THIRD PERSON Alas kwatro pa lang ay bumangon na si Chari dahil masakit ang tiyan niya, hindi niya alam kung masusuka ba siya oh ano ang nararamdaman niya. Papasok siya sa banyo para sumuka, pero wala naman siyang sinusuka ka. Naiiyak na siya dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Ayaw niya naman gisingin si Eli dahil nahihiya siya sa kanyang fiance. Umupo na lang siya sa couch at doon tahimik na umiiyak. Naalimpungatan naman si Eli at kinapa niya sa tabi niya si Chari nagtaka siya noong hindi niya ito nakapa kaya bumangon siya sa kama at nag sindi nang ilaw. Nakita niya si Chari na tahimik na humihikbi sa may couch at nakabaluktot pa ang paa. Naawa si Eli sa hitsura ni Chari kaya nilapitan niya ito. "Babe, anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo? Dadalahin na ba kit

