Bea Sakay kami ng Helekopter papunta Mamboo. Ilang buwan ko din hindi nakita ang lugar na ito kung saan kami nagsimula ni Luke noon. Namimiss ko na din sila Yaya at mga pamilya nito. Kahit ilang beses na ako nakarating sa lugar na ito namamangha pa din ako sa ganda ng mga tanawin dito. Mapapa wow! ka talaga sa mga tagong tanawin dito. Minsan kong pinangarap na dito ikasal dahil sa ganda itong kapaligiran. Malakas ang hangin habang isa isa kami inalalayan ni Luke pa baba ng helekopter. Kasama din ang mommy nya. Tanaw na ang Mamboo sa pagbaba namin. Sinalubong na kami Karl at nagbigay galing ito sa mommy ni Luke at nakipagkamayan na din sa aming apat. Hi! Bea aba parang kailan lang maputla ka ng dinadala namin sa hospital, pero ngayon mukhang lalo ka yatang gumanda eh. Salamat hahaha h

