ELIJAH Isang taon na din akong nag aaral dito sa America at malapit na din akong magtapos, sa ngayon ay naging maayos na ang buhay ko. Nakalimutan ko na ang babaeng nanloko sa akin at unti unting bumabalik na sa normal ang aking buhay. Nag focus na ako sa aking pag aaral at pagpapatakbo nang negosyo namin na narito sa America. Matapos ang ilang buwang pag sasama nain ni Cindy dito sa America ay hindi ko na kinaya ang kanyang ugali kaya tuluyan na akong nakipag hiwalay sa kanya. Ngayon ay mayroon na akong idinidate isa din siyang Filipina na dito din nag aaral sa U.S. Nag kakasundo naman kami sa lahat nang bagay kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan. Paminsan minsan ay naalala ko pa rin si Chari, madalas kong sabihin na nakalimutan ko na siya pero may pagkakataon pa rin na naalala ko

