CHARI Kahit hilong hilo ako ay pinilit kong bumangon, hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong oras na. Tumayo ako para tignan ang paligid, para itong isang kwarto na puro kahoy na malalaki ang mga bintana at mga na pako kaya imposibleng makalabas dito. Lumapit ako sa pinto pinakiramdaman ko kung may tao. "May tao ba jan? Buksan nyo itong pinto! Palabasin nyo ako dito!" sigaw ko habang kinakalabog ko ang pinto para marinig nila ako sa labas. "Buksan nyo to! Ano bang kasalanan ko sa inyo?" umiiyak na ako habang sumisigaw. Inaalala ko si Wena hindi ko siya kasama dito sa kwarto nasaan na kaya ang pinsan ko. "Wena....wena...wena! Naririnig mo ba ako?" malakas kong tawag sa pangalan ng pinsan ko. Nakarinig ako nang yabag nang taong papalapit kaya sumiksik ako sa dulong bahagi nang kam

