INAASIKASO ni Belle ang bisita niyang si Diego, habang ako ay nakaupo lang sa couch at pinapanood sila. Hindi ako nagseselos. Medyo naiirita lang ako sa presensiya ni Diego. Parang ang yabang niyang tingnan. Nakakaasar. "Brad," tawag ng katabi kong lalaki. Nilingon ko siya at nang nalita ko ay hindi siya pamilya sa akin. "I'm Bernard. You are Nathan, right?" Tumango ako at inabot ang pakikipag-kamay niya. "Mahal mo ba si Belle?" biglang tanong niya kaya medyo nagulat ako. What kind of question is that? At sino ba siya para tanungin ako ng ganyan? Pinsan ni Belle? Tito? Malamang ay hindi tatay. "Sino ka ba?" tanong ko rin. "Kaibigan at manliligaw." Naitaas ko ang kilay sa sinagot niya sa akin. Bilib din ako sa apog nitong totoy na 'to. Natuli na ba 'to? Biglang nagbago an

