Trust yourself when all doubts. But if you doubt the situation, cease what you are planning because it might lead to a danger only you can see clearly.
Kung sa inaakala ng lahat na hindi ako nagtitiwala sa sarili ko at naniniwala na lang sa hula ng shutang bakla na iyon ay nagkakamali sila. I do trust myself. I do. But there's every other bastard out there I don't trust. This is a world of monsters. So many monsters...
Napabuntong-hininga na lamang ako nang patuloy na naaalala ang hula sa akin.
Kahit ilang beses kong sinasaksak sa sentido ko na hindi iyon totoo, ngunit may sariling bunganga ang kabilang bahagi ng utak ko na walang mawawala kung paniniwalaan ko kahit ngayon lang ang isang hula laban sa akin.
Iyong tipong, gustong-gusto mong gawin ang mga bagay na naplano mo na, ngunit nagdadalawang-isip ko.
Iba kasi ang hula niya ngayon. Noon ay puro magagandang bagay lang ang naririnig ko, suwerte-suwerte kumbaga sa buhay ko. Ngunit iba ngayon. Ang pangit at hindi ko gusto!
Muli akong napabuntong-hininga at tinungo ang drawer ko. I opened it and took the white envelope. Binuksan ko ito at malungkot na tinitigan ang dalawang bagay na inihanda ko na. Sayang lang! Sayang na sayang!
Nilaro-laro ng dalawa kong kamay ang ticket at passport. Ngayon ang araw ng flight ko papuntang Nepal para sa pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mt. Everest.
Gustong-gusto kong pumunta pero nagdadalawang-isip talaga ako, naging tatlo pa nga, kaya naman pinagliban ko ang biyahe ngayon at mag-isang nakatungo rito sa loob ng aking silid.
Putragis! Kasalanan talaga ito ng magaling kong nanay! Dapat ay hindi ako pumayag na magpahula at sumama sa kanya sa Thailand at hulaan ang kapalaran ko kuno ng baklang kulang sa aruga na iyon. Naba-bother na ang utak ko at 'di mawala ang sinabi ng manghuhula.
One only suffers because of one's past accounts...
Ano 'yon? Ako ba ang magtitiis ng kung sinong Poncio Pilatong ninuno ko na may nagawang kasalanan? Ang bobo ko na nga sa history, ang hirap pang alamin ng pamilya namin dahil anak nga lang ako sa kabit.
Saklap! Napaka-saklap ng buhay mo, Jonathan! Guwapo ka lang talaga, iyan ang lamang mo!
First, bad karama. Son, go up, high. So high! But go down. Not death faster. Son die not fast na ka. Second, good karama life after death. Girl come help son.
Kulang sa grammar si Shutla, pero ngayon ko iniintindi ang mga sinabi niya.
I have two karmas. First, bad karma. I will go up in a high place and he was referring to a mountain--- probably. I will come back with no body but only soul. Hindi raw ako mamamatay agad. Second, I will have a good karma, a life after death with the help of a girl.
Sino naman iyon? Si Mommy? Ano ang maitutulong ng nanay kong napamanahan ni Dora ng pagiging explorer?
I sighed deeply. Nakakabahala. Nakakabagabag.
Ibinaba ko ang ticket at passport. Hinubad ko na rin ang sapatos.
I won't go. I won't take the risk. May gusto pa akong patunayan sa mga kapatid ko. Gusto ko pang ipakita sa kanila na kahit hindi ako hunk katulad ng mga katawan nila, guwapo pa rin naman ako dahil isa akong Montefalco. Baka pa may dilang engkanto ang manghuhulang iyon at matuluyan ako kaya mas mabuti na munang umiwas.
Hindi ko sinasabing naniniwala ako. But... parang gano'n na nga!
Crap! You don't believe, Nathan, alright?
At dahil nandito ako sa mumunti kong silid, nakaupo sa sagrado kong kama na hindi pa napapatakan ng ano mang kahalayan dahil kakalipat lang namin sa isang bagong bahay na naman, tatawagan ko na lang ang kasintahan at baka mabibiyayaan ako ng langit ngayon.
I fished out my phone from my pocket and dialed Fiona's number. Hinintay ko pang mag-ring hanggang sa narinig ko na ito sa kabilang linya.
Ring lang nang ring pero walang sumasagot. Nakailang pa-ring ako ngunit wala pa rin kaya nakapagtataka naman. Where is she? Himala at hindi niya ako na-miss ngayon. Buong araw niyang 'di nakita ang mukha ng kasintahan niya.
Nakapagtataka naman talaga... nakakapanibago.
A message suddenly flashed on my screen and it was her.
Fiona, my love!
Bigla na lamang akong nadismaya sa mensaheng ibinigay niya.
Sorry, Caro. I'm busy. Happy birthday. I love you.
I sighed heavily as I kept on reading her message. Baka mali lang ako ng basa. Hindi naman ganito si Fiona, lalo na't kaarawan ko. Ngunit kahit ilang beses kong pabalik-balik na binasa ang siyam na letrang naka-flash sa screen ng telepono ko ay wala pa rin. Hindi niya ako pupuntahan dahil busy siya!
Ayaw ko sanang reply-yan ngunit magmumukha akong nagtatampong bata.
Okay, I love you even more...
Malungkot kong ibinaba ang phone nang biglang naisip ko ang dalawang mga kaibigan kong pariwara. Baka naman ay may time silang maglasing ngayon at magwawalwal kaming tatlo. Kahit dito lang sa loob ng kuwarto ko. Laban na lang sana.
Iniangat ko uli ang phone at hinagilap ang mga numero ng mga kaibigan ko.
I texted Ronel and Josh, asking if they could come.
Ngunit napasimangot ako nang nag-reply si Ronel; Brad, may lakad kami ng gf ko. Sorry.
Sinundan pa ng isang mensahe galing kay Josh; I have projects, Brad. Sorry.
Sana all! Ang bi-busy habang ako ay nag-iisa lamang.
Alright. I will celebrate my birthday... alone again. Sanay naman ako kaya para saan pa ang pagtatampo ko ngayon?
Ang mommy ko? May lakad daw ng mga amigas niya. Ang Dora ng Italya ay kasama ang ibang mga friends niyang makakati rin ang mga paa kaya hindi ko na aasahan si Mom.
Ibinagsak ko ang sarili sa kama at napalundag pa ang alaga kong aso sa gulat kaya natawa ako. Prosecco, my Courser dog lied down beside me after his sudden shake. Hindi naman nagkakape ang asong 'to pero kung makalundag sa gulat ay parang nasobrahan ng caffeine sa katawan. Hinimas-himas ko na lang ang likod niya at mapait na ngumiti. Mabuti pa ang asong 'to, hindi ako iniiwan. Palagi sa tabi ko.
"Kantahan mo naman ako, Prosecco, oh!" sabi ko sa aso.
Para akong tinitigan ng aso at bigla na lang niyang dinilaan ang aking mukha. Mayamaya ay umayos siya ng upo at humarap sa akin.
The dog whined, like singing a very emotional song.
"Ano ba 'yan, Prosecco? Ang sad. Iyong happy naman! Masaya ba. Iyong, tanti auguri a te... " ani ko na ang tinutukoy ay ang happy birthday sa kantang Italyano.
Dinilaan ulit ako ng aso kaya natatawa ko siyang tinampal. Nababaliw na talaga ako. Kung kakanta naman itong si Prosecco ay baka magtatakbo sa takot.
"Tanti auguri a te! Tanti auguri a te!"
"Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"
Napatayo ako sa kinahihigaan at bigla akong kinilabutan.
"Kumakanta ka na?" gulat na tanong ko sa aso.
Napakurap na lamang ako at sinipat muli ang alaga.
"Naloko na! Ang pangit ng boses mo, Prosecco pero huwag ganyan. Nakakatakot, ha?"
"Ulol! Tingin ka sa likod!"
Nang lingunin ko ang nagsalita ay ang dalawang ugok ko na kaibigan na may bitbit na dalawang boteng beer, tig-iisa pa sila.
Napangiti ako at naiiling na tiningnan sila. Akala ko naman ay nababaliw na ako o nanuno dahil nagsasalita na ang aso ko.
"Happy Birthday, caro."
Mas lumapad ang aking ngiti nang nakita ko ang magandang babae sa balat ng Hatoria ng Italya.
Aw, my beautiful girlfriend is here, holding a cup cake. Ang sweet kasing tamis ng cake niyang siya lang din ang kakain mamaya, for sure!
Nilapitan ko si Fiona at mahigpit siyang niyakap. Hinalikan ko pa siya sa sentido at binulungan, "I demand a gift... iyong ikaw ang magbabalat ng wrapper ko..."
Kagat-labi niyang hinampas ang aking braso at natatawa akong niyakap.
"Happy Birthday, tesoro!"
Uy! Nandito rin si Mom na may dalang isang tray ng baso.
"Mommy!" Hinalikan niya ako sa pisngi at inabot ang isang nakabalot na regalo.
Gulat kong kinuha ang ibinigay niya at sabik na binuksan ito.
"Jonathan, it is the most expensive watch, top 15 sa pinakamahal. Patek Philippe White Gold Calibre 89 worth 6.9 million... dollars!"
Naitaas ko ang kilay dahil gumastos na naman siya!
"Mommy! Saang paluwagan ka na naman sumali?"
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at asar akong hinampas ng tray. Natatawa rin ang aking mga kaibigan habang tinitingan akong inaabuso ng aking ina.
"Paluwagan sa pagmumukha mo. Hindi ako cheap na nanay kaya ibibigay ko ang kahit anong mahal na bagay sa anak ko."
Aw, sweet naman pala!
Fine, hindi ko siya aasarin ngayon dahil nag-effort siyang magpaluwagan sa ibang bansa, at alam kong nag-ipon siya para dito.
"All of you guys... surprise me?" namamanghang tanong ko.
Nagkatingingan silang apat at tumango.
"Yes, Brad! At hindi mo ba naisip? Wala naman akong girlfriend!" bulalas ni Ronel.
Oo nga no? Nadali ako roon, ah!
Hinampas ko siya ng unan at natatawa namang umiilag ang baliw kong kaibigan.
"Hindi namin ipagpapalit ang kaibigan namin sa isang babae, okay?" pasipsip ni Josh.
Fiona already snaked at my waist. At tama nga ako, kinakain na niya ngayon ang cup cake na dala. For video purposes lang talaga iyon.
But it was so okay. Kahit kainin niya lahat ng cake sa mundo ay okay lang.
I kissed my girlfriend on her temple and hugged her so tight.
"Thank you," masayang sabi ko.
Kahit naman ganito ang buhay ko. Puno ng prediction ng kahit na kanino ay masaya ako. May mga kaibigan akong walang-hiya at may girlfriend akong sweet pa sa cup cake niya--- niyang dala. At siyempre, may nanay akong sosyal!
"Si Tita nakaisip nito," ani Josh.
Oh... Ang pra-pra o praning kong nanay. Ang sweet naman!
I hugged my mother. Kahit bungangera at pa-it's the climb ni Miley Cyrus 'to ay mahal na mahal ko pa rin ang mom.
Happy na ako sa 20th slashed 5th birthday ko. May maganda at sweet akong girlfriend, may mga ugok na mga kaibigan at may pa-elite ako na nanay. Isa na lang ang kulang.
Ang mga kuya ko.