THIRD PERSON CONTINUATION......... Mga bandang alas sais nang hapon ay naghanda na silang pumunta sa target location tumigil sila sa di kalayuan para hindi nila matunugan ng kalaban ang gagawin nilang pag sugod. Dahan dahan silang pumuwesto malapit sa bakod, maingat nila iniangat ang mga kasama nila para maisampa sa mataas na pader para makapasok sila sa loob. Nang makapasok ang isang pulis ay dahan dahan itong lumapit sa may gate para buksan ito. Dahil sa madilim ang paligid ay hindi sila napapansin ng isang lalaking bantay sa labas. Mabilis silang nagsi kilos ng mabuksan sang yerong gate, dahil sa langitngit ay nakalikha ito ng ingay na siyang dahilam para maalarma ang mga tao sa loob. Nagsimulang magpaputok ang mga tauhan ni Sally kaya walang nagawa ang mga awtoridad kundi ang makipa

