak ko ngayon ang daan papunta sa palengke hapon na kaya tutulungan ko si nanay na magsara nang pwesto naming gulayan. Tuwing hapon ay pinapapunta ako ni nanay sa palengke para tulungan siyang magtinda at magsara nang pwesto saka kami sabay na uuwi sa bahay. Habang si tatay naman ay maghapong namamasada nang jeep namin at pagka garahe niya sa hapon ay sya na din ang nagluluto nang aming hapunan. Solong anak lang ako nang aking mga magulang kaya kahit papaano ay nasusunod ko lahat nang gusto ko at spoiled din ako sa kanila. Minsan nga lang ay napapasobrahan na ako kaya iniisip nila na matigas ang ulo ko. Hanggat kaya ko naman ay pilit kong sinusunod ang gusto nang mga magulang ko. Ayaw ko ding magalit sila sa akin dahil mahal na mahal ko silang dalawa.
Mga bandang alas sais na nang gabi nang magsara kami ni nanay, naglalakad kami pauwi sa aming bahay nang hindi ko napapansin na may paparating na palang kotse bigla itong bumusina na nang malakas na siya ko naman ikinagulat. Tumigil ang kotse sa harap ko at binaba nitoang bintana.
"Miss sa susunod kung gusto mo magpakamatay pwede ba wag ka mandamay ng inosente, pag naglalakad ka sa kalsada wag kang tatanga tanga. Idadamay mo pa ako pag nasagasaan kita!" sigaw na sabi nang binatang driver nang kotse.
Ako naman ay natulala na dahil sa napaka gwapo niyang mukha, napansin ni nanay ang naging reaksyon ko kaya bigla niya akong siniko.
"Hoy Chari! Para ka nang nakakita nang multo sinigawan kana nakangiti kapa riyan, manong bilisan muna na nga sa paglalakad nang makauwi na tayo sa bahay kanina na pa tayo hinihintay nang iyong ama." sita sa akin ni nanay.
"Nayyyyyyyyy........ Nakita mo ba yun ang gwapo db, nay kinikilig ako. Siya yung lalaking crush ko ung nag aaral sa university na malapit lang sa school ko." kinikilig kong sabi kay nanay. Hindi ko napag handaan ang sunod na ginawa ni nanay. Piningot niya ang tainga ko kaya medyo nasaktan ako.
"Ikaw na bata ka napaka kiri mo, kesa yan ang inaatupag mo pwede bang yang pag aaral mo muna ang unahin mo. Hindi kita pinagbabawalan na magkaroon nang crush pero ilagay mo naman sa lugar Chari anak." sermon tuloy sa akin ni nanay.
"Nay, hindi ko naman po pinapabayaan ang pag aaral ko saka crush lang naman po, pangako ko po sa inyo pag iigihan ko ang pag aaral ko at bibigyan ko kayo nang mataas na grades para naman hindi kayo nag aalala sa akin. Saka hindi pa naman po ako mag aasawa, kung maka react naman kayo parang ikakasal na ako eh crush pa nga lang." natatawa ko nang biro sa aking ina.
"Mabuti na ang malinaw ang usapan natin anak, alam mo naman na nag iisa kang anak namin nang tatay mo kaya gusto lang namin na mapabuti ka. Tanging yang pag aaral mo lang ang kaya namin maibigay sayo, pag nakapagtapos ka aba'y ikaw din ang makikinabang niyan balang araw kaya lagi mo sanang papakinggan ang mga payo namin sayo nang Tatay mo anak." madamdaming ani pa ni nanay.
Mataas din naman ang pangarap ko sa buhay gusto ko ding makapagtapos nang pag aaral para mabigyan nang maginhawang buhay sina nanay at tatay. Alam ko naman kung ano ang prayoridad ko study first before others yan ang motto ko. Pero syempre laging may excemption to the rule......