Mula ala una ng hapon hanga otso ng gabi kaming tulog ni Luke. Nagising nalang kami sa katok ni Dina. Dinilat ko ang aking mga mata. Ngunit madilim ang pakaligiran. Gabi na nga kaya ginising ko na si Luke para i on ang switch ng ilaw.
Luke, Pakibukas ang ilaw gabi na pala.
Agad naman itong bumangon at kinapa kapa ang kanyang phone para magkaroon ng liwanag ang buong kwarto. Ngunit natabig nito ang center table kaya naglikha ng ingay.
Sh***t ahhh ang sakit!!!
Luke! napasigaw ako sabay takbo sa kanya. Ngunit bigla naman akong nadulas kaya lalong nag ingay ang buong kwarto. Kaya pareho kami nasaktan.
Maam! maam! maam Bea ano po nangyayari dyan? Gregg! Gregg! susi bilisan mo dali buksan mo na bilis.
Oo ito na nga relax kalang. Maam Bea. Luke ano nayayari dyan.
Luke okay kalang ba? hindi sya sumasagot. At dali dali naman lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay kong may sugat pa. Hindi ko din nakita na nagdudugo ito.
Are you okay? sh***t naman kasi itong style ng room mahirap hanapin anh switch ng ilaw. nagdudugo na naman ang kamay mo.
Bigla naman nagbukas ang pinto kaya naliwanagan kaming dalawa.
Pakibukas ng ilaw please. Nagdudugo ang sugat ni Bea.
Ano ba naman kasi ang ginagawa nyo dyan? madilim ang buong kwarto. Hindi pa magaling yan tapos nasugatan pa ulit. Abay! papatayin mo yata ang alaga ko!
Ano sa palagay mo ginagawa namin naglalaro ng tago tagoan? Sino ba kasi nag ayos nito room pahamak eh.
Dina pakikuha ng first aid kit. bakit kasi wala kayong ilaw.
Nakatulog lang naman kami kaya walang ilaw. Napahimbing ang tulog namin kaya ginabi na.
Akin na yang sugat mo linis na at palitan ng gasa yan. Tumama ba ito or naitukod mo.
Di ko alam eh. Pabago ko nalang itong loob ng kwarto bukas. Ikaw wala bang.masakit sayo?
Ang binti ko lang tumama sa corner ng table. Pero hindi na sya masakit. Wag ka malikot lalagyan ko ng ointment para mas mabilis ang paggaling.
Sa susunod kasi mag ilaw kayo para hindi mataranta ang mga kasama nyo.
Bakit akala mo kinatay ko na alaga mo. Walang may gusto nyan aksidente yan hindi mahuhulaan kung kelan tatama.
Tumigil na kayong dalawa baka tatamaan na kayong sakin., Bangay kayo ng bangay ako naiinis na sa inyo ha. Sege na iwanan nyo na kami dalawa para matahimik tayong lahat.
Kaya lumabas naman sila, at patuloy pa din ang maggagamot ni Luke sa sugat ko.
Masakit pa din ba? wala kana bang ibang sugat pa or masakit pa sa ibang part ng katawan mo?
Meron pa siko ko. Tingan mo nga baka may sugat pa. Medyo masakit din likod ko eh.
Bakit kasi lumapit ka sakin eh alam mong madilim dapat nagstay ka nalang sa bed, ayan tuloy nasaktan kapa. May gasgas ang siko mo. Talikod ka tingnan ko pa ang.likod mo baka my galos din yan.
Tumalikod din ako at tinaas nya ang blouse para makita ang likod ko. At kinapa kapa kung may pasakit pa.
Wala naman galos pero parang mag magkakapasa ka. Akin na yang siko mo lagyan ko ng band aid. Sa susunod wag ka lalapit kung madilim kahit anong marinig mo gaya nito napahamak ka.
Paano naman kasi nag alala ako sayo baka nasugatan ka eh.
Sus! alam mong madilim hindi ka naghintay ng sagot bigla ka nalang tumakbo.
Di naman nagtagal at lumabas na kami ng room. Nadatnan naman namin sila Paulo at Dina sa sala at naghihintay sa aming paglabas.
Maam ayos ka lang ba? may dagdag na naman bandage mo ah. Baka bukas makalawa balot kana ng bandage. Ano ba kasi ginawa mo.
Itong si Luke magbubukas sana ng ilaw kaso nabangga nya center table kala ko naman kung napaano sya kaya napakbo ako sa kanya. Kaya lang nadulas ako eh.
Bakit kasi tumakbo ka naman. Lalaki yan kaya nya yan.
Kumain na po kayo maam. Para makapasyal sa labas. Nakahanda na bonefire.
Wow! marshmallow meron tayo dyan? BBQ tayo. Doon na tayo kumain sa labas pala. habang naghihintay na maluto ang BBQ.
Sege po maam papalipat ko nalang mga food sa labas. Punta na po kayo dyan.
Tapos wine. dala ka din Dina . at tawagin mo ang iba para doon tayo sa harap ng bonefire mag iinom.
Hala maam baka magagalit ang daddy mo nyan.
Bakit may magsusubong??? Ha Paulo
Sabay tingin ko sa kanya, pinangliliitan ko pa ng mga mata. Kaya hindi na ito sumagot pa at iling nalang ang itinugon sakin.
Good !!! tonight we are free. Lets enjoy our night. Tara lets common guys. Basta walang magsusubong hindi ito malalaman ni daddy.
Go! go! party! party! sigaw naman ni Dina.
Habang si Paulohalos di maipinta ang mukha. Batid ko ang pag alala sa mukha nito.
Paulo maging masaya ka nalang. pantay pantay tayo ngayon walang amo dito magbarkada tayo dito ngayon kaya tigilan mo yang kakasimangot mo ha.
Maam naman kasi eh mapapahamak ako nyan eh. Baka mamaya ano ang gagawin mo eh.
Don't worry Pau may tiwala ako sa sarili ko at kay Luke. Ewan ko lang kay Dina mamaya hahahaha lets enjoy Paulo. Hawak mo ang mangyayari mamaya sa inyo ni Dina. Sabay hampas ko sa balikat nya.
Tapos na ang haponan at nag uumpisa na ang inoman. Ngunit halos ayaw galawin ni Paulo at Luke ang wine nila. Lagi lang nakamasid ang mga ito saming mga babae. Makalipas ang isang oras onti onti nang nababasan ang mga kasama manin dahil ang iba sa kanila ay may pasok pa sa school at trabaho.
Dina kaya paba? namumula kana?
hehehe Maam kaya pa naman. Hahhaa di ba Paulo?. Gregg bakit ang suplado mo hahaha Alam mo gwapo ka naman kaso suplado ka hahahaha. Pero ang sweet mo kanina ha may paflower kapa. May kasweetan ka din pala Hahahha. Buti nalang mahal kita kaya hindi na ako nag abroad.
Naku po nag uumpisa na sya. Kaya ayaw ko nag iinom ka eh. Makulit ka pag nakainom eh
Hahahaha makulit daw ako. Di ba maam hindi naman mabait nga ako eh.
May pabulong bulong pa ito. Gwapo ng mahal ko Maam hahaha. torpe nga lang hahaha.
Lasing na nga si Dina kaya hindi na napigil ang kadaldalan. Medyo nahihilo na din ako pero pretend pa din na okay lang. Ayaw ko magpahalata na tinatamaan na ako. Kaya nagpasya na si Paulo na ihatid na si Dina sa kwarto nito. At naiwan kami ni Luke sa harapan ng bonefire. Pakaway kaway pa itong si Dina habang papalayo samin.
Ikaw ayos ka lang ba? hehehe baka ganyan ka din mamaya gaya ni Dina .
Yeah hahaha. Ikaw hindi kaba lasing? Inom pa tayo meron pa oh. ubosin natin to ha.
Wag na baka malasing kana nyan. Baka iba mapupuntahan natin mamaya pagnalasing tayo eh.
Alam ko naman di mo kayang gawin yan kaya inom pa tayo.
Tama na yan. Tingnan mo langit napakagandang tingnan ang mga bituin nagkikislapan.
Habang nakatingala sya sa langit panay din ang tagay ko sa natirang wine kaya ramdam ko na ang lasing. Kaya nag umisa na din akong nag iiba ng anyo.
Hoy! Luke! ko shower naiinitan ako eh.
Tumayo agad ako kaya nahilo ako at magiwang giwang ang tayo ko. Nagulat naman itong si Luke at ganun na ako ka lasing.
Ay! anak ng tinapa lasing na lasing ka kanina ayos kapa eh. Tumingala lang ako saglit lasing kana agad.
Hehehe waaaala laman, uuubos na oh. Samahan mo ko shower.
Inalalayan naman ako papasok ng kwarto namin. Nagtuloy na ako sa banyo kahit pagiwang giwang na ang lakad. Umupo ako toilet bowl. Binuksan ang gripo ng shower. Tinapat ko ang ulo sa tubig na dumadaloy mula sa shower.
Habang nakayuko sya naman ang pasok ni Luke sa loob ng banyo.
Huh! Anong ginagawa mo. kala ko ba mag shower ka.
Nagshoshower nga ako kita mo basa na ako.
Oo nga pero bakit ang ulo lang ang basa. hindi buong katawan.
Basang basa na ako eh kuha mo ko towel giniginaw na ako eh.
Dali dali naman ito kumuha ng towel at inabot sakin. Nilagay ko ito sa likod ko pero patuloy pa din nakasahod ang ulo ko sa shower. Kaya natawa si Luke sakin.
Iba ka din pag nalasing eh. Tama na yan baka magkakasakit pa.
Kaya pinatay nya ang shower at kinausap ako. Pero nagpipilit pa din ako magshower.
Eihhhh bukasan mo gusto ko pa mag shower eh.
Sabay buhos ko ng shampoo sa ulo. Kaya kinuskus nalang ni Luke ang ulo ko at binukasan ulit ang shower ng matanggal na ang bula sa buhok pinatay nya ulit ang shower at binalot ang bukok ng isa pang towel.
Tara tapos kana mag shower eh. Blower na nating yang buhok mo para mabilis matuyo. Para makatulog kana.
Sumama naman ako. at sya na din nagsuklay at nagblower ng buhot hanggang matuyo.
Nagmatuyo na tumayo ulit ako at bumalik ng banyo.
Hala ano na naman ang gagawin mo dyan tuyo na ang buhok mo. Mahiga kana sa kama para makatulog na.
Gusto mag shower ulit. Hindi pa ako tapos eh.
Umupo ako ulit ng toilet bowl at binuksan ang shower pero sa pagkakataon ito nakatotok lang sa mga paa ko. Kaya tawa na naman si Luke sa pinaggagawa ko.
Kuha mo ko towel ginignaw na ako bilisan mo.
Hahaha saan ko ibabalot ang towel sa paa mo?
Hindi dito sa likod. nanginginig ako grabe ang lamig.
Matapos akong balotin ni Luke ng tower pinatay nya ang shower. Pero binukasan ko ulit.
Tama na yan nanginginig kana sa lamig. Magkakasakit kana nyan.
Eh gusto ko pa ng shower eh yaan mo lang nakabukas yan doon kana matulog kana doon magshoshower lang ako dito hindi ako lalabas promise.
Haha kulit mo din pag nalasing pala my love.
Mayamaya narinig ko nalang si Paulo na pumasok.
Hala ano ginagawa nyo dyan sa banyo.?
Itong alaga mo nagsasayang ng tubig, hahahaha nangingnig na ayaw pa din tumigil eh. Tingan mo kung ano pinaggagawa nito.
Hi!,,, Paulo nagshower lang ako hindi ako tatakas hehehe .
Huh shower ng paa hahahaha iba ang trip niyo maam paglasing ah. Nanginginig kapa oh.
Hindi masarap nga magshower. Di ba Luke.?
Oo kakaibang shower yan. Si Dina tulog na ba?
Anong tulog ayon makulit pa din tawa ng tawa kawawa nga kakahampas nya masakit na katawan ko kakahampas nya. Nandoon din sa loob ng banyo nakaloblob din daw sya sa bath tab pero walang tubig. Ayaw umalis sa loob ng banyo. Iniwan ko doon sa tita nya binalikan ko bonefire at niligpit ko mga kalat din. At sinilip ko na din ang alaga ko kung ano ginagawa nya.
Walang tulogan to hindi ko naman pwede tulogan to baka malunod to sa isang basong tubig ang alaga mo. Hindi na to makakaulit ng inom. Nag iiba ang mga ito pagnalasing eh.
Kaya nga halos ayaw ko pumayag kanina eh. kasi makukulit sila pag nalasing. Buti nga wala pa dito asawa ni Greeg. Mas malala yon pagnasaling hahabolin mo yon sa dagat kasi hindi yon napapagod kakatampisaw sa dagat natutulog sa tubig yon.
Ay naku kakaiba ngayon lang ako nakakita ng nagshoshower sa paa. Nanginginig na ayaw pa papaawat eh. Pinatuyo na ang buhok nyan kala ko matutulog na yon pala babalik pa ng banyo. Ang hirap nito paano ako iihi nito nakaupo sya dyan. Sabok na ang pantog ko nito.
Malaking problema mo yan mamaya. hahahaha hindi mo naman pwede iwan yan baka pagbalik mo lunod na yan hahhaa. Ikaw na bahala dyan tingnan ko muna si Dina baka tulog na bubuhatin ko muna yon bago matulog na din ako. Panalangin mo nalang na makatulog na yan para makaihi ka.
Sege bantayan ko nalang to . Kakaibang nilalang mga ito. Maganda pero pagnalasing naku po ang kulit pala.
Pagkaalis ni Paulo ni lock na ni Luke ang pinto habang ako tuloy pa din ang shower. Habang si Luke nakabantay pa din at natatawa sa pinaggagawa ko. Kahit na nagtutunugan na ang ngipin ko sa ginaw pero ayaw ko pa din tumigil. Hanggang sa nakaramdam na ako ng antok kaya sinadal ko na ang ulo tank ng toilet bowl at dahan dahan pinikit ang mga mata. At tuloyan nang nakatulog.
Bea? my love? nakatulog na yata. Pwede ko na patayin ang tubig. Salamat naman at nakatulog na sya. Hindi kana pwede mag iinom mahirap pag iba kasama mo baka malunod ka sa shower eh.
Pinunasan nya ng towel ang paa ko pagkatapos binuhat na ako papuntang kama. Pinalitan na din nya ang suot kong blouse at short dahil basa din ito. Saka lang sya naka ihi at nakapaglinis ng buong katawan pagkatapos tumabi sakin upang matulog.