NAGDADALAWANG-ISIP ako ngayon kung pupunta pa ba ako sa bahay nina Belle para sa konting salo-salo sa graduation niya. Nandoon na sina Marco at Ava pati ang mga pamangkin ko. Ako na lang ang nandito sa bahay at hindi alam ang gagawin. Hindi madali sa akin ang lahat. Masyadong magulo kaya dapat ay intindihin nila ako. Nakabihis na ako pero nag-aalangan talaga ako. Ewan. Baka nandoon lahat ng mga kamag-anak niya. Natatakot lang akong makilala yata ang mga kadugo ni Belle at baka... ipakasal kami o ano. Tss! Nathan! Hindi ako duwag na harapin ang mga kamag-anak ni Belle. Ayaw ko lang paasahin ang lahat lalo na't hindi ako sigurado. Pakiramdam ko kasi ay hindi naman kami magtatagal ni Belle. But, have some decency, Jonathan. "Uf, Jonathan!" Naguguluhan na ako! Ang akin lang, aya

