CHARI Matapos namin mag usap ni Eli sa kanyang opsisina ay napagkasunduan naming magtulungan para alamin kung sino ang pumatay kay Tatay. Ngayong nagkaayos na kami ay maging mas madali sa akin na alamin ang totoo. Hindi ko pa din inaalis ang posobilidad na siya ang master mind pero bibigyan ko siya nang pagkakataong linisin ang pangalan niya. Abala ako dito sa aking opisina nang biglang pumasok si Wena at Rachel na mga ngiting ngiti. "Chari, narinig muna ba ang latest?" nakangiting sabi ni Rachel. "Kayong dala lubayan niyo ako, busy ako. Ano na naman yang latest na sinasabi ninyo." naka simangot na sabi ko sa kanila. "Naku.. Naku.. Naku... Tigilan mo kami Charimel. Kalat na kalat na dito sa depatment natin na nililigawan ka nang CEO. Ano kayo na ba ulit?" parang kinikilig na sabi ni

