CHARI Naging maayos na ang kalagayan ni Hopper, mabuti na lang at naagapan siya nang mga doctor. Ako naman ay unti unti na ding bumubuti ang lagay, sa tulong ni Eli ay mas mabilis akong naka recover. Palabas na kami ngayon ng ospital at didiretso daw kami sa bagong bahay namin sa Makati, hindi na talaga siya bago kasi matagal nang naipatayo yon ni Eli at doon na rin nakatira ang Daddy niya. Mas malaki at mas maluwag nga lang iyon, kasama naming lilipat sila Nanay at Marie. Maga damit lang naman namin ang dadalahin kaya konti lang ang bitbit namin sa paglipat. Dadaanan muna namin sila nanay sa Penthouse at sabay sabay kaming pupunta sa bagong bahay na lilipatan namin. "Anak, excited kana ba na makita ang bagong bahay ni daddy?" tanong ko kay Hopper. "Yes po mommy, ang sabi po ni Daddy

