Sumapit na ang araw ng pagbabalik ni Bea sa Thailand.
Maluha luha akong nagpapaalam sa pamilyang kumopkop sakin. Isa isa ko silang niyakap ng mahigpit.
Basta maam Bea mag ingat ka sa pag uwi mo. Welcome ka sa kung sakaling maisipan mong bumalik dito sa lugar na ito.
Opo Yaya Len maraming salamat sa inyo.
Tawagan mo ako pagkadating nyo sa Thailand ha.
Opo Yaya. Niyakap ko sya ulit pagkatapos noon tumalikod na ako at pumasok sa loob ng airport.
Kasabay kong pumasok si Luke sa eroplano. Hindi talaga sya nag paiwan.
Ito na at kinakabahan na ako habang papalag na ang eroplanong sinsakyan namin sa airport ng Thailand.
Mahipit nya ako niyakap at hinalikan sa labi.
Halos hindi na kami maghiwalay sa pagkakayakap.
Luke, tandaan mo lahat ng bilin ko sayo ha, ayaw kong masaktan ka. Sana tumupad ka sa usapan natin.
Tumango lang ito, at nakatitig sakin na malungkot ang mukha.
Wag kang mag alala makikita mo din naman ako di ba.
Yeah but hindi kita makalapitan, alam mo para ako g pinapatay ng paunti unti sa mangyayari satin na ganito. Nakikita kita pero bawal akong lumapit.
Naramdaman kong ang paglapat ng mga gulong ng eroplano sa run way ng airport kaya lalo humigpit ang magkahawak ni Luke sa kamay ko.
Ilang sandali pa at nagsitayoan na ang mga kasamahan naming sa loob ng eroplano. Ni isa samin ayaw tumayo. At hindi parin nagkakahiwalay ang mga kamay.
Halos maubos na ang mga pasahero sa loob ng eroplano. Pero parang walang balak itong si Luke na tumayo.
Luke tayo nalang ang naiwan dito baka gusto mo ng bitawan ang kamay ko at tumayo na.
Isang mahipit na yakap ang madiing halik ang ginawad nito sakin saka tumayo.
Alalahanin mo Luke hindi tayo magkakilala dito paglabas ng airport.
Okay, mauna na akong lumabas.
Sege segurado akong marami ang makakita sakin pagkalabas ko dito kaya. Kaya mag ingat ka.
Pagkabas ko ng eroplano agad ako sinalubong ng isa sa mga bodyguard ko.
Good morning maam welcome po.
Kaagad akong naglakad habang nasa likod ang mga ito. Palinga linga ako habng hinanap si Luke.
Nakatititig lang sya malayo habnag papalabas na din ng airport.
Agad naman kami sumakay sa kulay itin na na van. Pasalamat nalang ako at walang mga reporters at hindi natunogan ang pagdating ko.
Habang tumatakbo ang sasakyan. bumalik sa alaala ko ang panahong tumakas ako. Sumikip ang dibdib ko sa tuwing maalala ko ang nangyari noon. Napasandal ako sa upuan saka pinikit ang mga mata. Nirerelax ang sarili pero hindi papawi ang kaba sa aking dibdib. Takot ako sa daddy ko. Ayaw ko din magkaroon ng kaso dahil sa kontrata. Lahat na yata ng paghihirap ay nasa isip ko na. Halos isang oras bago kami nakarating ng bahay.
Bumukas ang malaking gate, ngunit tahimik ito sa loob. Parang wala ang mga magulang ko.
Bumaba agad ako ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob ng bahay.
Mommy! Mommy! Im here!
Ngunit walang sumasagot.
Yaya saan ang parents ko?
Iha kakaalis lang nila my emergecy sa branch nyo US kaya di kana nila hinintay.
Nakahinga ako ng maluwag. Rhanks God. Mas importante pa talaga sa kanila ang negosyo kesa akin.
Parang wala namang kakaibang nangyayari dito. Ilang buwan akong nawala pero pakiramdam ko ay hindi manlang naghanap si dad sakin?
Dali dali akong pumasok sa kwarto.
Ah!!! yaya bakit may natutulog dito sa room ko.
Napatakbo naman ang yaya paakyat ng hagdan dahil da lakas ng sigaw ko.
Nasaan ang tao iha. !!
Iyan po yaya bakit natutulog sya dito at sino yan?
Ah ito ba? sus! itong si Mommy ko ang may gawa nito. Para hindi mahalata ng daddy mo na wala ka dito.
Huh! hindi alam ni dad na ilang buwan akong wala yaya?
Oo maam kinausap kami lahat ni maam Victoria na wag sasabihin da dad mo.
Paano nangyari yon yaya eh pinatakas nga ako ni Mommy.
Naku wag mo ng isipin yon iha, ang portante nakapag enjoy ka. sabay ngiti pa nito sakin.
Alam mo lahat ng ito yaya?
Abay sempre naman ako ang nagplano ng lahat iha.
Huh! bakit hindi nyo sinabi sakin ang dami kong paghihirap. tapos lahat ng ito alam nyo pala. Buti hindi kayo na huli ni dad.
Naku! iha laging busy ang dad mo. Sa katunayan laging out of town sila ng mommy mo kaya hindi nya alam na wala ka dito.
Kaya ka nang mag isip pa ng kung ano ano ingatan mo na mahalata ng dad mo. Next month pa ang uwi ng mga un kaya pwede ka pang magrelax at mapaggala gala kung gugustohin mo.
Ang dalawang tita ko alam din ba nila. Oo naman kakutsaba din sila ng mommy mo iha.
Huh! paano nyo nagawang maglihim ng ganito katagal?
Secret iha, hehhee magagaling kami kaya hindi nalaman ni Sir.
Salamat yaya. buong akala ko ay pagbalik ko dito ikukulong na ako ng daddy.
Nawala lahat ng kaba at alalahanin ko sa pinagsasabi ni yaya.
Iha baka nagugutom kana pinagtulo kita ng paborito mo.
Talaga po yaya! Namiss ko na ang luto mo. tara kain po tayo.
Sabay na kamo bumaba ni yaya pinaghain nya ako ng paborito kong seafood pasta.
Kamusta naman si Len iha? mukhang iyang mo doon sa kanila ah medyo tumaba ka
Ayos naman po sila yaya masaya doon maraming pagkain. At masasarap ang mangga doon yaya. Ang malalaki at masarap ang alimango at sugpo pati na din ang sariwang isda. Alam mo ba yaya lagi akong pinaghihimay ni yaya kasi na awa sya sakin. hahhahaa hindi ako kasi marunong maghimay ng alimango.
Hahaha nakung bata ito. Natutu ka naman ba manghimay?
Hmmm hindi pa din hahhaa may naghihimay pa din sakin eh.
Pero parami na akong natutunan doon yaya marunong na ako maghugas ng plano, maglaba, at maligo gamit ang tabo., anglilinis na din ako ng room at nag aayos ng mga gamit ko.
Abay magaling pala magturo si Len.
Hindi po si yaya ang nagtuturo si Jane po ang anak nyang dalaga. At yong makulit na bunso nyang si Ariel.
Hahhaa buti naman at magsundo kayo ano?
Opo yaya mababait sila. Tawag nila sakin Ate Cindy hahaha para dw hindi ako mahanap ni dad.
Pasensya kana Iha kong nahirapan ka doon.
Nope yaya hindi naman mahirap doon masaya nga eh. Nahihirapan lang ako kasi akala ko pinapahanap ako ni dad. Kaya pala ang sabi ni Mommy mag enjoy lang ako doon.
Pagpasensyahan mo na ang mommy po Iha. gusto lang ng mommy mo na maranasan mo ang sempleng buhay at normal bilang isang dalaga.
Masaya nga kami dahil nakikita ka naming masaya ka doon. At may nakita din kaming lalake na kaholding hands mo.
Huh! pati yon yaya alam nyo?
Abay sempre laging nagpapadala si Len ng picture mo dito kaya panatag ang loob ng mommy mo.
Hala yaya baka malaman ng dad. Ayaw kong madamay siya sa galit ng dad ko.
Saka mo na isipin yan. at busy pa ang dad mo. Hindi pa naman sila nagkita ng bestfriend nya at may problema pa daw iyon sa asawa kaya hindi pa sila makakapunta dito para doon sa pamanhikan.
Naku! yaya wag mo nang ipaalala yon. parang gusto ko na tuloy bumalik kay Yaya Len.
Maiba tayo Iha iniwan mo ang lalaki sa iyong pagbabalik dito?
Hindi po kasama ko sya dito yaya, doon muna sya makitira sa kaibigan nya.
Ang gwapo nya Iha. Pwede naman kayo magkita wala pa naman ang dad mo.
Papaano ang mga reporters yaya segurado malalaman ni dad yon paglumabas sa news.
Gusto mo ba?
Hmmm! pwede ba yon?
Gagawa ako ng paraan kung gusto mo?
Wag nalang yaya natatakot ako baka malaman ni dad baka ipapatay pa sya.
Halos lahat kami dito alam na yan maliban lang sa dalawang bata.
Kahit na yaya ayaw ko pa din mapapahamak sya.
Ikaw bahala basta kung gusto mo sabihin mo lang sakin. Sabi pala ng mom mo wag mo gamitin ang phone mo.
Huh bakit? paano ko matawagan si Luke kung bawal pala ako gumamit ng phone.
Phone ko nalang ang gamitin mo wala naman ako tinatawagan maliban nalang kung ang mom mo ang tatawag sakin.
Ah okay po yaya salamat po.
Hello! Luke!
Hi kamusta ka. Miss na kita agad. malungkot ang boses ng nasa kabilang linya.
Miss di kita. kamusta ka naman diyan?
Ito hindi makatulog.Buti nakatawag ka kaagad.
Oo kay yaya phone ito bawal ko gamitin ang sarili kong phone pag ikaw ang tatawagan ko. Baka kasi malalaman ni dad eh.
At wala sila dito sa US daw sila sunod na buwan pa ang balik nila.
Sooo,,, pwede pala tayo magkita?
Naku ayan ka na naman eh di ba sabi ko sayo hindi pwede baka may makakita. ayaw kong masaktan ka Luke.
Kelan pala ang pwede?
Basta sasabihin ko sayo.
Okay, hindi ko na nasundan ang sasakyan nyo kanina eh halos magkakapareho ang mga sasaktan dito. hindi ko din natandaan ang plate number ng sinakyan mo.
Hindi ka talaga nakikinig mapapahamak ka sa ginagawa mo nyan.
Halos mag alas dose na ng madaling araw kami natapos mag usap ni Luke. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito.
Okay good night na Luke. I love you. bukas ulit tatawag ako.
Good night my Bea. I love you too.sege maghihintay ako.
Maaga ako nagising kahit na puyat namiss ko ang buong bahay. Nag unat unat muna ako bago bumagon.
Good morning Iha ano ang gusto mong almusal.
Bread ang milk lang po yaya.
Pagkatapos mag almusal tumakyat ako ulit sa room. At dumiretso sa tarrace. Tanaw ang kabuongan garden sa kaliwang bahagi ng bahay. Napapangiti ako ng maalala ko ang mga bulaklak sa bahay ni Luke. Naisip ko tawagan sya pero baka tulog pa iyon. Kaya nag muni muni na muna ako. Nag iisip kung ano ang gagawin ko itong araw. Hindi na ganun ka higpit ang mga bodyguard ko. Hindi gaya dati na kahit saan ako magpunta ay nakasunod sila. Mukhang binayaran yata ng mom ko kaya nanahimik sila. Ibang klase din itong mom ko dinadaan lahat sa pera para mapatahimik.
Dalawang oras na pala ako sa terrece ng mapasin ko si yaya.
Oh iha wala ka bang balak lumabas.?
Parang ayaw ko pa yaya nag iisip pa ako kung ano ang gagawin ko parang tinatamad pa akong lumabas ng bahay.
Hala sya ngayon hindi kana hinihigpitan sya naman ang ayaw lumabas ng bahay. Samantala dati kulang nalang ilagay ka sa baul ng ama mo nagpupumilit kang makawala. Baliktan ka yata Iha.
Baka na miss ko lang bahay eh.
Oh sya sege kung yan ang gusto mo.
Ano ang gusto mong ulamin mamaya.?
Grill fish yaya din manggang hinog.
Okay papabili ako.
Thanks po yaya.
Sabay labas nya ng kwarto ko.
Pariramdam ko wala na akong ganang lumabas pa ng bahay.
Isang tawag ang natanggap ko muna sa aking manager na kailangan kong makipagmeet sa kanya. tungkol doon sa isang project na hindi ko pa natapos.
Agad akong pumuntang banyo upang maligo at mag ayos ng sarili. Naglagay lang ako ng konteng make up at lipstick. Kinuha ang maliit na bag kinawit ko ito sa balikat at saka bumababa ng hagdan.
Yaya aalis po muna ako baka gabihin na ako makakauwi. Pahiram na din muna ako ng phone mo.
Sege iha mag iingat ka ha.
Opo yaya., bye yaya
Isang driver at isang bodyguard lang ang kasama ko.
Maam saan po tayo?
Thai star po tayo.
Ilang minuto lang narating na namin ang Thai Star ito ang agency ng mga model.
Kagad akong sinalubong ng iñang taohan. Pinagbuksan ako ng pinto at dumiretso na ako sa office ng manager.
Sa wakas nagpakita kana din Bea? ang hirap mong mahagilap. Sabi ng mom mo out of town ka. kala ko hindi na matatapos itong project natin. Saan ka ba nag susuot ha. Abay ilang buwan nalang matatapos na ang kontrata mo. Kailangan natin matapos ito lkaagad bago tayo abotan ng deadline.
Mahabang talak nito. Nakikinig lang ako sa kanya habang nakatitig.
Okay kelan ang start if you have a good location we will start tommow be raedy. Pagtataray ko sagot.
What time tomorrow and where the location.
Oh okay napanganga nalang sya. Dahil gusto ko na itong matapos na. Kung hindi lang ako magkaroon ng bad record dito sa thailand halos ayaw ko nang bumalik sa ganitong bukay.
Give me the all script. Inabot naman sakin ng isang staff, ok thank you.
Ayos na ba lahat ng marials na gagamit sa location? Ayaw kong may malalate tomorrow. Lahat dapat nakaready before pa ako dumating para take na agad.
Yes Miss Bea. Seset up naming ng maaga para di na tayo maghintay pa ng matagal.
Ok see you all tomorrow.
Agad akong tumalikod bitbit ang mga script na binigay sakin. Nagtungo ako sa banyo at nag messege kay Luke.
Habang nasa beyahe kami panay ang saulo ko ng mga nakasulat doon. Isang comerial lang ang gagawin ko. kaya mabilisan lang ito.Sanay na ako sa ganitong gawain kaya wala kahirap hirap ang lahat sakin.
Halos isang oras bago marating ang isang tagong lugar ng thailand.
Kinausap ko muna ang dalawang bodyguard