Episode 9

3023 Words
Bea Pang apat na araw na, na hindi ko na nakita si Luke. Tinanong ko naman si Yaya kung bakit hindi nya ako ginising para makapagpasalamat sana ako sa kanya bago sya umalis. Pero ayaw daw ni Luke na gisingin ako. Malungkot akong nagigising sa tuwing hindi ko sya nakikita. Kay Karl lang ako nagkapagpasalamat. Dumating na ang araw ng itinakda ng pag labas ko ng hospital. Ate nandyan na si tatay sa baba makakuwi na tayo. Babalik nalang tayo next week pata ipatest ulit ang dugo mo. Maam Bea tara na para hindi tayo gabihin sa daan. Bitbit nila Jane at Yaya Len ang mga gamit namin. Mabigat kung hinakbang ang ang mga paa papalabas ng room. Palinga linga ako sa paligid na parang may gusto akong makita. Hanggang sa nakalabas na kami at sumakay na sa sasakyan ni Mang June wala parin akong nakita kahit anino lang ni Luke. Maam Bea okay ka ba? Masama pa rin ba pakiramdam mo? Hindi po Ya okay na ako. kala ko kasi si Karl ang susundo satin eh. kaya hinahanap ko sila. Ah tumawag na kami kanina sa kanya at sinabi na lalabas kana ng hospital. At sabi nya na may susundoin din daw sya sa airport kaya di na sya nakadaan pa ng Hospital. Ah ganun ba. Pero kung gusto mo pwede tayong dumaan sa Mamboo. Para makapag paalam ng maayos sa kanya. Wag na po Ya baka gabihin pa tayo sa daan sa susunod na mga araw nalang seguro. Ikaw ang bahala. Magpahinga ka nalang muna hindi kapa lubosang magaling. Para makatawag ka din sa mommy mo mamaya pag kauwi natin sa bahay. Pagkalipas ng ilang minuto madadaanan na namin ang Water Falls Napapangiti ako sa ganda nito. at sa mga alala ko sa ilang araw na nagstay kami sa Mamboo. Tanaw tanaw ang labas ng Mamboo. Pero hindi ko nakita ang sasakyan ni Karl. Nasa airport pa seguro sya kaya wala ang sasakyan nya doon. Nakalagpas na kami ng Mamboo. naiiwan pa din ang tingin ko sa labas nito,, nalulungkot ang puso. May gusto akong makita pero wala sya. Tahimik akong bumaba ng sasakyan ang dumitetso na sa kwarto. Nilapat ko ang aking mga likod at pinikit ang akong mga mata. Narinig kong nag bukas ang pinto. ,Hi! Ate kamusta kana? magaling kana ba? Nakangising tanong ni Areil sa akin. Oo magaling na ako tabaching ching,, Hali ka nga dito! namiss ko itong pisngi mo matambok eh. Hahaha. Ate naman eh namiss mo akong kurotin eh. Pagaling kana ate para makapunta tayo kila lola sa fiesta. Sa susunod na araw na yon. Oo na magaling na nga ako eh. Magaling daw eh bakit nakahiga ka pa din dito. Napagod lang ako sa behaye. Hindi ako nakakatulog ng maayos sa Hospital maya maya nila ako chenicheck. Kaya pagod pa ako gusto makapagpahinga pa. para malakas na ako sa araw ng fiesta.. Sege pala ate lalabas na ako para makapagpahinga kana. Tumayo na si Ariel at lumabas na. Pinikit ko ulit ang mga mata at natulog. Luke! Maganda nga dito saba makita din ito ng mommy mo. Nakapasarap sa pakiramdam ang lagaslas ng tubig. Relaxing ang lugar na ito. Isang nakatagong paraiso. Hindi na ako magtataka kung bakit bumalik ka dito. Ito ang hilig mo magagandang tanawin. Marami ka naman maidagdag sa collection mo. Opo Ya. medyo marami rami na din. hindi ko pa pang napili busy pa kasi sana nalang seguro pag balik natin ng Cebu. Luke bakit hindi ka din magnegosyo dito? Naku ! Ya baka lalo na akong yumaman nya. hehehehe. Busy pa ako sa bagong project ng Factory. Sabagay busy ka nga naman. Pwede mo din pagkakitaan ang mga pipicture mo na yan. Hehehe Ya saka na yan halos di ko pa maharap. at wala akong mga gamit dito. Sege nga Ya post ka nga dyan para remembrance mo ito. Kuhanan kita tapos ipapaint ko. Wag na matanda na ako para sa mga ganitong bagay. Ayos na akong nagmamasid masid lang sa magagandang tanawin. Bahala ka minsan lang ang magkakataon ito. Hindi natin alam kung makakabalik pa tayo dito Ya. Hay! ewan ko sayong bata ka kung ano anong nalalaman mo. Hindi nya alam na kanina ko ma sya kinukuhanan .hehehe. Ayaw na umalis ni Yaya sa tapat ng falls kaya hindi na ako nakakalayo pa dun inikot ikot ko nalang ang paningin ko pa makahanap pa ng ibang makuhanan. Meron pa itong isang side ang Water falls na hindi ko pa narating. Ngunit hindi ko naman pwede iwanan Yaya dahil may edad na ito. Baka sumpongin ng hika kapag pinalakad ko naman ng malayo. Baka next time nalang seguro. Pinagmamasdan ko ang nga bulaklak nayuko ang mga ito na tila bang malungkot ang mga mukha. Hindi sila gaya ng dati na nakatingala na parang sinisinta ang Falls. Dahil kaya sa nag daang araw. Or baka naman nasubrahan sila ng tubig, at hampas ng malakas na hangin kaya naka yuko ang mga ito. Nabawasan di ang mga dahon at sanga sanga nila. Marami pa din ang mga ibon maiingay pa din sila at nagsasayaw. Nagpapasikat sa kapwa ibon. Punong puno ng kasiyahan si Yaya habang nakaupo ito ang nakatingla sa talon. Tinutukan ko sya ng camera at lihim na kinuhanan. Ilang ckick pa ang Ginawa ko. Ibat ibang angulo. Masaya akong pinagmamasdan ang mga ngiti sa labi ni Yaya. sa ganitong paraan nabibigyan ko sya ng masayang alala. Ya baka nagugutom kana.Or gusto mo naman lumipat ng ibang tanawin. marami pa banda dito. Wag na Luke ayos na ako dito mahirap na baka sumpongin ako ng hika kung lalayo pa tayo. Hindi na kakayani ni Yaya ang mahabang lakaran. Bawal di ako sa mga bulaklak kaya ayos na ako dito. Sege bukas sasakay na tayo ng easy go cart para malibot natin itong buong lugar ng Water Falls. Malawak pa daw ito. isang side palang ang napuntahan ko dito. Aba! sege may masasakyan naman pala. Pero bukas nalang at maghahapon na. Tumayo na si Yaya at nagyaya na bumalik sa Mamboo. Dahan dahan kaming naglakad palabas ng gate ng Water Falls. Jane Ate bukas pupunta na tayo sa barrio. Doon na tayo magtanghalian sabi ni nanay. Fiesta na bukas doon masaya doon ate. Ate? bakit mukhang may sakit ka padin. di ba magaling kana? Oo Jane magaling na ako. Eh bakit mukhang malungkot ka pa din. Hindi naman baka nagrerecover palang ang katawan ko. Medyo nanghihina pa kasi ako eh. Ate iba ang nanghihina sa nalulungkot. Ate masgsabi ka nga ng totoo may gusto ka ba kay Sir Luke? Psssttt! wag kang maingay maririnig nila. ano kaba. Wala! ah hindi! ang seryong mukha noon di ko nga naintindihan ang ugali noon. Hahhahaa huli ka ate! agad akong tumabi sa kanya at nakipag chika chika. Seryoso eh ang bait bait nga ni Sir Luke hindi ka nga nya iniiwan sa loob ng Kwarto kami ni Sir Karl pinatulog nya peri sya magdamag na gising para alagaan ka ate. Mabait na poge pa.. Hehehe alam mo ate bagay na bagay kayo. Alam mo ba ate na maya maya ka nya tinitingnan halos oras oras chinicheck ang temp mo. Pinupunasan ka nya binabasa ang bimpo minuminuto. Natataranta sya tuwing susuka ka hindi sya nadidiri sa suka nya. Di ba ang sweet sweet nya ate. tapos iniingatan ka nya buhatin sa tuwing pupunta ka ng banyo. Isipin mo yan ate hindi ka nya ginawaan ng masama hehhee iilan nalang ang ganyang lalaki sa buong mundo ate. Napasigaw pa ako sa kilig sa mga setwasyon na ganoon. Ate? ano ginagawa nya habang nasa loob kayo ng banyo? Wala! nakapikit lang sya. Tapos nakahawak lang ako sa kamay nya.. Oh di ba hay! ang sweet talaga ni Sir kung iba yong naku! ate baka nasilipan kana. Pssttt wag ka masyadong maingay baka marinig nila. Atin atin lang yan Jane. Hindi na nila dapat malaman kung ano ang mga pangyayari doon sa Mamboo. Opo ate secret lang natin yon. hehehe Pero ate aminin mo na may gusto ka kay Sir Luke noh? Oo na basta wag kang maingay! Sabi ko na nga ba eh.. hehehe kaya ka seguro malungkot ng malaman mo na umalis na sya tapis hindi man lang nagpaalam syo. Sempre hindi pa ako nagpasalamat sa kanya, tapos baka utang ko na naman yang pag alaga nya pati na din ang binayad nya sa hospital. Kahit sana binulungan nya lang ako kahit tulog pa ako eh. Ay! gusto mo ate tawagan ko si Sir Karl tanong natin ang number ni Sir Luke. hahhaa Oy! wag baka ano sabihin ng mga yoon. Hindi friend na kami ni Sir Karl. Siya din nagsabi sakin na kung gusto mo daw kausapun si Sir Luke tatawagan ko lang sya. Dinayal ko agad ang phone number ni Sir Karl. Agad naman itong sumagot. Hello! Jane napatawag ka? Sir pwede ko daw po ba mahingi ang number ni Sir Luke gusto lang magpasalamat ni ate sa kanya. Tamang tama nandito si Luke. Talaga mo Sir. Pwede daw po ba sya makausap ni ate? Namamasyal pa sya sa Water Falls sabihin ko nalang mamaya pagkadating nya. Ay sege po pala sir salamat po. Tinitingnan ko ang magiging teaction ni ate. habang kausap ko si Sir Karl. Nag una namumula sya at kita sa kanyang mga mata ang excitement. Anong! sabi ni Karl kumikitang ang.mga mata nito. Nandoon daw si Sir Luke pero.. hhmmmm namamasyal daw sa water falls. Mamaya nalang daw magkadating nya. Tatawag nalang tayo ulit.. Nawala ang saya sa mukha nito. Dumapa at sinubsub ang mukha sa unan. Tahimik syang nag lalaro ng kanyang mga paa. Sampong minuto na ang nakaraan kaya itinext ko si Sir Karl kung dumating na si Sir Luke Hindi ito nag replay at sineen lang ang text ko. Nagulat ako ng biglang nagring . At si Sir Karl tumatawag. Hello,, Sir Karl? Hello Jene si Luke ito. Napanganga ako habang kinakalabit si Ate. Jane bakit kalabit ka ng kalabit. Tumingin sakin si ate hindi ako nakakapagsalita habang tinuturo ang phone kong hawak. nilgay ko ito sa taenga nya. Tumili akong tinakpan ang bibig nakasubsub sa unan sa subrang kilig. Bea Hello,, Luke napatawag ka? Ah,, eh wala lang. sabi kasi ni Karl tumawag daw kanina si Jane at hinihingi ang number ko gusto mo daw ako makausap. Ah, oo gusto lang magpasalamat sana sayo. Sana ginising mo nalang ako bagi ka umalis. Hindi na sana kita na estorbo sa pamamasyal mo ngayon. Salamat nga pala ha. Babayaran ko sana ng pinagbayad mo sa bills ko sa hospital. Wala yon. At hindi naman ako naniningil ah. Hayaan mo na yon ang importante gumaling kana. Kamusta kana pala? Sabi ko nga kay Karl ihatid pa kayo pauwi eh. Maayos na ako, salamat ulit ha. Sinundo na kasi kami ni Mang June ayos naman nakarating kami ng bahay bago magdilim. Gusto ko sana dumaan ng Mamboo bago umuwi pero wala daw si Karl dyan sa Mamboo. Mabuti naman. Ah oo sinundo kami sa airport. Kami? so ibig sabihin may kasama sya. Hindi nagpaalam sakin tapos pagbalik may kasama na. May naramdaman akong konting kirot sa akin puso. Nasabik akong marinig ang boses nya pero nawala agad ito ng malaman kong may iba sya kasama. Pasko na bukas baka gusto mamasyal tayo. Susundoin kita dyan sama na natin sila Jane. Wag na aalis din kami bukas. At may kasama ka naman nakakahiya, Next time nalang. Sa tweenty six babalik na ako ng Cebu. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik dito. Ayos lang hindi naman ako nagmamadali para pang pagkakataon. Agad kong itong binababa ang tawag May ibang kasama pagbalik ng Isla. Nagring ito ulit pero di ko na sinagot. Jane ikaw na kumasap dyan. Sabihin mo ng banyo ako or lumabas ng bahay. Hello! Sir bakit po? Si Bea? bakit binaba na ang tawag di pa kami tapos mag usap eh. Suminyas ako wala ako. Sir nagbanyo po sya eh. Bakit po sir may papasabi po ba kayo? Pwede naman na dalhin ang phone bakit nya pinatay ang tawag ko. Hindi ko po alam Sir hehehe. pasensya na po. Habang kausap ni Jane sinisenyahan nya ako g lumapit at kausapin na. Pero ayaw ko. parang nagtatampo ako na wala sa lugar. Hanggang sa maputol na ang pag uusap nila. Ate naman eh ano ba kasi yon. Tinatanong ni Sir Luke bakit mo sya pinatayan. Hindi ko alam kung ako isasagot ko sa kanya. Bahala sya, umalis hindi nag paalam tapos bumalik may kasama na sya. Likas na babaero seguro yang si Luke. Hala si ate, nagseselos ka? hehehehe. Oy hindi ah... bakit naman ako magseselos eh. Hindi ko naman sya boyfriend. Wag mo na sagotin pag tumawag pa yan. Pinili kong dumapa sa higaan at matulog nalang. Pero kahit anobg pilit ko hindi ako dalawin ng antok. Naiireta pa din akong lamang may kasama sya. Tahimik din si Jane na katabi ko sa higaan habang nagkakalikot ito ng phone nya. Maya maya lumabas ito ng kwarto at hindi na bumalik pa. Hinayaan ko na lamang ito at hindi pinasin pa. Umupo ako kinuha ang phone at dinayal ang number ni mom. Pero hindi ko makotak mag iisang linggo na hindi kami nakapag usap ni mom. Bukas ko nalang sya tawagan ulit baka katabi nya ang dad. Tiningnan ko ang mga photos na nasa phone ko. Namimiss ko silang lahat pero kailangan ko pang magtiis ng konting panahon. Halos mag aalas kwatro na nag hapon. Dalawang oras na akong mag isa sa kwarto. Nahiga nalang ako ulit sa higaan at pinikit ang mga mata. Hindi ko na malayan nakatulog na pala ako. Magandang hapon po Mang June aleng Len. Sir kayo po pala ano po ang sadya ninyo at napadpad po kayo rito sa lugar namin. Wala naman po Mang June nais lang po sanang kamustahin ni Luke si Bea? Ah si maam Bea nasa loob po sya. Hello. po kanipagkamay na ang mag asawa kay Luke. Ito naman si Yaya kasama ko mula Cebu.Tuloy po kayo Sir. Abay! napakagwapo din pala itong si Luke. Maayos na ang lagay ni Maam Bea ngayon. Pero hindi sya agaanong naglalabas ng kwarto mula ng umuwi kami galing ospital. Parang natakot na ata sya maglalabas lalo na kung papadilim na. Jane pakitawag na si na Bea sabihin mo nan dito si Luke. Nay tulog po si ate. Mukhang kakatulog lang nya eh. gisingin ko po ba? Wag na hayaan mo muna syang makatulog nagbabawi pa yang ng lakas. Hindi pa naman kami uuwi. O sya dito na kayo maghaponan. habang hinihintay si Maam Bea magising. June magbalat kana ng niyog at maggagata tayo ng limango at sugpo. Nag abala na ang mag asawa sa maghahanda upang magluto. Habang ang mga panauhin ay kausap ang magkapatid. Maya maya din ang silip ni Luke sa kwarto at hindi na ito nakatiis ang nag paalam na kay Yaya Len na pumasok ng kwarto para makita ako. Parang nanaginip akong may humahaplos haplos sa aking buhok. At may naririnig akong nag uusap. Dinilat ko ang mga mata nakita ang pigura ni Luke agad akong nagtakip ng mukha sa hiya. Bakit nandito ka? di ba may kasama ka? At mupasok kapa dito sa kwarto ah. Nag paalam ako kay Aleng Len at kasama ko din si Jane. Kaya nga bakit nandito? anong ginagawa mo dito. Binibisita ka, bakit pinatayan mo ako kanina? May kasama ako nandyan sila sa labas. Umuwi na kayo maayos na ako ngayon, hindi na dapat kayo ng nag abala pa. Ayaw mo ba makita ang kasama ko? Gusto ka pa naman makilala sana. Umuwi na kayo maggagabi na. At gusto ko pang matulog. May sasakyan kaming dala at sabi ni Aleng Len dito na kami maghaponan. Kaya mamaya pa kami makakauwi. Ate labas lang ako tinatawag ako ni nanay eh. Sege Jane. Luke bakit sinama mo pa yang kasama mo dito. Alam mong kagagaling ko lang ng ospital. Paani kung magkakadengue din sya gaya ko. Gusto ka nga nya makilala. Lumabas kana kasi para makilala mo sya. Makulit ka sabing ayaw ko eh. Hay! hanggang ngayon matigas pa din ang ulo mo. wag mo ng antayin na halikan kita bago ka bumangon dyan. Sira ulo to talagang alam na alam nya kung papaano ako pasunurid eh. At nakaupo pa din ito sa higaan. Agad akong bumangon. Natawa naman sya. ang bilis ah takot ka palang kalikan eh. Hinampas ko naman sya dibdib para makabawi ako. Ang galing mo talaga eh no. Aray! ang bilis ng kamay mo ah. Sumusunod ka nga pero nanakit ka. Gusto ka lang naman makilala ni Yaya eh anong masama doon. Agad ako napatulala sa narinig. Yaya nya pala ang kasama nya. Kala ko naman kasi kung sinong kasama. Eh sira ulo ka pala eh di mo sinabi na Yaya mo pala ang kasama mo. Hampasin ko sana sya ulit pero nahawakan na nya ang kamay ko. At niyakap nya ako ng mahigpit. Luke bitawan mo ako. Ano ang ginagawa mo? Baka ano ang isipin nila pag may makakita satin. Wala lang natutuwa lang akong makita kang magaling na. Oo na magaling na ako .bitiwan mo na ako. Oo na lalabas na ako. Please lang bitaw na. Nakahinga na ako ng maluwag ng bumitaw na sya sa magyakap. Inayos ko ang mahabang kong buhok. bianaba ko ang dalawang paa tumayo at inayos damit na nagusot sa pagkakahiga. Pero wala naman tao sa sala paglabas namin. Nasaan na ang kasama mo? baka nasa labas na sila ang tagal mo kasing lumabas ng kwarto eh. Sandali lang tatawagin ko lang sa labas. Pagbalik nya may kasama na itong isang babaeng may edad na.Todo ngiti ito sakin na akalain mong close na kami. Yaya ito si Bea itong yong kinikwento ni Karl. Abay napakagandang bata. Para syang isang Model. Mahaba ang biyas at makikinis ang balat. Bagay na bagay kayo ni Luke Ineng. Magandang hapon po. Ngiti kong bati sa Yaya nya. Aba! magaling pumili itong alaga ko. Alam mo bang hindi pa nagkagirlfriend itong si Luke. Mabait itong bata at masunurid sa mga magulang. swerte ang babaeng mapapangasawa nito. Ya! tama nakakahiya naman kay Bea. baka ano ang iisipin nyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD