Chapter One

1653 Words
2016 GOING to Phuket Island could be easy if we did direct flight. Kaso, sa Bangkok lumanding ang nangangating paa ni Mommy at kailangan pa naming sumakay ng bangka papunta sa isla. Ride in a long tail boat, the ocean wind brought the familiar scent of brandy. A temporary sensation entered to my mind, as if a breeze ruffled through my thoughts. Daddy... Sa dalampasigan ko siya huling nayakap. Hawak-hawak ang kamay naming dalawa at nakatingin sa humahampas na alon ng dagat sa aming mga paa. He died. Ang ikli ng panahon ko siyang nakasama. At nang wala na siya, I always hide- not to bring shame to his legal family. By his money, I have to flee, banish and be forgotten for the sake of reputation. Kaya nga pinanindigan ko na ang pagiging bastardo. From my monthly allowance, a million to be exact, plus my mom's allotment, I don't know how much dahil hindi ako nangingialam sa pera niya, I opted to save it for travels and climbing. Sa katunayan, after two days, I'll be going to Lukla, Nepal for my Mt. Everest hiking. Pangarap ko iyon, ang makaayat sa pinakatuktok ng pinakamataas na bundok sa mundo. People will see me up, people will be proud of me. And I can reach the sky there– the heaven. Kaya dapat bukas ay makabalik na ako sa Italy para maihanda ko na ang sarili. Ito pa naman ang inaasam-asam na birthday gift ko. Minsan lang akong mag-birthday. I don't know if being a leapling is an escape for a gradiose celebration and expenses. Specially, being young in every four leaping years. I was born on February 29, 1996- premature pa. Saklap! And after two days, it's my twentieth birthday this month. The horn had blown, dadaong na ang aming sinasakyang fairy boat. I saw my mom whirling her neck from side to side. Hinahanap niya ako, sigurado. Natatawa akong nilapitan siya sa likod at hinayaang baliin niya ang ulo para maghanap sa akin. Ayan! Ayan ang napapala 'pag sinasama mo ako! Hinay-hinay na ring bumababa ang mga pasahero. Si Mommy, 'di mapirmi. "Saan na ba ang batang iyon?" inis na sabi niya sa sarili. Hinayaan ko lang siya. Tuwing gumagalaw siya ay sumusunod ako para 'di niya ako makita. Kay sarap paglaruan ng nanay ko. Medyo jologs kasi. Pasosyal na jologs. Nakakaawa naman. Kahit baliktarin ko ang planet Yekok, nanay ko pa rin siya. At 'di ko siya matiis. Hinawakan ko ang ulo niya at paikot na hinarap sa akin. "Nasaan ka ba?" pagalit na tanong ni Mom. "Dito. Sa likod mo," sagot ko. "Hay! Hay!" Hinampas-hampas niya ako sa dibdib pero pinagtawanan ko lang. Padabog siyang naglakad pababa ng bangka at sumunod na rin ako. Katulad ng sa Pinas, marami ring fortune tellers dito sa Thailand. Thai people, especially celebrities and enterpreneurs somehow rely their luck to these folks. They even changed their name for their fate's sake. Like Lalisa Manoban from Blackpink. She was born as Pranpriya, changed her name because a fortune teller told her that it was a bad luck. So, to get rid of bad fortune, her parents changed it when she was a child. Well, I know Blackpink dahil fangirl ang girlfriend ko at nakiki-fanboy na rin ako para couple's goal kuno. Gano'n ako magmahal. Naks. Anyway, as far as I understand, the fortune teller has a vast network of information from gossip and rumors and listening to what people say. Based on all this information, you get your destiny foretold. But nah! I don't believe on them. Spiritual medium, palm reading, tarot cards and Thai astrology, these are very popular quote and quote ways to know your fate. Hindi ako naniniwala ngunit nandito ako, nakabuntot kay Mommy dahil ipapahula na naman niya ako. Twenty years of being her son, or five years, basing on my leap year age, nakatadhana akong hulaan ng kung sino-sino. My mom is a superstitious believer. Lahat ng bagay ay may kahulugan. Pagkain, damit at kung ano-ano pa. Minsan nga nagdududa ako, baka kulto ang mommy ko. Just kidding! "Nathan, gawin mo iyong tinuro ko, ha?" sabi ni Mom sa akin. Teka, anong tinuro niya? Napakurap ako at inaalala. Ang naaalala kong tinuro niya sa akin ay angkinin ang kayamanan ng mga Montefalco, maging CEO ng kompanya, gawin siyang reyna. Alin doon? "Ang ano, My?" tanong ko. Napairap siya sa akin at hinampas ako ng pamaypay na binili niya sa Bangkok. "Iyong babati ka sa manghuhula at magpapasalamat pagkatapos. Two words lang iyon, Nathan h'wag mo akong ipahiya!" Ah! Iyong... Sawika... Salawika... Sawsaw? Ano nga iyon? Iniisip ko kung ano iyon. Nasa dulo na ng dila ko, 'di ko lang mabigkas. "Saw... saw... sawikain?" "Hangal!" bulyaw niya sa akin sabay hampas uli ng pamaypay. "Sawadee-ka! Tapos ikaw, Sawadee-kap sasabihin mo. Gets? And ganito..." She put her palms of the hands pressed together in a prayer-like gesture with fingers pointing upwards, closed to the chest, and the head slighly bowed. Sus! Dali lang naman pala, eh! "Sige nga, praktis!" Putragis itong si Mommy! Wala talagang bilib sa akin. "Halika na, Mom." Hinila ko siya pero nagmatigas ang magaling kong nanay. At the end, ako pa rin ang talunan. Masunurin pa rin akong anak. I cleared my throat, put my two palms together and bowed down. "Sawadee-crap? Crap? Crab ba 'yon? Alimango?" Sinabunutan niya ang sariling buhok sa inis. Ang ipinatagtataka ko, bakit pa kailangang mag-sawadee-sawadee na pwede namang mag-english. Hello, good morning, dapat gano'n na lang. "Grrrr! Minsan iniisip ko, anak ba talaga kita?" she scowled. Wow, ha? "Ako rin, My. Napapaisip din ng ganyan," mahina kong sabi sabay himas sa baba ko. "Ano?" asik niya. Naniningkit na ang mga mata sa inis at gumagalaw na ang mga labi sa gigil. Takbo na Nathan! My first option kung susugurin niya ako "Wala! Sabi ko, Sawadee-kap! Sawadee-kap! Sawadee-kap!" At naglakad palayo sa kanya. Nakakasawa ka! Hinabol pa talaga ako ng nanay ko at tinuro-turo sa pamaypay na gawa sa bamboo- Thai native fan. Kaya sa bawat hampas niya sa akin ay nangangati sa sakit ang aking balat. "Alam mo, Jonathan! 'Di ko alam kung sinasadya mong magbobo-bobohan para 'di mo masunod ang gusto ko. Matalino ako, matalino ang daddy mo. Saan ka ba nagmana?" Wow, very animalism ang pag-describe niya sa akin. "Baka sa driver natin, My!" I mocked. "Ano? Hunghang ka!" Uy! Grabe na ang magagandang salita ng nanay ko, her own metaphor of defining me. Harsh! "Alam mo ba? Bata pa ako, ako ang first honor dati, naging valedictorian ako sa high school. Dean's lister at naging Magna-c*m laude sa college..." Blah! Blah! Blah! Ang ingay! Iyan si Mommy, ang konting bagay pinapalaki niya. Ang masaklap, naging Maalalaala mo kaya ang segment ng usapan namin. Nauungkat ang kabataan niya, wala namang kwenta. "Maalaala mo kaya... ang sumpa mo sa akin... Dear Charo," I teased him by mimicking ABS-CBN drama anthology ni Miss Charo Santos na sinabayan ko pa ng kanta. I stepped forward and walked. "Hoy! Jonathan, h'wag mong gawing biro 'to!" Binilisan ko ang paglalakad para makaiwas sa ratatat ng aking ina. I promised to myself. I would never marry a woman who owns a magazine of bullet in the mouth. Ang sakit sa tainga! Nakakarindi! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ine-enjoy ang lugar. Natahimik na rin sa wakas ang aking ina, na-distract sa ganda ng isla– white sand beaches, mountains from sides of the island, and the crystal clear water which you can see coral reef that is perfect for snorkeling. Let's add also the restaurants with a few sunbeds. Perfect! A paradise, indeed. Nilingon ko siya at abala na sa pagkukuha ng litrato sa sarili. Mabuti naman kung gano'n dahil ako na naman ang kukulitin niya. "Jonathan!" Ayan na! "Oh!" walang-gana kong sagot. "Take photo of me, dali!" Grrrr! Animalism! # NAGTITIGAN kami ng baklang manghuhula. Bet siguro ako nito! Pagkatapos niyang basahin ang guhit ng mga palad ko, binabasa na naman niya ang mga barahang nakalahad sa lamesa. "Khwām tāy!¹" Ha? Ano raw? Magiging tatay ako? Inilapit ni Mommy ang mukha rito para maintindihan ang sinabi. "Eh... Khun!² Kwam? What?" "Khwām tāy! Death!" Sabay turo ng manghuhula sa akin." Putragis! Ako mamamatay? Napasinghap si Mommy. She exaggeratedly cried. Wala namang luha. "This is ridiculous! Tinatakot lang tayo ng baklang 'to, My!" galit na sabi ko sabay tayo. "Ssssh! Tumahimik ka nga riyan! Sit!" Tiim-bagang akong bumalik sa pag-upo. "But no woriyee! Death istap na ka!" H'wag daw akong mag-alala. Ayan ang pagkakaintindi ko. Ang hirap niyang intindihin. Nahihirapan siyang mag-english. Dapat sa mga ganitong dinadagsa, dapat ay may translator siya para 'di mabaliw ang mga dayuhan niyang kliyente. "Khun, what cause death my son." Isa rin si Mommy! Kinarabaw na ang english. Sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'to. Sarap pag-untugin. "I.. see to... to, na ka!" He gestured his fingers in peace sign. Number two yata 'to. "Two?" Si Mommy. "Two... " ulit ng manghuhula. "Ah, two." Si Mommy ulit. Hay! "Two, three, four, five!" sabat ko. Walang katapusang two! "Hoy!" saway ni Mommy sabay kurot sa tagiliran ko. "Two karama!" Karama? "Karama!" Ano iyon? "Karma?" usisa uli ng nanay ko. "Yes, na ka!" Offf! Karma lang pala! "First, bad karama. Son, go up, high. So high! But go down. No death faster. Son die not fast, na ka. Second, good karama life after death. Girl come help son." Grrrr! Nagbuga ako ng malalim na hininga. Kailan ba 'to matatapos? "You go up muntin." Ano na naman ang muntin? "Mountain, Khun?" Tumango ang manghuhula. Wait, how did he know? "Son come back no bo-dee (body). Only soul. He pik karama, only stay here one year and half. Son do not believe Buddha talk, you find own read. And you live." Inilapag niya ang litrato ko at binaliktad. May nakasulat na kaya agad ko itong kinuha at binasa. One only suffers because of one's past accounts...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD