CHARI Ngayon kami pupunta ni Wilson nang Cebu, handa na ang gamit ko 2days kami sa Cebu kaya excited ako dahil first time ko lang makakasakay nang eroplano. Papunta na kami ngayon ni Wilson sa Airport, naka jeans at jacket lang ako dahil maaga pa naman. Pag dating namin sa airport ay agad kaming bumaba ni Wilson dahil maaga pa ay hindi muna kami nag boarding naghahanap kami nang makakainan dahil hindi pa kami nang almusal. Madaming tao ngayon dito may mga pasaherong kadarating lang may nakita kaming isang booth kaya tumigil muna kami nang may isang lalaki na naka shades na biglang bumangga sa akin. Nahulog tuloy ang hawak ko kaya dinampot ko ito, agad naman nag sorry ang lalaki, titingalain ko sana dahil parang pamilyar sa akin ang boses nang bigla akong hatakin ni Wilson palayo kaya hi

