"CHARI
Nagbibiruan kami nang mga kaklase ko dito sa room namin nang pumasok ang Adviser namin na si teacher Lita at nagbigay nang announcement tungkol sa gaganaping Inter school. Mag kakaroon daw nang try out para sa mga varsity player na lalaban sa Inter School at gaganapin daw ito Holy Trinity University kung saan nag aaral si Elijah. Dahil sa narinig ko hindi ko napigilan ang mapatili sa sobrang saya ko.
"Yes!" sigaw ko na ikinagulat nang adviser namin kaya sabay sabay na nagtawanan ang mga kamag aral ko.
"Mukang may isang dalaga na masaya at sa Holy Trinity gaganapin ang Inter School." pabiro pa na sabi ng aming adviser,
"May kinikilig cher," sigaw ni Wena kaya ang mga kaklase ko ay sabay sabay akong tinutukso.
Sumapit ang uwian dumiretso kami nila Wena at Rachel sa volleyball court para mag tryout, volleyball na ang sports ko simula pa elementary ako. Varsity player na ako at captain ball kahit hindi na ako mag try out ay ayos lang sana pero sumali parin ako sa tryout para maging fair sa lahat nang estudyante. After nang tryout ay sinabi na ni couch kung sino sino ang mga pasok sa varsity team. Unang tinawag ang pangalan ni Mariz ay babaeng pinaglihi sa sama ng loob dahil tuwing makikita ako ay akala mo laging sinasapian dahil wagas kung makairap sa sakin.
"Cha, sundutin mo kaya mata niyan ni Mariz ang sama na naman nang tingin sayo." bulong ni Rachel sa akin.
"Hayaan niyo na baka hindi lang sya love nang mama niya." bulong ko din sa kanila habang tumatawa ako pero di naman ganun kalakas.
Magkasunod naman tinawag nang couch namin ang pangalan ni Rachel at Wena, 1 slot na lang ang natitira at hindi na ako umaasa na mapapabilang ako. Iniisip ko na lang na baka mas may magaling pa sa akin mag laro although gusto ko sana maging varsity dahil sa Holy Trinity ang venue parang hindi para sa akin ang taon na ito.
"The last name I'm going to call will be our captain ball this season. Give it up for Charimel Mediado! Let's give her a round of applause." sigaw ni couch Rivas kaya napatalon din ako sa tuwa. Nagpalakpakan naman ang mga ka team ko at muka namang masaya sila dahil ako ang napiling captain ball.
Masaya kaming umalis sa Volley ball court nang mga pinsan ko, lagi kaming magkakasama dahil magkakaklase din kaming tatlo ang tawag nga nang iba sa amin ay "Tres Marias" kung nasan kasi ang isa tyak andun din ang dalawa. Sila na ang matatawag kong best friend bukod sa mga pinsan ko sila kasabay ko din silang lumaki. Kung baga magkakarugtong na talaga ang mga pusod namin, dahil wala akong kaptid sila na ang itinuring kong mga kapatid ko.
Hindi na muna ako ngayon dumaan sa Holy Trinity ayaw ko munang makita si Eliajah, kapag kasi na aalala ko ung nangyari sa amin sa fast food parang wala na akong mukang ihaharap sa kanya. Pero kahit iniiwasan ko na sya mukang pinag aadya talaga yata kami nang pagkakataon. Naglalakad ako papuntang palengke para tulungan si nanay sa pag sasara nang pwesto namin mag aalas sais na din kasi at mahihirapan siya pag siya lang mag isa. Abala ako sa mga nakikita ko sa daan nang biglang may rumaragang kotse na padating at sa kasamaang palad ay sa lubak na may tubig siya dumaan kaya naman ang lahat nang tubig ay tumilamsik sa akin. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakakilos, nilingon ko ang driver nang kotse dahil binaba niya ang kanyang side window at nakita ko ang muka nang walang hiyang Elijah na nakangisi pa.
"Sorry miss pahara hara ka kasi sa kalsada, ayan tuloy nabasa ka." nakangisi niyang sabi habang ang isang babae na katabi niya ay pinagtatawanan din ako.
"Sorry your face, ang kapal nang muka mong impakto ka alam kong sinadya mo yon, masaya kana ba sa ginawa at basang basa na ako!" sigaw ko habang pinipigilan ko ang aking luha na tumulo.
"Kawawa ka naman your so dirty na, your smell is so eewww." maarteng sabi naman nang babaeng katabi niya.
"Ah! So eww pala ha ito para sayo," sabay dampot ko na lata nang sardinas na nakita ko sa kalsada at isinalok ko sa tubig sabay hagis ko sa kanilang dalawa sa loob nang kotse nila. "Ayan pare pareho na tayong ewwwwww, ano masarap ba." sabi ko sa kanila at sinabayan ko pa nang malakas na pagtawa sabay takbo. Akala nila hindi ako gaganti, kapal ng fes nila, crush ko sya pero hindi ako papayag na apihin nila mag sama pa silang dalawa, kung sino man yung babaeng kasama niya."
Nakarating ako sa pwesto ni nanay na nanggigitata ang hitsura ko at medyo mabaho din ako dahil sa tubig na madumi na tumalsik sa akin. Bumubungad ako sa pwesto ni nanay at nakatingin na sya sa akin kahit medyo malayo pa ako ay kita ko na ang pagkunot nang noo niya.
"Chari saang kanal kaba lumoblob? Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ni nanay.
"Kasi po nay may isang mayabang na mayaman na akala mo may ari nang kalsada alam niya nang lubak at may tubig ung dadaanan niya hindi man lang nagmamabagal kaya ayun lahat nang tubig tumilamsik sa akin." pag mamaktol kong sumbong kay nanay.
"Aba loko din naman yung taong yun kung ganun, akala mo'y nabili niya na ang kalsada. Di baleng makaperwisyo nang kapwa, naku pasalamat siya at hindi mo ako kasama anka kung hindi at talagang hahambalusin ko ang patola yung lalaki na yon." naiinis din na sabi ni nanay.
"Hayaan niyo na po yun nay nakaganti naman po ako sa kanya, aba hindi yata ako magpapaapi sa mga mayayamang kagaya nila. Maski pa gwapo siya at crush ko sya." nadulas ang bibig kong sabi ko kay nanay.
"Oh sya, bukas ay may order sa aking gulay si Mrs. Martinez pwede bang ikaw na ang mag deliver sa bahay nila wala kasi si Vic na pwede kong utusan nilalagnat daw. Pwede bang ikaw na lang anak." sabi pang muli ni nanay. Dahil sa narinig ko ay na excite ako makakapasok na ako sa bahay nang mga Martinez at baka sakaing makita ko dun ang impaktong si Elijah. Kahit pangit ang ugali nang mokong na yon ewan ko ba kung bakit crush ko pa din siya.
Nang makauwi kami ni Nanay sa bahay ay dali dali akong umakyat sa aking kwarto at agad na naligo nang matapos na ako ay narinig kong tinatawag na ako ni nanay para maghapunan. Kinumusta ni tatay ang pag aaral ko, kaya sinabi ko sa kanya na nakapasok akong player nang volley ball. Masaya naman si tatay sa nalaman niya at pinayuhan niya pa ako na ipagpatuloy ko kung ano man ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Matapos namin kumain ay naghugas na ako nang pinagkain at nag imis nang kusina pagkatapos ay umakyat na ako sa aking kwarto at nahiga na sa aking kama.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa side table ko, nakita ko ang chat ni Wena sa GC naming tatlo.
Wena: nakita niyo ba ung post nung Pearl Arnaiz sa pesbuk?
Rachel: yun ba ung naka tag ang crush ni Cha?
Wena: oo yun nga sino kaya yung pinaparinggan niya, yung sinasabi niyang amoy kanal daw na babae na nag aaral sa Paraclet Academy.
Chari: saan yan mababasa, ang walang hiyang yon nakuha pa talaga mag post. Humanda talaga sa akin yang babaeng mukang linta na yan.
Rachel: oooppppppppppsssssssss........ Speaking of chari ayan na sya at tama nga kami nang hinala. Ikaw nga ang sinasabihan nung Pearl na yun na mabaho. Ano ba kasing nangyari?
Chari: bukas ko na ikukwento matulog na kayo. Mag iisip muna ako nang paraan paano ako makakaganti sa mukang linta na yon.
Ang lakas nang loob na mag post at sabihan akong amoy mabaho, excuse me kahit naman mahirap kami maganda naman ako at mukang fresh kung ikukumpara naman sa pagmumuka niyang mukang binudburan nang suka. Nakahiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog, inuukopa nang isip ko kung paano ako makakaganti sa babaeng yon. Hindi porket mayaman siya ay pwede niya na akong apihin, no way highway hindi ako makakapayag magsama pa sila nang Elijah na yon...........