2018
Malugod kong pinapasok si Kuya Tristan at agad na pinaupo sa couch. He is the Montefalco's personal attorney and best friend ni Marco, ang panganay ko na kapatid sa ama.
Tiningnan ko si Mommy na nakatayo sa harap namin. Kagat-labi pa siya habang nakangising kinurap-kurap ang mga mata. Kung ibang tao ako at 'di kilala ang nanay ko, iisipin kong nilalandi niya si Kuya ngunit alam ko ang pagpapa-cute niyang ito. Gusto niyang maki-tsismis sa pag-uusapan namin ng abogado. Sigurado ako, at siya na may kailangang pag-uusapan kaya naparito si Kuya Tristan.
I gave my dear mother a look like saying, leave us alone.
Kunwari ay 'di n iya pa naiintindihan at patay-maling nagpatuloy sa kanyang pagpapa-cute.
Dios ko! Ang hirap mag-alaga ng nanay na pasaway!
"Mommy..."
"What, Hijo?"
Oh? Kunwari pa talaga!
"Mom, leave us alone."
Napanguso siya at umupo pa sa kaharap na one-seater seat. "Don't mind me, mag-usap lang kayo..."
"Mommy!"
Nagmatigas pa siya pero pinilit ko siya na iwan na muna kami. Ayaw kong maraming interapsyon sa pag-uusapan namin ngayon dahil baka may mga bagay na nais sabihin si Kuya na 'di dapat malaman ni Mom.
Nakaismid pa talagang tumayo si Mommy at nilisan kami. Iiling-iling na lamang ako dahil sa kakulitan niya minsan. No... palagi!
"Pasensya ka na kay Mom. May pagka-tsismosa rin," pagbibiro ko.
He just nodded and laughed softly. "No problem, Nathan. Malalaman din naman niya, sigurado naman ako. Walang balita na 'di alam ni Tita."
"True!" Napapikit ako nang sumigaw siya sa may kusina kaya napatingin ako sa gawi niya na ngayon ay sumisilip-silip.
"Mommy!"
"Fine, Jonathan!"
Napabuntong-hininga na lamang ako at muling hinarap si Kuya.
"Ang alin, Kuya?"
May inilabas siyang mga papel sa document bag niya at inabot sa akin.
"Here," he said, placing the paper in front of me.
I puckered my brows when I read the letters. It was Dad's will if I am not mistaken.
"Ito na ang tamang panahon para malaman mo ang nasa will ng dad ninyo," aniya na seryoso akong tiningnan.
"Sabi riyan, when you turn twenty-one, you must be at the Montefalco's portal and Marco must give you a position and will own a share to the business like them."
May iniwan si Dad para sa akin?
"You are thinking right, Jonathan. May karapatan ka sa kompanya na pinamamahalaan ni Marco."
Bubuka na sana ang bibig ko nang biglang tumalon si Mommy sa likuran namin.
"Ay!" tili ni Mommy.
Nagulat pa kaming pareho ni Kuya Tristan sa sigaw ni Mom.
"Sabi ko na nga ba! Sabi ko na nga ba!"
Naiinis kong kinamot ang tainga at sinamaan ng tingin ang ina. So, she's been eavesdropping us and did kick her ass off her?
"So, ano ang posisyon niya, Tristan?" Tinabihan niya pa talaga si Kuya na ngayon ay 'di ko alam kung ngingiti o sasagot.
"Attorney Tristan, Mom!" pagtatama ko. Kung maka-Tristan ay akala mong anak niya lang ang kinakausap.
Inirapan lang ako ni Diana Javier.
Napakamot na lang ng ulo si Kuya at ngingiti-ngiting tumingin sa akin. "Uhm..."
"Continue, Kuya."
"Attorney Tristan!" Si Mom naman ngayon ang nagtatama sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil tama akong hindi kami makakapag-usap nang maayo dahil sa kanya.
"Pwede ba, Mom? Quiet!" singhal ko. Ayaw kong manigaw ng nanay pero nakakairita na rin siya. Sumusobra na ang pagiging mahadera niya.
She gestured like she was zipping her mouth. Tingnan natin iyang zip-zip niya!
Saglit na napatingin si Kuya kay Mom at naiilang na humarap sa akin. Tumikhim pa siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Twenty-one kana last year, dapat ay nasa Pinas ka na para mamahala ng kompanya," aniya.
"But... Marco didn't allow me to inform you about the will."
"Sabi na, eh! Gahaman talaga iyang si Marco, mana sa ina niyang sosyalera! Kaya ang lakas ng pakiramdam kong may iniwan si Marhem sa akin. Tama nga ako! Nanaginip kasi ako na magiging CEO si Nathan," sabat ng nanay ko.
Nagpupuyos ako sa inis nang tiningnan siya. Nakakahiya kay Kuya Tristan kaya pinandilitan ko siya ng mga mata.
"Eh... totoo naman, ah!" giit pa ni Mom.
"Hindi gahaman si Marco, Tita. He is just protecting the business. Matagal niyang pinaghirapan ito. So, you must understand him. Even Rhemuel, hindi niya pinagkakatiwalaan sa usapang negosyo. Kahit na sino. Kilala natin si Marco, gagawin niya ang alam niyang makakabuti sa kompanya."
Ano na lang kaya ako? Si Rhem nga na totoo niyang kapatid ay may trust issue pa siya.
Umismid si Mom sa sinabi ni Kuya, tila hindi kumbinsido sa sinabi nito at nakahalukipkip na nakikinig sa amin.
"I can't, Kuya. At... ang pangit ng grades ko sa Architecture. Nakakahiya kay Marco. Kahit saang anggulo ay wala akong lugar sa kompanya," sabi ko.
"Anong nakakahiya? Montefalco ka! Ang dugong nananalaytay ay dugo-"
"Dugo ng bampira, Mom! 'Pag hindi ka tumigil ay sisipsipin ko ang dugo mo."
Nasapo niya ang sariling dibdib sa gulat. I didn't mean anything. Naiinis lang ako kaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Sino ba naman ang hindi maiinis, ano?
"Kuya, I think we should talk... in private!" Idiniin ko pa ang pagkakasabi sa huling salita para naman mahiya ang balahibo ni Mom at umalis na. Ngunit matigas pa sa bato ang nanay ko't nais pang magkaugat para makinig sa amin.
Tumayo kaming dalawa para tumungo sa veranda. Tatayo na naman sana si Mom nang ituro ko ang couch.
"Stay! Sit!" utos ko sa kanya.
Awtomatikong umupo siya na parang si Prosecco.
"Good mother!" I complimented with sarcasm.
Natatawang tinampal ni Kuya ang dibdib ko at sabay na tinungo ang veranda.
Nilingon ko pa si Mommy na nakaupo pa rinsa couch pero alamm kong nangangati ang mga paang sumunod sa amin.
Umupo kami sa isang steel na silya. Kuya Tristan continued to talk about the will.
"Mahirap baliin ang prinsipyo ni Marco. He's my best friend. Pero uusigin ako ng propesyon ko bilang abogado ng daddy mo."
I nodded but I think, I don't have a good space in there.
"If Marco doesn't want me there, bakit pa ako makikialam? Okay naman na ako sa buhay ko, Kuya."
Biglang natumba ang paso sa gilid ng pintuan ng balkonahe. I saw two feet at the side of the sliding door and I know exactly who she was!
"Mom!" I shouted.
Ang tigas ng bungo ni Mom. Sobra!
Lumabas siya at may bitbit na dalawang basong nakapatong sa tray.
"Maghahatid lang naman ako ng inumin," maang niya.
She placed the tray on the small table infront of us and smiled sweetly. Hindi talaga kami matatapos nito!
"Inumin? Anong iinumin namin, mommy? Hangin?" May baso nga wala namang laman.
"Ow! Naku! Tatanungin ko lang kung ano ang gusto ni Attorney." Humarap siya kay Kuya habang iiling-iling na lang ako. Basta involve ang pera o yaman sa usapan, attentive masyado si Mommy. Awtomatikong uma-activate ang mga cells niya sa katawan.
"Okay lang po, Tita. H'wag ka ng mag-abala," magalang na sagot ni Kuya.
Bumaling ang magaling kong ina sa akin. "Ikaw, anak?"
"Dugo, My. Gusto ko ng dugo!" Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya agad din na pumasok sa loob.
Mauubusan ako ng dugo sa kanya!
Sinundan ko siya hanggang sa makalayo sa gawi namin, dumiretso naman sa kusina si Mom. Ang hirap mag-alaga ng inang makulit!
"Sorry talaga, Kuya."
"Okay lang, Nathan," tugon niya sa akin.
"Iyon nga. Bente-uno ka na. Magbe-bente-dos ka na ngayong Pebrero, dapat ay harapin mo na ang mga kapatid mo," saad niya
Napaisip ako. Paano ko sila haharapin? Unang paghaharap namin noon ay ang gulo. Nainsulto pa si Mom ng nanay nila.
Kabit si Mom pero tama na ang harap-harapang insulto. Masakit din iyon para sa akin na anak. Kahit magulo at makulit si Mommy, kahit na mukhang dolyares ang mukha niya, pero nanay ko pa rin siya. Nasasaktan ako kung may nag-iinsulto sa kanya.
"Pagkakataon mo na ito, Nathan na ipakita na isa ka ring Montefalco. Wala tayong problema kay Rhem, he's a considerate person, ang isang kapatid mo lang talaga."
Yeah. Marco Joseph Montefalco.