CHARI
Araw nang sabado kaya medyo late na akong nagising wala na dito sa bahay si nanay dahil maaga pa ay napunta na siya nang palengke para magbukas nang pwesto namin. Ako naman ay maglalaba nang mga damit namin tuwing walang pasok ako ang nakatoka sa paglalaba, at kapag hapon naman ay pumupunta ako sa palengke para tulungan si nanay.
"Cha......... Charimel,..............." narinig kong may tumatawag sa sakin mula sa labas nang bahay. Iniwan ko ang labahin ko para puntahan kung sino man ung taong tumatawag sa akin. Pagbukas ko nang pinto ang dalawa ko palang pinsan na sina Wena at Rachel ang nasa labas.
"Oh, anong kailangan niyo? Ang aga niyo yatang puntahan ako alam niyo naman na pag sabado nag lalaba ako." seryosong sabi ko sa kanila.
"Ay wena ayaw marinig ang kwento natin, tara na nga." sabi ni Rachel kay Wena.
"Uy, teka lang naman ang arte mo Rachel. Ano ba kasi yung sasabihin niyo sa akin at talagang sinadya niyo pa ako dito sa bahay?" tanong ko ulit.
"Naku Cha hawakan mo yang etnap mo." natatawang sabi ni Wena. "Kikiligin ka talaga dito sa sasabihin namin sayo, heto na hawakan mo na yan at baka biglang malaglag." Tawang tawa pa rin na sabi ni Wena sa akin.
"Jusko ka Wena sabihin muna pinatatagal mo pa, ang sarap mo ding sampigahin." inis kong sabi sa pinsan ko.
"Kasi nga alam na namin ang pangalan nang crush mo dumaan kami kanina sa Liwasang Mainam at nakita namin siya doon na nag jojogging. Dahil tsismosa kami di naki jogging din kami ni Rachel para maka lapit sa kanya. Narinig namin na Elijah Martinez pala ang pangalan niya, siya siguro ang anak nila Mr and Mrs. Martinez na galing nang America. Di ba usap usapan yan dito noon na may binatang anak ang mga Martinez na ubod nang Gwapo." nanlalaki ang mga mata ni Wena habang nag ki-kwento.
"Cha diba sila Mrs. Martinez ay kay Tita Lourdes nabili nang gulay, suki yon nang nanay mo isang beses na akong inutusan ni tita na mag deliver nang gulay sa mga Martinez." Ani rin naman ni Rachel.
Naalala ko na ang sinasabi nang pinsan ko, may mayamang Martinez nga na suki si Nanay hindi ko lang alam kung sila ang yon.
"Oh! eh! ano naman ngayon?" kunyaring ani ko sa kanila.
"Ay, ang taray ha, ikaw na nga ang inaalala namin parang nalabas pa na chismosa kami," sagot ni Rachel sa akin. Kaya naman lihim akong natatawa sa kanila pero deep inside kinikilig talaga ako."Tara na nga Wena pabayaan na natin yang si Chari akala ko pa naman matutuwa siya kapag nalaman niya na ang pangalan nang lalaking pinapangarap niya, nagkamali pala tayo hmmmmpppp......" mataray na sabi pang muli ni Rachel.
"Hoy! Ito naman di na mabiro joke lang ang totoo kinikilig ako atleast ngayon kilala ko na siya. Magpi prisinta ako kay nanay na ako na ang magdedeliver nang mga gulay sa mga Martines para naman makalapit ako sa kanya malay mo maging kaibigan ko siya, di ba noh!" kinikilig ko pang sabi.
"Tamo to ang arte arte pa kanina kikiligin din pala. Dahil jan ililibre mo kami ni Rachel. Aba napagod kaya kami kakasunod sa mga babaeng kinikilig sa Liwasang mainam. Mantakin mo naman kasi doon niya pa flinex ang muscle niya kaya ayun yung mga babae kinilig ang mga bilat." tawang tawang kwento ni Wena.
"Samahan niyo muna akong mag laba para mabilis akong matapos, ililibre ko kayo mamaya pag natapos ko na ang labahin ko. Hindi makakaalis pag hindi to tapos alam niyo naman na ako ang labandera tuwing sabado." sabi ko sa mga pinsan ko. "Pag maaga tayo natapos ililibre ko kayo nang milktea at kwek-kwek sa labasan." sabi ko sa kanila. Dali dali naman silang tumakbo sa likod bahay para tulungan akong maglaba. Basta talaga pagkain ang dalawa ito mabibilis. Sa aming tatlo ako ang laging nanlilibre sa kanila, ako daw kasi ang may pera dahil nag iisang anak lang ako nang magulang ko kaya kahit paano sunod lahat ang gusto ko.
Mabilis kaming natapos nang mga pinsan ko sa paglalaba at naghanda na ako para makaalis kami dahil malapit nang mag lunch plano ko na ilibre na lang sila sa isang sikat na fast food chain na malapit dito sa amin. Umakyat ako sa aking silid at naligo na habang ang mga pinsan ko ay iniwan ko naman sa baba na nanonood nang T.V. Nang matapos na ako ay inaya ko na din silang dalawa at masaya na kaming naglakad palabas nang kalsada.
"Cha, dadaan lang muna ako sa bahay para mag paalam din kay nanay baka kasi hanapin ako tanghali na di pa ako nauwi. SAbi ni wena. " ako din Cha dadaan muna sa bahay para hindi din nila ako hanapin," sagot din ni Rachel.
"Okay sige, magpaalam muna kayo tapos didiretso na tayo nang palaengke at ibibilihan ko din si nanay nang tanghalian niya." pag sang ayon ko sa kanila.
Nauna naming dinaanan ang bahay nila Wena nakita ko si Tita Naty na naghahannda na nang tanghalian nila. Inalok kaming kumain ni Tita pero tumanggi ang mga bruha kong pinsan. Mukang masarap pa naman ang lutong ulam ni Tita. Matapos ni Wena na magpaalam ay pumunta na kami sa bahay nila Rachel naabutan na namin na nagaglit ang nanay niya kaya hindi na kami tumuloy ni Weng si Rachel na lang ang pumasok at nagpaalam.Kahit hindi pinapayagan si Rachel ay tumakas ito para makasama sa amin, sanay na din kasi kmi sa nanay niya sa aming mag pipinsan ang nanay niya ang pinaka bungangera.
"Naku Rachel kapag nag sumbong na naman si tita na kasama ka namin ako na naman ang mapapagalitan ni nanay." sita ko sa kanya. "Pala sumbong pa naman ang nanay mo kaya lagi ako napapagalitan ni tatay." dagdag ko pang sabi sa kanya.
"Hayaan muna yon, maingay naman talaga si nanay di ko nga alam bat mainit na naman ang ulo kanina, mukang kulang na naman yata ang perang inintrega ni tatay kaya ayun talak to th highest level na naman ang nanay ko." sintimiento niya habang naglalakad kami papunta sa kakainan naming fast food chain.
Nakarating kami sa mcnonald at pumila agad ako tuwang tuwa si Wena at Rachel makakatikim na naman sila nang libre. Matyaga akong nakapila nang may biglang pumasok na grupo nang kalalakihan at pumila din kasunod ko. Napalingon ako sa likuran ko at hindi ko mapigilang kiligin dahil si Elijah Martinez lang naman ang nakita ko.
"s**t ang gwapo niya at ang bango." ani ko sa isip ko. Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa counter at kinukuha na ang order ko dahil nakatulala akong nakatitig sa lalaking nasa likuran ko.
"Hoy miss! Tulala ka na naman , ganun na ba ako kagwapo para hindi mo marinig ang sabi nang cashier sayo? Kung ayaw mo umorder umalis kana jan para makaorder na ako kanina ka pa tinatanong pero para kang wala sa sarili." dahil sa sinabi ni Elijah ay bumalik ang ulirat ko bakit ba naman kasi tuwing makikita ko siya ay nawawala ako sa sarili ko. Ganun ba talaga kalakas ang dating niya sa akin. Kahit hiyang hiya ako dahil sa mga sinabi niya ay binalewla ko na lang kasalanan ko naman kasi, pero para hindi naman ako mahalata nag sungit na lang ako kunyari.
"Maka hoy ka naman may pangalan ako, anong akala mo sa akin aso. Sa ganda kong to matutulala sayo, masyado ka naman yatang bilib sa sarili mo."mataray kong sabi sabay irap sa kanya. Nang maka order na ako ay umalis na ako sa pila pero nilingon ko pa siya. "By the way im Charimel Mediado, Chari for short pakitandaan para sa susunod pwede muna ako tawagin sa pangalan ko at hindi na hoy!" kunyaring inis kong sabi, kita ko sa muka niya na medyo nairita siya. May kasungitan nga talaga siya pero napaka gwapo pa rin niya kahit masungit sya........