CHARI Dalawang lingo na din ang lumipas mula nang makalabas ako nang ospital, hindi ko masabi na magaling na ako. Basta ang alam ko lang ay araw - araw akong lumalaban sa kalungkutan. Hindi pala madaling labanan ang depression kahit sabhin kong ayos na ako may mga times pa din talaga na hindi ko kinakaya ang pakiramdam na para kang empty. Minsan matatagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak, pero dahil sa pag mamahal nang aking pamilya kahit paano nalalagpasan ko din ang lungkot. Hindi ako umalis dito sa Cavite gusto kong harapin ang problema ko. Muli akong k,inausap ni Nanay tungkol sa pag aaral ko, pumayanag na akong mag home school. Kinausap nila nanay ang principal namin, na, kung pwede akong mag home schooling noong una ay hindi sila pumayag mabuti na lang at naging kaklase pala

