bc

Tumakas Ngunit Pinagtagpo

book_age18+
498
FOLLOW
2.3K
READ
friends to lovers
billionairess
drama
others
virgin
asexual
like
intro-logo
Blurb

Tumakas ka habang wala pa ang iyong ama bilisan mo! Ang salita ng narinig ko sa mula sa bibig ng aking Ina. Nakahanda na ang lahat ng gamit passport at plane ticket ko inabot na sakin ang isang sobre na may lamang pera.Saglit akong nag isip habang nakayap sa kanya.Nag iyakan kami ngunit walang oras at baka mahuli ako.Tumatakbo ako ng may luha ang aking mga mata.Nagpara ng isang taxi.At dalidaling pumasok.To the airport please..Habang tumatakbo ang taxi panay ang lingon ko sa likuran at nagdadasal na sanay di ako mahuli at makalayo ng tuluyan sa mala impreynong buhay ko.Naghugot ng pera sa sobre at binagay sa driver at nagtatakbo ako papasok ng airport.Dala ng takot at maiiwanan ako ng eroplano.Pinakita ang plane ticket at boading pass sa tauhan ng airport. Sa wakas nakaupo na din sa.Nagpalinga linga ako at baka my makakita at my makakilala sakin.Di ko maipaliwag ang nararamdaman ko naghalo na lahat kaba,takot, saya at lungkot dahil sahiwalay naming mag ina.Muling tumulo ang luha sa aking mata ng maalala ang lahat.Ang nasa isip ko ano ang mangyayari sa mommy ko,paano na ako mamumuhay na malayo sa kanya..Di akong sanay sa sempleng mamumuhay at walang alam sa pupuntahan kong lugar.Habang nakatingin sa labas ng eroplano at my luha ang mga mata sa subrang pagod at pag iisip di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa dagongdung dahil lumapag ang eroplanong sinasakyan ko

kinakabahan ako dahil dayuhan ako sa lugar na ito.Makahalong lungkot at saya ang puso ko dahil sa wakas nakatakas ako sa kanya. Malayo sa makapangyarinng tao at malupit na kapalaran sa piling ng aking ama.Nagsimulang magsitayuan ang mga tao sa loob ng eroplano hudyat na pwede nang bumababa ang pasareho nito.Kinuha ko ang backpack kong dala dala at niyakap ko ito.At sumunod na din sa ibang pasahero upang makalabas na din.

Paglabas ko ng airport nagulat ako na may tumwag sakin Miss Bea! Miss Bea! Masaya ako at nakarating kana. Napatakbo ako ky yaya Len Agad akong yumakap sa kanya at di ko na napigilan ang pag patak ng mga luha ko.Dali dali nya akong pinaupo at hinimas himas ang likod.

Naiyak na din si yaya, tahan na Miss Bea malayo kana sa kamahamakan.Dito malaya kanang makapamuhay ng walang bodyguard di nakakulong , dito magagawa mo lahat ng gusto mong gawin.Masaya dito sa lugar namin palakaibigan ang mga tao dito,Wag kang mag alala Miss Bea mula ngayon wala kanang dapat ipangamba pa.Tinayo na ako ni yaya upang makauwi kami ba bario nila.Habang papauwi na namangha akong tingnan ang paligiran.Napagandang tanawin my mataas na talon na aming madadaaanan na nasa pagitan ng dawalang bundok napapalibutan ito ng malalaking puno. At sa dulo nito ay ang malawak na katubigan.Lalong akong namangha sa mga tanawin na aming nadadaanan.Sa sandaling iyon nawala ang nararamdaman ko kung lungkot at takot.

Good afternoon Maam Bea..bati sakin ng bunsong anak na lalaki yaya na duto ngiti. Maam Bea ang ganda ganda nyo po pala at kinikiligkilig pa sya habang nagsasalita.Sya si Ariel mabait at masipag kong anak Maam Bae.Ito naman si Jane ang panganay ko,matalino at masipag din yan.Medyo mahiyaan lang yang si Jean Maam.At ito naman si June ang mabait, gwapo at masipag ko g asawa.Maligayang pagdating po Maam Bea. sabi ng mag ama.Nilabas ni yaya len ang pagkain ang naghain na para makapagtang halian na.Wow! yaya ang sasarap naman itong food first time kong makakain ng ganito inihaw na isda.Ija dahandahan lang baka mabulunan ka.Tumango nalang ako dahil di na makapagsalita sa puno kong bibig.

Dahan dahan kami naglakadlakad sa tabing dagat at bahagya na naman akong lungkot at naiisip ang mommy ko.Tinapik ako ni yaya Maam Bea sinabi ni mommy mo na dumito ka muna habang inaayos pa ang problema nyo dun ayaw ng mommy mo na mararanasan mo ang naranasan nya. Maspinili niya na mailayo ka kesa makasal ka sa hindi mo mahal.Alam kong mahihirapan ka kasi di ka naman sanay sa ganitong mamumuhay.Pero wag ka mag alala nandito lang kami para tulungan ka sa abot ng aming makakaya.Salamat yaya ang tanging tugon ko sa kanya. Di ko naiisip lahat ng hirap na makaharap ko dito ang iniisip ko ang mommy paano kung saktan sya ni dady.Paano kung mahanap nya ako dito.At maibalik ako at pilit na ipakasal sa di ko pa nakilalang lalaki. Paano kung magkasakit ni mommy.Paano na yaya? Wag mo na isipin yan Maam maayos din ang lahat at magkikita kayo ulit ng mommy mo.Wag na natin pag usapan muna na yan basta mag enjoy ka dito sa lugat namin.Sya nga pala sa susunod na araw pupunta kami sa kabilang isla maghaharvest ng mangga isasama kita dun para aliw ka.Malawak ang mangganhan namin dun nabili ko yon ng nagtrabaho ako sa inyo.Pagnagustohan mo dun pwede na dun tumira may bahay din ako dun.Kapag bakasyon dun kami naglalagi, pero pag my pasok sa ang mga anak ko dito kami.

Ala una na ng madaling araw ngunit di ako dinadalaw ng antok.Nakakabinging katahimikan.At biglang may malakas ng bumagsak sa bubungan at napabangon ako Maam niyog po yan kaya wag kang matat di nagtagal nakatulog na din ako.

chap-preview
Free preview
Tumakas Ngunit Pinagtagpo
Alingpungatan ako ng makaradanam ng init. Tinghali ako ng gising dahil madaling araw na ako nakatulog, paglabas ko ng kawrto magtatanghalian na pala.Kain napo Maam bati sakin ni Jane. Bigla akong nahiya gulo gulo pa ang buhok ko at nagtakip ng bibig. Dumeretso ako sa lababo upang maghilamos at magtoothbrush. Sinuklang ang buhok gamit ang mga daliri saka bumalik sa hapagkainan.Wow!! namilog ang mga mata ko sa mga pakain at bigla akong nakaradamdam ng gutom at naglalaway sa mga pagkain na nasa harapan ko.Na upo ako sa tabi ni Ariel at nagsimula ng kumain. Ito po maam kain pa po galing yan sa huli ni tatay at itong mangga galing sa kabilang isla. Tahimik akong kumain at hindi pinapansin ang sinasabi ni Areil, ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain kaya kumain ako ng kumain. Di ko namalayan na lahat ng mata nila ay nakatingin sakin,napahinto ako at nagtanong bakit? ng may pagtataka.Hahaha sabay sabay silang tumawa.. Maam Bea natutuwa ako at magana kang kumain ibig sabihin na kompotable ka sa lugar namin.Ngumiti ako sa kanila at dahandahan na kumain nahihiya na baka pagtawanan nila ako ulit. Pagkatapos ng tanghaliaan napagpasyahan namin na maligo sa dagat masarap sa pakiramdam.Nakipaglaro ako sa magkapatid gumawa din kami ng sandcastle at naghabolan. Nang maghapon na umahon na kami at magbanlaw gustong gusto ko ang tubig nila dito maligamgam kahit wala silang hot shower natural na galing sa bukal. Di naman mahirap ang mag adjust sa ganitong setwasyon.Pagkatapos kung maligo kinakalkal ang backpack upang maghanap ng maisusuot, biglang may nahulog na isang sobre at nakapangalan ito kay yaya Len at ang hula ko ay pera ang laman dahil sa makapal ito.Nagbihis ako at nagpasya na ibigay ky yaya ang sobre. Malungkot akong inabot kay yaya at lumalikod na upang magkipakwentohan ky Jane at Ariel. Si Ariel walong taon palang at Jane at labing siyam na at ako naman ay dalawaput apat na kaya ako ang matanda sa aming tatlo.Naupo ako ng malumbay. Maam gusto mo bang sumama sakin sa bayan bukas my bibilhin lang akong gamit para sa project ko. Agad naman ako na excite at napa Oo, sege para makapaggalagala din ako sama na natin c Ariel para masaya makabili na din ako ng gamit ko kasi konti lang ang dinala kong damit ng tumakas ako eh. Huh! tumakas ka? bakit? tanong nilang dalawa. Psssst wag kayong maingay baka may makarinig at isumbong ako. Hala ka Maam bakit ka tumakas my kasalanan ka ba kreminal or may pinatay ka sa lugar nyo kaya ka tumakas. Umiling ako at biglang nalungkot ang mukha hindi ako kreminal at wala din akong pinatay. Tumakas ako kasi ipapakasal ako ng daddy ko sa lalaking di ko pa nakilala at nakikita parang fix married ba ganun at saka ayaw ko pang mag asawa. Kaya dito ako pinadala ng mommy ko para mailayo dun. Di alam kung until when ako dito magtatago. Nang marinig ng magkapatid ang sinabi ko. Pangako Maam walang makakaalam ng tungkol sayo gusto mo ibahin natin ang pangalan mo? payo ni Ariel, at ano naman ipapalit mo huh sabay kurot ko sa pisngi nitong matambok. Hmmmmmm ano kaya? Cindy kaya? ok na din basta wag nyo nako tawaging maam ah, ate nalang .sege ate Cindy hehehe. Maam wala ka bang kapatid? tanong nitong Jane meron tatlo pero iba iba kami ng ina. Ako ang pinakapanganay maliit pa yong dalawa babae sila si Jessa at si Alice. Maam magkasundo din kayo ng mga kapatid mo? Oo naman tuwing may okasyon nagkita kita din kami, masaya din silang kasama.Minsan di nagbabakasyon kami ng magkakasama lahat kami magkakasundo. Subrang bait at maunawain ang mommy ko kaya meron akong mga kapatid sa iba. Mababait din si tita Ann at tita Clariss.Kapag wala sila mommy at daddy sa bahay sinasamahan nila ako.Nakakalungkot at na mimiss ko na silang lahat. Pero ayaw ko sa gusto ni Daddy at ayaw din ni Mommy kaya tinulongan ako ni mommy upang makalayo sa doon. Lagi kong iniisip kung ano na ang nangyari sa kanya. Kinaumagagan gumayak na kami upang magpunta ng bayan.Nakasuot ako ng malapad na sombrero at may shade nakalugay ang buhok. Ate Cindy! handa kana ba? pasigaw na tanong nitong si Ariel, oo naman handang handa na!! Nay Tay alis napo kami paalm ni jane sa magulang nya. Maingat kayo ,Opo ya sagot naman. Nakita ko na naman ang talon na dinaanan namin, subrang ganda nito isa ito sa mga dinadayo ng mga ato sa lugar kaya maraming sasakyan ang nakahinto para magpicture. Gusto ko mang bumaba pero takot ako at baka my makilala sakin. At makarating sa daddy ko. Pangako ko balang araw makababa din ako sa lugar na iyon at makapagpicture. Pangako ko yan sa sarili ko. Pagbaba ng tricycle nagtatakbo si Ariel papuntang tindahan ng damit. Ate! ate! ito o bagay sayo kasi maputi ka ito pa ate lahat yan bagay sayo. Napangiti ako sa batang ito ang galing galing talaga, Sege sege sabi mo eh Manang kunin ko na po itong lima. Dumukot ako ng pera at binigay na sa ale, habang naghihintay kami kay Jane nabighani ako sa isang bulaklak nilapitan ko ito at inamoy amoy, ay ang bango nya. Maam singkwenta lang po iyan bilhin nyo na po maam. Agad ko itong binayaran. Bitbit ang bulaklak may nakita ko naman ang tindahan ng ice cream. Ariel gusto ko ng ice cream bili tayo! Sege po ba masarap po yan ate maraming favor po ang ice cream dito samin. Agad akong nagturo lahat ng flavor. Hala! ate kaya mo yan ubosin matutunaw yan bago tayo makarating ng bahay. Wag kang mag alala ilalagay nating sa frezer yan pagnatunaw. Sege bahala ka ate hehehe. At bumili nadin ako ng mga personal kong gamit bago kami umuwi ng bahay. Ate cindy sorry talagan ako haba kasi ng pila eh.Ayos lang naginjoyed naman kami ni Ariel dami ko nabili Jane heehe sabay pakita ng bulaklak at ice cream. Nagulat si Jane ng makita nya ang dami ng ice cream maam ay este ate pala, Paano natin mauubos yan at my bulaklak pa. Tara uwi na tayo agad baka malusaw ang ice cream agad ng para si Jane ng tricycle. Muli kong nasilayan ang talon namamangha pa din ako kahit tatlong beses ko na ito nakita, iba ang pakiramdam ko sa tuwing dumaraan ako sa tapat nito. Para bang may kasiyahan sa puso ko, Nay! nay! si ate Cindy ang daming pinabili tingnan mo. Ay may bulaklak pa. Parang inlove na si Ate sa flower nay nakangiti habang ina amoy amoy nya. Nakung bata ka ang daldal mo talaga! ang daming ice cream maam Bea paano natin uubosin ito? di kaya tayo ubohin nito kakainin ng ice cream? Nagkamot nalang ako sa ulo hehehe yaya ang mura lang ng ice cream kaya dinamihan ko na. Lahat ng favor yan yaya mabida kong salita. Kaya wala ng nagawa si yaya kondi pinagkasa sa frezzer ang mga binili ko. Maghahapon na ng makarating kami ng bahay galing ng tabing dagat kaya nakapagtulo na ng haponan si yaya. Naglinis muna kami ng kamay at ng hain ng haponan. Araw araw ay marami akong natutunan sa kanila ni yaya nagkakamay na din ako pagkumain, natutu na din sa mga gawaing bahay paglipit ng higaan sa umaga maghugas ng plano magwalis ng bakuran at maglaba ng sariling damit. Lahat ng yan dito natutunan.At nakayanan ko ang lahat at naranasan ang tinatawag na simpleng pamumuhay. Lahat natutunan basta di maarti at pagtiyaan lang. Hoy! Ate nakatulala ka na naman jan.Biglang bumalik ang katinuan ko sa kalabit ni Ariel sakin. Hehehe ang dami dami ko ng alam kasi kaya natulala ako.Salamat sa pagpalutoy nyo at pagturo sakin ng lahat ng ito. Anong salamt oy! oy! may bayad yan hagalpak ng tawa ni yaya. sempre joke lang yon maam Bea sempre pinagkatiwala ka ng mommy mo samin, dapat lang na alagaan ka namin. Bago matulog ng kwekwentohan kaming tatlo sa kwarto. At ng kukulitan kami madalas ni Areil. Ate Cindy masaya di ba ang buhay mayaman? yong lahat nabibili mo?tanong ni Jane. Masaya din kapag hindi busy sila ni mommy madalas silang wala kaya kasama ko sila lagi yong dalawa kong kapatid at dalawang pang asawa ng daddy ko. Pero mas masaya dito kasi nakakapaggala gal ako ng walang body guard.pwede kong magagawa ang gusto. Kasi sa amin sa mall kasi madalas maggala may kasamang sampong bodyguard kaya mas gusto ko sa bahay nalang.Samantalang dito malaya ako.Masasarap ang pagkain alam nyo ba na di kami kumain kung saan saan lang kasi baka makidnap kami baka may babaril samin kaya may bodyguard ako dun kahit sa school nakaabang sa labas ng classroom.Yang ang kinalakihan kong buhay sa mayamang pamilya. Matulog na maaga pa tayo bukas paalala ni yaya sa amin. Opo nay sagot ng magkapatid. Mahimbing na ang tulog nila. Pero ito ako buhay na buhay ang diwa, nalala ko naman ang mommy ko kamusta na kaya sya, mula ng umalis ako di ko pa sya natawagan takot akong gumamit ng phone baka masundan ako ni daddy. Kamusta na kaya sila napabuntong hininga nalang ako. Hanggang sa nakatulogan ko na. Ate, ate gising napo maya maya lang aalis na tayo sabi ni nanay. Nag unat unat ng konti at saka bumangon niligpit ang tulogan at saka tumabas ng kwarto. Good morning mam Bea mag almusal kana para makaalis na tayo ng alas otso. Opo Mang June sabay ngiti ko sa kanya, mabait si mang June mapagmahal sa mga anak at malambing sya kay yaya.Maam Bea nasa bangka na ang mga gamit mo dun tayo natutulog ng tatlong gabi.Para maglibang libang ka dun may resort dun pwede kayo magligo.Talaga po yaya biglang kumitang ang mata ko sa tuwa ng marinig ko may Resort sa pupuntahan naming isla, kaya nagpadali akong taposin ang almusal saka umakyat ng bangka,nakapwesto na si Jane at Ariel.Dalawang oras ang beyahe ng bangka bago marating ang isla.Kaya dapat maaga tayo makapunta sun para di tayo abutan ng malalakas na alon. First time kong makasakay ng bangka na gaya nito kaya takot ako habang nasa beyahe. Inalalayan ako ni Mang June pababa ng bangka.Mula sa bangka natatanaw ko ang mga puno ng mangga na hitik sa bunga.Di napigilan ang sarili ko na tumakbo at aliw na aliw sa paghawak ng mangga.Maabot lang ang bunga nito at napakawak ng manggahan.sinundan ako ni Ariel Ate Cindy dun banda ang resort sa dulo nitong manggahan.Di ako nakikinig sa sinasabi nya fucos ako dun sa hinog na mangga dali dali ko itong inabot at binalatan.Hmmmm Ang sarap ang tamis pa napapapikit ako sa sarap.Ate !! sigaw ni Ariel kaya na gulat ako ang nabitawan ko ang kinakain ko sa gilat muntik pa ako nabulonan. Areil! naman eh ayan nahulog na nagpapadyak ako dahil sa nahulog.Tinawanan lang nya ako at inabot ang isa pang manggang hinog. Ate Wag kang maghinyang sa buto ng mangga hahhaaha pati sila ni yaya tumawa na din.Maam mananawa ka ng mangga dito . Nag umpinsa na mangharvest nakisali na din ako sa kanila, Ang bibilis nila.Nakunga na din ng ilang kamag anal si Mang June para sa paghaharvest upang mapabilis ito dahil bukas dadalhin ito sa bayan.Sa maghapon haloos di pa nangalahati sa pag harvest ,ramdam ko na ang sakit ng braso likod at binti dahil di naman ako sanay sa ganitong gawain. Ya paano natin dadalhin ito sa bayan eh napakadami nito di kaya lulubog ang bangka nito sa bigay.Wag kang mag alala maam Bea bukas may barkong kukuha nyan dito.Ah kala ko ko tayo din magdadala nito sa bayan hehehe. Pagkakain ng hapunan nag handa sila Mang June ng mga kahoy para sa bonefire napatulala ako ng mag umpisa na sila mag sindi ng bonfire onti onti nagsidatingan ang mga tao at my dala din sila gitara para magkantahan ganito sila pag sapit ng gabi sa manggahan, may isang baso at tuba na umiikot sa grupo nila Mang June at yong mga babae naman isang grupo din at nagkwekwentohan tawanan.At pinakilala ako sa buong grupo, nang manghating gabi na nagsibalik na sa kanya kanyang kubo ang mga tao upang magpahinga. Nagising ako ng may narinig na tunog mula sa barko, dali dali akong dumungaw sa bintana, My mga taong nag aabang sa lubid ng barko upang mainati ito, Ate Cindy sabi ni nanay wag ka daw lumabas ng bahay maraming touresta ang sakay ng barko mga dayuhan po.Napalitan ng lungkot ang naramdaman kong tuwa, Pero wag ka mag alala dalawang oras lang yan tapos pwede kana makalabas mg bahay pupunta yan sila sa resort dun sa dulo. Kaya naligo na ako at nag almusal habang nag hinhintay ng oras na pwede na akong lumabas. Hmmm ya? pwede nako lumabas? lambing ko kay yaya. Pwede na po maam mag ingat ka malawak ang manggahan baka maligaw ka. At iwasan mo ang resort maraming dayuhan ang dumating. Dito kadumaan sa kanang bahagi ng manggahan para malayo ka sa mga tao. Bandang gitna ng manggahan nadun sila ni June nag haharvest.Paalala nito sakin. Opo ya,, thank you ya I love you. Promise mag iingat po ako. Bitbit ang towel at trumbler ng tubig nag lakad ako papasok ng manggahan. palingon lingon ako sa lawak nitong manggahan din ko alam kung saan ko sila matatagpuan dito. Sa ginta ng initan tagaklak ang pawis ko.Umupo ako saglit sa isang puno ng mangga upang makapagpahingat, nagpunas ng pawis at lumagok ng baong tubig.Habang nag iisip ako kung saan ako daan sa mga nagsasangang daan na nasa harapan ko. Naiinip ako sa pag iisip kaya tumayo ako ang hinawakan na naman ang mga bunggang mangga.Naaakit akong amoyin ito nilapat ko sa pisngi ang bunggang mangga, napapapikit ang mga mata ko sa tuwing naamoy ko ito. Parang ang gaan sa pakiramdam. Nakalimutan ko ang pagod ng paglalakad sa gitna ng malawak na manggahan na tila bang walang katapos ang manggahan ito. Hi! Miss! Sh**t !! Tumalon ang puso ko sa subrang gulat. Kaya nahila ko ang hawak kong bungang ng mangga.Pag dilat ko ng aking mga mata nakita ko agad ang carema hawak ng lalaki at nakatituk ito sa akin. Kaya nag panic agad ako. Hoy! bawal yang ginagawa mo! bakit ka kinukuhanan mo ako ng picture.!! sinigawan ko sya. Pero bingi sya sa sigaw ko at parang nag iinjoy pa sa pagkuha ng picture. Kaya di ko napigilang ibato sa kanya ang hawang kong mangga.Mabilis nya itong nailagan, at napapangiti ma sa pagbato ko nh mangga sa kaya. Aba! aba! ginagalit mo talaga ako eh noh! bulyaw ko pa.Kaya nag isip ako kung papaano ko sya pataam ng susunod kong pag bato dali dali akong nag pitas ng limang pirasong bunggang mangga at inipon ko sa mga kamay ko. Kelangan ko tamaan ang camera nya para matigil sya sa kakakuha ng picture.Kelangan ko makaganti sa kanya kelangan ko masira yan.Nag isip ako kung paano ang deskarting gawin ko. Miss awat na! pagpigigil nya sakin. Maawa ka sa mga mangga sayang lang yan. Ibabato mo sakin di na mapapakinabangan yan.Wala akong pakiaalam kung maubos man ito basta masira ko lang yang camera mo. Bastos ka kasi. Burahin mo yan,! bago ko pa masira yang camera mo. Ayaw ko nga, malambing nitong boses. Ah ! tagang ginagalit mo ako ha! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo rumespeto sa mga babae.! ang basto mo talaga eh. pag harap ko sa kanya sabay hangis ng limang manggang hawak ko.Sapul! biglang nahulog ang lens ng camera nya... Oh ! ano ka ngayon kala mo di kita kayang tamaan ha. Buti nga sayo bastos ka kasi eh. Ayaw mo pang burahin, yang ang bagay sayo. Nawala ang ngiti nito sa mukha at masama akong tingnan.Ayan! sinira mo na ang camera ko. pano ba yan , you need to pay miss. mahal yan ikaw ngayon ang ipapapolice ko. Natakot ako sa narinig ko kaya kumaripas ako ng takbo papalayo. Hey! miss bayaran mo itong camera ko. Bayaran mo mukha mo .. g**go! bastos ka! yan ang napapala ng taong bastos. na kagaya mo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook