CHARI Tanghali na akong nagising at masama pa ang pakiramdam ko, masakit ang buong katawan ko para akong nanghihina. Wala na si Eli sa tabi ko kaya naman kahit nangangatog ang mga tuhod ko at masakit ang kiffy ko ay pinilit kong bumangon at tumayo. Isa isa kong pinulot ang mga saplot kong nagkalat sa sahig. Ibinalot ko ang aking sarili nang kumot at naglakad papunta sa banyo. Hirap akong maglakad pero tiniis ko para makapaglinis na ako nang aking katawan at maalis ang malagkit na pakiramdam ko. Hindi ako nagtagal at lumabas din agad ako nang banyo kinuha ko ang bag na pinaglagyan ko nang damit at nagbihis ako, masama talaga ang nararamdaman ko at mainit ang singaw ang aking katawan para akong lalagnatin kaya muli akong nahiga at bumalik sa kama. Habang nangangatog ako ay narinig kong bum

