CHARI Sakay na kami nang sasakyan ni Wilson pabalik sa opisina, hindi mawala sa isip ko ang nalaman ko mula kay Mariz,. Sino kaya ang taong gusto akong mapahamak at nagawa pang takutin si Mariz para mapasunod sa gusto nila. Sino ang babaeng tinutukoy ni Mariz? At bakit niya ginawa iyon sa akin? Ano ba ang motibo niya? Mga katanungan na hindi ko man lang mabigyan nang kasagutan. Okupado pa din ang isip ko nang mga ipinagtapat sa akin ni Mariz hanggang sa makarating kami nang opisina. Bumaba ako sa sasakyan at agad na pumasok sa entrance, kung kanina ay masigla ako ngayon ay para na akong mauupos na kandila.inisang tabi ko muna ang isipin na yon at itinuon ko ang sarili ko sa pagtatrabaho hanggang sa sumapit na ang uwian. "Maam, uwian na po, hindi pa po ba kayo uuwi," tanong ni Lyn. "sig

